Chapter 67: The Anniversary in Korea

121 11 0
                                    

NOTE:
Prepare tissue first💋 This is Chapter is a mess😤
This is dedicated to my three years long relationship. When we broke I really realized a lot. Walang forever! Kaya masama ang Otor!

Celine POV

"Kleeeeeeeeeeeeng!" nagising ako sa tinig na yon ni Kaye.

Panaginip nanaman ba ang nangyari?

"Where's Mister?" agad kong tanong sa kanya.

"Magkasama sila ni France. Papunta na silang Airport. Mag-ayos ka na baka ma late tayo sa flight! Laguna pa naman to," Ibig sabihin aalis na talaga silang dalawa?

"Kinausap namin si France. Sa korea ang punta natin. Magkikita kayo ng mister mo roon. Kaya huwag ka nang aarte at bilisan mo nalang."

Mabilis akong nag-ayos at tsaka bumaba na. Nasa van silang lahat. Pwera lang kina France at Mister.

"Happy anniversary sa inyo Celine," bati ni Kristell.

Hindi ko maintindihan pero parang kinakabahan ako.

"Seb hurry up!" sabi naman ni Mika kay Seb.

Lahat pala sila sasama. Gusto kong sumaya pero wala talaga. I'm really nervous.

"Okay ka lang ba?" pag-aalala ni Jayden sa akin.

"O-okay lang ako," sana talaga wag maging palpak 'to.

Pagkarating namin ng Airport muntikan na rin kaming maiwan ng eroplano. Buti nalang at nakahabol.

Kahit nang makarating kami sa Incheon hindi ko maiwasang hindi mag alala.

"Nasa Hotel na raw sila," agad naman kaming nagpahatid doon.

"Namumutla ka Celine. Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Kristell sa akin.

"Pwede bang mauna nalang kayo?"

Wala silang nagawa. Nagpaiwan muna ako sa labas ng hotel. Sobrang lamig kahit March na pero dahil sa kabang nararamdaman ko hindi ko masyadong naramdaman 'yon.

Ilang sandali lang ay sumunod na rin ako. Pagpasok ko ay tahimik lang silang lahat.

Lumapit si Mister sa akin. Lahat sila nag aabang sa sasabihin ni Mister.

Ngumiti siya.

"Happy Anniversary," nawala ang kaba ko sa sinabi niya.

Napangiti rin naman silang lahat. Si France naman nasa sulok lang at hindi nakatingin sa amin.

Hinawakan niya ang kamay ko palabas.

"You're nervous," napalunok ako sa sinabi niya. "You shouldn't be."

"B-baka kasi magalit ka," nakakaintimidate talaga kasi ang presensya niya.

Tinawanan niya lang ako.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na kailanman hindi ako magagalit sayo?"

Sumunod lang ako sa kanya. Hanggang ngayon magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Ito ang Myeongdong. Kumbaga sa Pilipinas ito ang divisoria," napanood ko na ang lugar na 'to.

"Sillyehabnida. Seukapeuneun eolmaibnikka?" ang cute mag korean ni Mister.

"Ocheon won," sabi ng babaeng nagtitinda.

Nagbayad naman si Mister tsaka kinuha ang scarf at ipinasuot sa akin.

Mas lalo ko lang siya nagustuhan sa ginagawa niya. Bumili rin siya ng ear muffs at gloves.

Sunod na pinuntahan namin ay Nami Island. Gusto ko sana sa Jeju pero mas malapit kasi ang Nami.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon