Chapter9

500 7 0
                                    

#Chapter9

Belle's POV

"Baby!"

"Ma I'm big na po stop mo na pag tawag saakin ng baby"

"Sus, ingat ka ah?"

"Sige po ma ikaw din po I love you" humalik naman ito saakin sa pisnge kaya napangiti naman ako.

"I love you too baby" bumaba naman ito ng kotse at kumaway muna bago tuluyan pumasok sa skwelahan niya.

Pinaandar ko naman ang kotse ko at dumiretso sa maliit kong negosyo ko ngayon.

Umalis ako ng bansa sinama ko si Venice, sa lugar kung saan di maisip ng tatay ko na doon ako pupunta, sa France, yes umuwi ako sa bansang kinalakihan ko pero hindi sa lungsud kong nasaan talaga nakatira ang tatay ko.

Pero bago ako tuluyang umalis ng bansa pinatapos ko muna ang school year ni Venice at nag file ng annulment kay Voltaire.

Isang taon na din kaming naninirahan ng tahimik ni Venice dito, isang tao lang naman ang nakakaalam kung nasaan ako, si Kuya Alexander lang, alam kong hinding hindi niya sasabihin kung nasaan ako ngayon, kailangan ko din siya dahil sa pag kawala ni Alice at ako ay siya na ang may hawak ng lahat, kailangan ko ng pera no?! ano siya sunuswerte? siya lang ang makikinabang sa pera. Si kuya Alexander ang rason bakit nakatayo ako ngayon ng clothing boutique.

Dumiretso ako ng opisina ko dahil andiyan naman si Candice, yung nag iisa kong trabahante.

Umupo ako sa swivel chair at tinitigan ang papel isang buwan na ang nakalipas simula nung dumating ito galing kay Anshirina.

Bumuntong hininga naman ako ng makita ang pangalan ni Voltaire na walang pirma, hindi niya pinirmahan ang annulment at may pinapasabi pa siya.

"Baka nakalimotan mo Belle ang sinabi ko sayo noon palang, hinding hindi kita papakawalan" Bumuntong hininga naman ako ng maalala ko ito.

Kahit anong gawin kong pag iwas talagang pinipilit ako ng tadhana. Muntikan na kaming magkita nung isang buwan lamang, buti nalang talaga hindi niya ako nakita.

Andito siya nung isang buwan na ang nakaraan nakita ko siya sa isang jewelry store at may tinitignan, papasok sana kami ni Venice non sa jewelry store pero buti nalang talaga at napigilan ko buti nalang at nakita ko siya bago pa kami makapasok ni Venice.

Di ko alam bakit siya andito pero may kasama siyang babae non, sabay silang tumitingin ng mga alahas at singsing.

"Madame Belle"

"oui?"

"Someone is looking for you"

"Why?"

"Je ne sais pas madame Belle"

"Oh okay" Tumayo naman ako at lumabas ng opisina ko.

Sino naman kaya itong nag hahanap saakin ng di man lang sinabi ang dahil bakit?

"Bonne après-midi" Bati ko ng di nakatingin sa taong nag hahanap saakin, tinitignan ko kasi yung orasan ko, dahil kukunin ko pa si Venice sa skwelahan niya hapon na kasi.

"Belle, ikaw nga" Inangat ko naman ang ulo ko at lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon sa harap ko.

"Pano mo nalaman na andito ako!?"

"Belle, hinahanap kita umuwi ka na Belle, umuwi na tayo sa Pinas"

"No! hindi ako sasama sayo Voltaire! bumalik ka na ng Pilipinas, bakit mo ba ako hinahanap? naubusan ka na ba ng babae?"

"I need you"

"Fvck that words" tumingin ulit ako sa orasan ko

"Please excuse me may pupuntahan pa ako"

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now