Chapter 71: The Midnight's Coffee

135 14 0
                                    

This chapter is dedicated to Miss Olive Joy Jagonap Perez. Nahook talaga ako sa comment niya sa last Chapter. Thank you! Thank you! Thank you! Thank you!Thank you! Limang 'Thank You' po yan😄

Celine POV

Nakakapagod. First day kasi ngayon ng coffee shop. Sobrang dami ng tao.

"Congrats Kleng! Ang daming costumer a," bati sa akin ni Kaye.

"Salamat! Oo nga e. Ang daming tao kanina pa. Buti nalang at ang dami kong stocks," napalingon ako kay Olive.

Assistant ko siya dito sa shop. Schoolmate ko siya sa dati kong school bago pa ko magtransfer sa Galvan University.

"Olive sabihin mo kay Jason na pahatid ng isang Espresso kay Kaye at Macchiato nalang yong sakin. Tsaka egg and cheese croissants ," pumunta kami sa bakanteng table para makapag usap.

Nakatulong talaga ang shop na to para makalimutan ko ang pag alis ni Mister.

Galvan nalang pala.

Kung hindi pa ako napagalitan ni mom dahil sa kakamukmok hindi ko ioopen ang shop na 'to.

"Nakz naman. Mignight's Coffee. Kakatakot naman ng shop mo Kleng. Parang pagpasok mo pa lang hindi ka na makakatulog," natawa ako sa bungad niya.

"Wala na kasi akong maisip na ipangalan dito sa coffee shop."

"Nga pala nagkausap na ba kayo ni Renz? Sabi ni Mika magmula ng umalis si Renz hindi niya na 'to matawagan," kahit pala sa kapatid niya wala ring koneksyon.

Sobrang laki ng Australia. Hindi naman ako makakapasok sa UNDA dahil hindi naman ako estudyante roon. Isa pa nasa residency training siya. At mukhang tumanggi siya sa GMH. Hirap hanapin kung saang hospital siya sa Australia.

"Hindi nga rin. Pero okay lang naman," sinubukan kong pasayahin ang boses ko.

"Alam mo gustong gusto ko si Renz para sayo," napatitig lang ako sa kanya.

Alam ko naman kung gaano niya kami ka suportado. Mula pa noon. Dahil kung hindi, unang pagkikita pa lang namin ni Galvan matapos ang aksidente pinalayo niya na ako agad.

"Ito na po pala maam. Si Sir Jay po nagtatanong kung saan daw nakalagay ang cardamon na gagamitin sa Chai Latte? May nag order po kasi," oo nga pala.

"Sir Jay?" tanong ni Kaye kay Jason.

"Sir Jayden po," binigyan naman ako ni Kaye ng mapanuksong tingin.

"Nasa kabilang kabinet ata sabihin mo may label naman yon," pagkatapos ay nagpaalam na si Jason.

Si Kaye naman nanunukso pa rin ang tingin sa akin.

"Bakit nauna pa si Jayden sa akin na best friend mo? At nagpatulong ka pa talaga ha!" pagmamaktol niya.

Ang arte talaga ng babaeng 'to. Gusto niya lagi siya ang nauuna.

"Hindi ko rin naman alam na maaga pa siya. Nang mag ribbon cutting nga siya ang umalalay sa akin. Bakit kasi ngayon ka lang?"

"Hmp! Si Em kasi panay ang punta kay Mika kaya binantayan ko," natawa ako sa sinabi niya.

Kawawang Em. Bantay sarado ng girlfriend niya.

"Baka masakal si Em sa pinaggagawa mo," sabi ko sa kanya.

"One decade na kayang magkasama kami. Ewan ko lang kung masakal pa yon," nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Kung pareho lang sana kami ng kapalaran. Kung kami pa rin sana ngayon ni Galvan.

"Naaalala mo nanaman si Renz. Advice lang 'to Kleng ha. Kahit pa gusto ko kayong dalawa sa tingin ko mas nakakabuting wala kayo," napaisip ako sa sinabi niya. "Ang relasyon niyo kasi parang ito. Parang kape. Masarap pag mainit. Pag lumamig nakakapagdalawang isip kung iinumin mo pa. At kung iinitin mo ulit nawawala na ang dating lasa."

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon