Chapter 127: The Past of Vaughn and France

62 5 0
                                    

Kristell POV

Hindi ko alam kung anong iisipin ko kay Vaughn. Okay na kami pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip ang tungkol sa kanila ni France. He is no longer at fault. Ngayon ako na talaga ang mali. Sobrang layo ng iniisip ko. I doubt him.

"Are you okay?" tanong naman niya sa akin.

Napatango lang ako at napangiti sa kanya. He is now taking pictures here at the studio. Lumabas muna ako para magpahangin. Sakto namang padaan si Seb.

"Seb!"

Napatigil naman siya't lumapit sa akin.

"Kristell. Okay na ba 'yong mga design mo? Pasensya na kasi busy talaga. Tapos at war pa kami ni Mika," siya na nga 'tong boss siya pa ang humihingi ng pasensya.

"Ahm... I just want to ask something. About France," nagbago naman ang ekspresyon niya sa sinabi ko.

"About France?"

"Yes. Lately kasi hindi siya pumapasok. Is she okay?"

"Hindi ko nga rin alam bakit. Ang mabuti pa siguro sabay na lang tayo maglunch mamaya at nang mapag-usapan natin nang maayos. Alam mo naman kasi si Mika. Sige na mauna na muna ako," agad naman siyang tumungo sa office niya.

Bumalik na 'ko sa loob. Nakita ko tulog si Vaughn sa mahabang upuan. Mukhang pagod siya. Bakit ang amo ng lalaking 'to kapag tulog? Nakita ko ang paggalaw ng mata niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon.

"I just took a nap. Wanna go out?" kinusot niya pa ang mga mata niya tsaka tumayo na rin siya sa wakas.

"Kaso may gagawin pa ako," sabi ko sa kanya.

I saw his reaction. Alam ko nalungkot siya sa sinabi ko. Mahal ko siya. Naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman niya. Siguro takot na ako na baka hiwalayan niya ulit ako. I didn't regret that I tried to save our relationship. Kung hindi man 'to magtagal tatanggapin ko na. Ayokong masaktan lang ako ulit.

Bumalik na ako sa table ko. Bumalik na rin siya sa table niya. Wala namang mali sa ginawa ko 'di ba? Haaays! Napahilamos ako sa sobrang inis. Bakit ko ba ginawa 'to? Baka nalungkot nga talaga siya  ginawa ko!

"Nandito pa ko sa studio. Where are you? Pupunta ako diyan. Okay. See you," rinig kong sabi ni Vaughn.

Mukhang may kausap siya sa phone. Pupuntahan niya? Hindi kaya si France na naman? Hindi ko pinahalatang apektado ako nang lumapit siya sa akin.

"Pupuntahan ko lang si Jezel. Gusto mong sumama?"

Gusto kong kurutin ang sarili ko. Bakit ba ang praning ko? Puro si France ang isip ko. Ang sama kong girlfriend.

"Are you really okay?"

Tumayo ako at lumapit kay Vaughn. I hugged him.

"S-sorry," I really felt guilty. "I think I'm a very bad girlfriend. Lagi kong iniisip na may feelings ka pa kay France."

Natawa siya't niyakap na rin naman ako.

"You're not bad. You're the most wonderful girlfriend I ever had. Siguro nga sobra kong pinaniwalaan na mahal ko pa rin hanggang ngayon si France. But the thought you leaving me makes me crazy. Ayokong mawala ka sa akin Hailey. Tapos na ang sa amin ni France. You are now my present and my future," mas hinigpitan niya pa ang yakap.

Maybe I still keep on thinking about him and France. But I want to try my best not to.

Sebastian POV

"You are ten seconds late. Saan ka pumunta?" maawtoridad na tabong sa akin ni Mika.

"Ayan ka na naman. Napadaan lang ako sa Studio. Nagkausap kami saglit ni Kristell," umayos naman ang kilay niya na kanina nakataas ang isa.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon