Simula

655 9 0
                                    

"Blue!" Mula sa earpiece ay narinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan ko. Everyone called me Blue, whenever we're in a mission.

"What do you want?!" Angil ko kay Red; his name's Jared, kaya pinili niyang Red ang maging code name. So yeah, nakakairita man, halos lahat sa amin ay kinuha yata sa rainbow ang mga code names kung hindi man ay sa Crayola. God, I hate this team!

"We need to retreat. May mali sa information na nakuha ko." Singit naman ni Black, ang intel ng grupo.

Napapairap na nilingon ko ang parking lot ng hotel. Kung saan nakaparada ang itim na van ni Black. "So you want us to fall back dahil lang sa bagay na iyan? Can't you do something about it?!"

"Relax Blue, matalino si Black, hindi niya tayo paaatrasin kung tama ang information na nakuha niya." And there he goes, Grey, my rival. Lahat ng sasabihin ko kontra siya. Kulang na lang ay palitan niya ako sa posisyon bilang vice leader ng grupo. Though he's also a skilled killer like me, wala siyang anumang posisyon sa grupo. Hindi dahil sa ayaw sa kaniya ng mga nakatataas sa amin. Kundi dahil sa ayaw niya ang magkaroon ng posisyon. Bago pa lang siya sa grupo. Magkasabay sila ni Violet. Pero sa kanilang dalawa bukod-tanging si Grey lamang ang hindi ko makapagpalagayang loob. I don't know why; o baka siguro  pakiramdam ko may nakatagong misteryo sa likod ng maamo niyang mukha.

"Yeah right!" Inis kong sabi bago tumayo mula sa upuang nasa lobby. Pairap na hinawi ko ang aking mahabang buhok. Pagkatapos ay taas-noong naglakad palabas.

Hindi pa man ako nakakalabas ng hotel ay isang matabang lalaki ang bumangga sa akin. Hindi ko na sana iyon papansinin kaya kahit naiinis ay dumiretso ako sa paglalakad. Pero nang nasa glass door na ako'y may biglang may humila sa akin nang malakas.

"Hoy Miss, hindi ka man lang ba magso-sorry? Binangga mo iyong boss namin." Narinig kong sabi ng lalaking humila sa akin.

"Hey Blue, what's happening?" Again, I heard Grey's damned voice.

"May papatayin lang akong daga." Malamig kong sabi bago hinarap ang lalaking hanggang ngayon ay nakahawak sa braso ko. "You..."

"No...no...no! Blue, get out of there, now. Tauhan siya ni Simon!" Malakas na sabi ni Black na ikinapikit ko nang mariin.

Malamig ang ekspresiyong tiningnan ko ang kaharap pagkatapos ay inilipat ko sa matabang lalaki na ngayo'y may kalampungan nang babae sa sofa na kanina lang ay kinauupuan ko. "I don't give a damn, now fuck off." Sabi kong pinili na lang na huwag pag-aksayahan ng oras ang isang bubwit na katulad niya.

"Oh thank God!" Sabi ni Black.

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Natural na nagulat ako dahil hindi ko iyon napaghandaan. "Hihingi ka ng sorry o bubugbugin kita hanggang sa mamatay—." Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang mabilis akong lumapit sa kaniya. Wala pang sampung segundo'y nakalabit ko na kaagad ang baril kong may silencer.

"No one dares to slap me, you rat!" Mariin kong bulong bago iniwan ang katawan niyang unti-unting nabubuwal.

Bago ako tuluyang makalabas ay isang tili ang narinig ko. Kasunod ay ang natatarantang pagtakbo ng mga tao palabas. Hindi ko na binigyang pansin ang lahat. Dumiretso na lang ako sa van ni Black.

"The fucked! Why did you do that?!" Nanlalaki ang matang tanong sa akin ni Black nang makapasok ako sa loob ng van. Halos lahat ay nasa loob na. Lahat rin ay nakatingin sa akin.

"She's Blue, what do you expect?" Kibit-balikat na sabi ni Violet. Prente lang itong nakaupo sa tabi ni Black habang nakatingin sa monitor. Doon ko nakita ang cctv footages ng mga nangyari kanina. Black hacked every cameras in that building, natural lang na may copy siya ng nangyari kanina.

Maya-maya'y lumapit sa akin si Black na may dalang medicine kit. Akma akong magsasalita nang malamig niya akong titigan. Wala na akong nagawa nang umpisahan niyang gamutin ang pisngi kong nagkahiwa. Dahil sa gagong sumampal sa akin nagkasugat tuloy ako.

"Ooh, so if I slap you right now, will you also kill me?" Nakangising sabi ni Red bago isinubo ang chips na nasa kamay.

"Hey Red! Ano bang pinagsasasabi mo?!" Pataray na saway ni Violet kay Red. "Huwag mo na siyang pansinin, Serena." Dagdag pa nito na tinawag pa ako sa totoo kong pangalan.

Violet is my bestfriend. Her real name's Keith, basagulera, sakit sa ulo ng Kuya nitong walang ibang ginawa kundi linisin ang mga ginawa nitong gulo. Her brother asked us to look after her. Ang hindi alam ni Kairo ay naging kabilang na si Keith sa aming grupo.

Si Damon o Black naman ay senior namin. Mas nauna siya sa grupo. That's why he's the Leader. Kasabay niya si Darth na ngayon ay nasa ibang bansa. Intel namin siya ngayon, pero minsan naman ay siya ang nangunguna sa mga missions. He's a beast.

Si Jared o Red, he's Black bestfriend. Happy-go-lucky, playboy. Hindi yata mabubuhay nang walang babaeng nauuto.

And Grey; Greyson Monreal. The jerk. The—hmmp! Basta nabubuwisit ako!

I don't like him! Siguro dahil halos pantay na kami sa mata ni Mr. Cole. Si Mr. Cole ang siyang may hawak sa grupo namin. He recruited us, trained us to be the best killers. But wait, pumapatay kami hindi dahil sa masama kaming tao. Pumapatay kami dahil masasama silang tao. Did you get what I mean? If not, you can hide now, I might kill you.

"We're here."

Nagising ako sa bahagyang pagyugyog ni Keith sa aking balikat. Pupungas-pungas na inilibot ko ang tingin. As usual, tatlo na lang kaming nasa van. Malamang nauna na namang bumaba si Grey at Jared.

"See you tomorrow, Serena!" Nakangiting sabi ni Keith bago kumaway sa akin. Tanging pagtango ang ginawa ni Black bago ako tuluyang bumaba ng kaniyang van.

Naiwan akong nakatanaw sa van na papalayo. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tinapunan ng tingin ang maliit na bahay sa aking likuran.

Susuong na naman ako sa impyernong bahay na ito. My parents doesn't like me. Kung gaanong maangas ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa grupo, kabaligtaran sa bahay na ito.

Walang kwenta, palamunin, walang utang na loob. Ilan lang iyan sa mga salitang inilalarawan sa akin ng mga magulang ko.

"Should I kill them?" Mahina kong bulong sa sarili. "No, may silbi pa sila sa akin." Pagsagot ko rin sa sarili saka naglakad papasok sa loob ng bahay.

Talixiah: The Fearless Queen  (Drifters Series 2)Where stories live. Discover now