Chapter 106: The Burial

94 5 0
                                    

Celine POV

Nagising ako na tulog pa si Galvan. Mukhang nawala na talaga ang lagnat niya. Babangon na sana ako nang yakapin niya ako. Gising pala ang mokong.

"Stay," mahinang sabi niya nang nakapikit pa.

Stay mo mukha mo! Inalis ko ang kamay niya at dumiretso sa banyo. Akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya. Nakakainis siya! Tinulugan niya na ako tapos kinalimutan niya pa? Ako nga halos paulit ulit na nagpeplay 'yon sa isip ko. Maaga pa ang alis namin papunta kina Chairman Lee. Sabay na kaming lahat. Nakaroba lang akong lumabas ng banyo. Nakalimutan ko ang susuotin ko. Buti pa 'yon nakalimutan ko!

"Maligo ka na. Magbibihis ako rito," may halong inis sa sinabi ko kay Galvan.

Bumangon naman siya at kusut-kusot pa ang mata. Akala niya cute siya? Hmp! Edi cute.

"Too early wife. I'm still sleepy," humiga ulit siya.

Hayst! Inis akong bumalik sa banyo dala ang damit na susuotin ko. Dito na lang ako magbibihis. Puro siya tulog! Paglabas ko nakahiga pa rin siya kaya nilapitan ko na at ginising. Baka sabihin nila Kaye na nag something na naman kami rito.

"Gumising ka na nga kasi! Pag hindi ka pa talaga nagising hindi talaga kita-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang bumangon at hinalikan ako.

"Goodmorning wife," kinurot niya pa talaga ang magkabilang pisngi ko.

"Ano ba!" inis kong inalis ang kamay niya.

"Ang aga-aga galit ka. Are you pregnant?" hindi ko mapigilan na batukan siya.

"Pregnant ka dyan! Hindi nakakabuntis ang pahalik halik lang," inirapan ko siya matapos sabihin 'yon.

"Gusto mo gawin natin?"

"Gawin mo mag-isa!"

Tumayo na ko at pumunta sa harap ng salamin saka inayusan ang sarili. Light make up lang ang nilagay ko. Ayoko namang maging magarbo lalo na patay ang pupuntahan namin. Lipgloss lang din ang nilagay ko. Nakita kong bumangon na siya't naglakad papalapit sa 'kin.

"Sinusungitan mo na 'ko ngayon at binatukan mo pa 'ko kanina," yumakap pa siya sa 'kin mula sa likod. "Sa kwarto na lang ako maliligo. Wala akong dalang damit dito kagabi."

Inalis ko ang mga braso niya bago humarap sa kanya. Nginitian ko talaga siya ng sobrang lapad.

"Hindi kita sinusungitan. Hindi lang maganda ang gising ko. Inalagaan pa naman kita kagabi kasi nga 'di ba may lagnat ka. Sige na lumabas ka na at mag-"

Hinalikan niya ako ulit at sa pagkakataong ito mas malalim. Hinawakan niya ang batok ko at mas lalong diniinan ang halik. Napakabilis na naman ng tibok ng puso ko. Nagkakagulo na rin sa isipan ko kaya napatugon ako. Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Stop him Celine!

Bago ko pa man siya maitulak at tinapos niya na rin agad ang halik na 'yon.

"You kissed me back Strawberry," nakangisi pa niyang sabi bago lumabas ng kwarto.

Napaawang ang bibig ko at napapaypay sa sarili. That Galvan! Bakit ba kasi nagpapadala ka sa pahalik halik ng mokong na 'yon Celine? Iniisip niya tuloy na konting halik lang wala na agad ang galit mo! At anong strawberry? Hindi strawberry ang lipgloss ko! Apple 'yon!

Bakit ba nila ako pinagkakaisahan? Pati si France sumasabay na rin sa kanila. Bumaba na ko agad pagkatapos ko mag-ayos. Nasa dining silang lahat. Mukhang kami na lang ang hinihintay.

"Kagabi nga pala Celine-"

"Wag mo na ituloy," papigil ko kay France.

Plano talaga nila akong ilaglag pati na sa harap ng mga boys. Ang ngiti pa nila Mika, Kristell at Kaye mukhang hanggang ngayon hindi nila ako titigilan. Mga bully!

MIDNIGHT KISS Season IIWhere stories live. Discover now