Chapter3

939 11 0
                                    

#Chapter3

Belle's POV

"Bisitahin mo naman ako" pangungulit ni Christian na kausap ko ngayon sa Video Call

"Kulit nito sabing ayoko nga"

"Good Morning Mr. Christian" rinig ko doon kila Christian.

"Good Morning din doc, sige na kasi Belle!"

"my ghad Christian, alam ko naman miss mo na ako pero ayaw ko nga, kinakain mo ba yung pinadala ko sayo?" nakita ko naman na may inaabot siya.

"Kung kakainin ko ba to pupunta ka?"

"Tianie naman alam mo naman siguro ang rason ko bakit hindi na ako nagpupunta sa hospital right?"

"As if maniniwala ako sa rason mong takot ka na sa mga hospital, maniwala." Nakita ko naman na may tinignan siya sabay ngiti.

"Doc gusto mo ba makita sino itong napagandang kausap ko?, tapos doc pilitin mo siyang puntahan ako." kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi ni Christian.

Lumaki naman ang mga mata ko sa gulat ng di na si Christian yung nasa camera pati din siya

"Belle" kahit mahina niyang pagkasabi nababasa ko sa mga labi niya, umiwas naman ako ng tingin.

"N-nag hahanap ka pa talaga ng kakampi Tianie"

"Sige na doc pilitin mo na"

"Uhm, it's nice to see you again Belle but I think it's more nice if I see you personally, so hmmm please come here"

Inend call ko naman agad iyon ng marinig ko ang mga katagang yun at nilayo saakin yung laptop at tinitigan lang iyon.

After 2 years kong pag iiwas sakanya nakita ko siya, nakita niya ako, ng dahil sa pesteng Christian na yun!?

Pero di padin siya nag babago, gwapo padin ang pag mumukha niya, ang pananalita niya at kung paano siya mag damit sa loob ng kanyang doctor's robe.

Umiling naman ako sa iniisip ko at hinilot ang noo ko.

"Miss Belle"

Peste naman oh! hanggang ngayon nag momove on pako tapos sa isang ikot lang ni Christian sa laptop niya ito para na naman akong baliw na iniisip ang pesteng babaerong yun.

"Miss Belle"

Ano daw? it's nice to see me again? dahil wala siyang ibang nauto kaya nice? tapos it's more nice pag nakita niya ako personally huh! mukha niya ako?! magpapakita sakanya? ulol niya! tapos please come here? oh ghad di ako uto uto no!

"Miss Belle"

"Hindi ako pupunta doon!" binagsak ko naman ang mga kamay ko sa mesa pero nagulat ako ng makita ko ang mukhang gulat din na secretary ko.

"M-miss Belle"

"Sorry, ano kailangan mo?"

Umupo ulit ako at umayos"

"S-sinagot mo na po ata yung sasabihin ko eh"

"Ano ba yun?"

"your father set you on a date po, dinner date"

"W-what!?" nakita ko naman ang gulat ulit ni Hailey kaya kumalma muna ako.

"Okay, bumalik ka na sa trabaho mo kakausapin ko lang si daddy" tumango naman ito bilang sagot at tumalikod saakin.

"By the way please dalhan mo ko dito ng creamy latte please"

"Okay po miss Belle"

"Thank you" tuluyan na itong umalis sa opisina ko.

Beauty and the Beast ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin