Chapter 76: The Revelation

125 13 0
                                    

Galvan POV

Matagal na rin ang panahong ginugol ko rito. Wala pa rin akong nakukuhang kahit na anong impormasyon tungkol sa plano ni France.

Dinala ko siya ngayon sa isang restaurant. Tahimik lang kaming kumakain. Pinapakiramdaman bawat kilos ng isa't isa.

"France? Francine ikaw nga!" sabi ng babaeng napadaan sa table namin.

Napatingin si France sa babaeng tumawag sa kanya. Does she know her?

"It's me! Jezel! Kamusta ka na?" sabi ng babae.

"Okay lang naman ako," sagot ni France.

"Do you still remember me?" dagdag pa ng babae.

"Oo naman. We were high school classmates?" ngitian naman ni France ang babae.

"I really missed you. Sige France mauna na ko. May ka date ka pala," pagkatapos umalis ng babae ay tumuloy lang kami sa pagkain.

Nilapag ni France ang kutsara't tinidor niya tumingin sa akin. Kaya't napatigil na rin ako sa pagkain.

May nilagay siyang tatlong litrato sa harapan ko.

Ang una ay ang daddy ni Kristell na nag-aayos ng gamit.

Sunod ay ang daddy ni Celine na ayos babae.

At pangatlo, litrato nila Jayden at Celine na magkahalikan.

Inilayo ko ang tingin ko sa huling litrato. Hindi ko kayang makita ang bagay na 'yon. Ito na ang pangalawang pagkakataong nakita ko sila.

"Ayokong pinagdudududahan mo ako Angelo. Ayokong bawat kilos ko nakabantay ka. Total naging kaibigan naman kita aamin na ako. Oo, nasa isang misyon ako. At kayo ng Spades ay parte ng misyon ko," tama nga ang hinala ko.

"Ano naman ang ibig sabihin ng mga litratong 'to?" bakit niya pinapakita sa akin 'to?

"Hindi mo dapat sa sakin pinoprotekhanan ang Spades at si Celine. I'm not your enemy here," maniniwala ba ako sa sinasabi niya? "Napaalis ang dad ni Kristell. Nalaman na ni Celine ang tungkol sa pamilya niya. And perhaps Celine will fall for Jayden now. All of these happened because you were not with them."

Alam kong bihasa siya sa paglalaro ng mga salita niya. Hindi dapat ako magpapaniwala sa kanya.

"Kung gusto mong protektahan ang taong mahal mo dapat hindi mo siya iniwan. At kung iiwan mo lang din siya dapat nasisiguro mong may babalikan ka. Alam mo ba kung gaano kamali ang desisyon mong 'to Angelo? Ipagdasal mo na lang na mahal na mahal ka ng taong 'yon at maisipang sundan ka rito,"  pagkatapos sabihin ni France 'yon ay napaisip ako kung tama nga ba talaga 'tong ginawa ko?

"Ano bang plano mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

Sasabihin niya kaya? Pero tumawa lang siya. Pinagdaop ang kanyang mga kamay at tumingin sa akin. 'Yong tingin na nakakakaba.

France.

Ano ba talagang pinaplano mo?

"Plano? Bakit mo naman gustong malaman?" humugot ako ng lakas ng loob bago nagsalita.

"Dahil parte ako ng Spades. Dahil hindi ko hahayaang may makasira sa amin lalo na't ikaw pa," hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya.

"Sige. Pero may kapalit," hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"A-ano?"

"You have to marry me Angelo."

Vaughn POV

Hindi ko inaasahang tatawag si Jezel sa akin.

"Hm?"

"You wouldn't believe this Vaughn. I just saw France. And you know what? She thought we were high school classmates. What happened to her Vaughn?" mukhang nagpapahuli ka France.

MIDNIGHT KISS Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon