🌻 Kabanata 5💀

19K 603 70
                                    

Erabell's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas ng makita ko si Beast na pinanonood akong maligo,ang hinayupak na iyon!

Akala ko eh pagsasamantalahan nya ako pero pinatay lang pala nya yung shower na nakalimutan ko dahil nagulat talaga ako ng makita ko sya .

Bago man sya lumabas tinawanan pa nya ako,kaya pulang pula ako sa hiya at inis sa kanya.

_

Pababa ako ng magarang hagdan ng marinig ko ang isang boses ng babae kaya napakunot noo ako.

Matapos kong makababa ay sinilip ko kung sino ang babaeng iyon, nakita ko ito sa sala kausap si Beast. Nakakapit pa ito sa braso nya at base sa edad nya ay mukha lang itong sixteen lang.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa kanila dahil mukhang malapit sila sa isa't isa.  Aalis na sana ako pero hindi ko sinasadya na masagi ang isang vase kaya nahulog ito sa sahig at nabasag.

Nagtalsikan ang bubog nito sa aking binti kaya nagkaroon ako ng maliliit na sugat.

Napukaw ko naman ang atensyon nung dalawa kaya sabay pa silang napatingin sa akin.

"Shit!! Beauty!!!" Patakbong lumapit sa akin si Beast at binuhat ako na parang pang kasal.

Tinawag naman nung babae yung ibang kasambahay para pakuhain ng medicine kit pero naghesterikal si Beast at may tinawagan sya.

"Hello,Cancio come here in five minutes or else your dead!" Hindi na nya hinintay pang sumagot yung kausap nya sa telepono .

"Grabe ka naman kuya kung mag alala,talagang nagpatawag ka pa ng doktor"

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi  nung babae na 'kuya' kung ganun ay may kapatid syang babae. Wala sa sarili ko tuloy na napatingin dun sa babae at pinagmasdan ang mukha nya.

Hindi naman sila magkamukha,at pero napukaw ng atensyon ko ang magkaibang kulay ng kanyang mata at halata naman na meron syang dugong banyaga kagaya ni Beast pero halatang magkaiba sila.

"Stop looking at her,just look at me, only Me!!" Dumagundong ulit ang boses ni Beast sa apat na sulok ng bahay na ito.

"Si kuya napaka possessive, baka naman nagtataka lang sya sa kulay ng mga mata ko, don't worry ate,pinanganak na akong ganito ang mata ko."

Paliwanag nya sabay kindat sa akin,medyo lihim naman akong natawa dahil napakamasayahin at sweet ng batang ito.

"Anyway, My name is  Andreana Yours Hyacinth Deathrone, but you can call me Jairah,my nick name. If you didn't know  I'm the adopted child of Deathrone family , I came from the mountains of  Kalikbho ,a tribal princess  na naniniwala sa kasabihang  biruin at lokohin mo na ang taong lasing at bagong gising wag lang sa babaeng may mga kapatid na mahilig sa BOXING!!!"

Napanganga ako dahil sa mga kadaldalan nya,may ganito pala silang kapatid,  ay oo nga hindi pala nila tunay nakapatid to, so bale meron palang inampon ang pamilya ng Deathrone? Malamang kaharap ko na nga sya.

"Tsk, itigil mo na nga yang kadaldalan mo Hya (Hyacinth ) umuwi kana sa mansyon at asikasuhin mo nalang yang pag aaral mo kesa ang gumala ka"

Sermon sa kanya ni Beast pero dinilaan lang nya ito.Mayamaya lang ay dumating na yung doktor na inabot yata ng thirty minutes pero nagulat ako ng tinutukan ito ni Beast ng baril.

"Bakit ngayon kalang tarandado ka?!!" Galit nitong sigaw dun sa doktor na kaedad lang nya yata.

"Brad, yun nga nagmamadali ka pero di mo man lang sinabi kung nasaang lupalop ka nitong mundo, mabuti at tinawagan ko yung kapatid mo ,kaya nalaman ko kung nasaan ka at ginamit ko pa yung   helicopter ninyo para makarating dito pero ganun lang ibubungad mo sa akin?Nasaan ang hustisya?"

Beauty and the Demon Beast (Deathrone #3)  ( Under Major Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon