Kabanata 20

12.9K 424 11
                                    

Erabell's POV

Nakahiga ako habang pinagmamasdan kong matulog ang anak kong si Wildrose, iniisip ko kung papano ko ipapaliwanag sa kaniya paglaki niya kung bakit may anak si Beast sa iba.

Sabi ko kay Dad na pag-iisipan ko pa ang lahat. Pero hindi ko binanggit sa kanila na nagtagpo ang landas namin ng batang nag ngangalang Wolfgang . Sa ngayon ay patuloy parin daw sila sa pag-iimbestiga sa mga nangyari.

Si Wolfgang.... ang batang iyon na nakilala ko. Kaya ba may kakaiba akong naramdaman nung araw na iyon ay dahil anak siya ni Beast? Wala naman akong nararamdamang galit para sa bata instead I longing to see that child and to be with that child again .

Nakarinig ako ng pagbukas-sara ng pinto. Nakatalikod kasi ako kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok pero base sa presensya niya ay alam ko na nasi Beast ito.

Lumindo ang kutson sa akin likuran senyales na doon umupo si Beast. Hindi pa kami nagkakausap mula kanina matapos kong malaman ang tungkol sa anak niya.

"Era, are you still awake? " may tono ng paglalambing at pagsusumamo sa boses ni Beast na humaplos naman sa puso ko.

"Yes, ikaw? Malalim na ang gabi , bakit gising ka pa tsaka bakit ngayon ka lang?" Tanong ko pero hindi parin ako humaharap sa kaniya.

"I can't sleep, iniisip ko kasi kung papatawarin mo pa kaya ako at nagdadalawang isip rin ako kung tatabi akong matulog sa inyo knowing that you hate me"

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, marahil ito ang tamang oraa para pag-usapan namin bilang mag-asawa ang problema. Ayoko rin naman kasing kinakatulugan na lamang ang away mag-asawa.

"Sino naman ang nagsabi sa iyong kinasusuklaman kita?" Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Napakamot siya sa ulo niya at alanganing ngumiti. Sa toto lang ang cute niyang tignan kapag ganito siya.

"Lightning told me that you might hate me for what I did." Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka ako namewang sa harap niya.

"At ano pa ang sinabi sa iyo ng uhok kong kapatid? " nakataas parin ang kilay ko sa kaniya na parang nanay na pinapaamin ang anak niya. Gusto kong matawa sa aking naisip.

"He also told me that you will leave me and find a better man who is more deserving kesa sa akin. Siguradong kukunin mo rin daw si Wildrose at makikipag divorce ka sa akin" Nakangusong sabi nito, para itong batang nagsusumbong dahil binully siya.

Loko yung Light na iyon ah! Kanina lang kinakampihan niya si Beast tapos ngayon eh sasabihin niya iyon? Sarap ding bigwasan ng lalaking iyin eh, makakatikim iyon ng pingot sa akin bukas.

Napabuntong hininga ako bago ko hawakan ang isa niyang kamay na mukhang ikinagulat pa nito dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Beast... I didn't told you that I hated you for what you've done. Wala rin akong sinabi na iiwan kita at sasama ako sa ibang lalaking mas deserving kesa sa iyo. At mas lalong hindi ko ilalayo sa iyo si Wildrose dahil tulad ko anak mo rin siya at may karapatan ka sa kaniya. Tanga mo lang dahil nagpauto ka dun sa kapatid mong mahilig mangbully"

Kita ko na parang nabunutan ito ng tinik dahil sa sinabi ko. Mahal ko si Beast at kung ang problemang ito ay sinusubok lang kami ay isa lang ang masasabi ko , hindi ako bibitaw at susuko nalang.

"Mapapatawad mo ba ako..?" Kinakabahang tanong niya. Naisip ko kung sabihin ko kayang hindi kaso baka magpakamatay ang isang ito kaya wag nalang.

"Beast... maybe your not a perfect and there is a lot of man who is deserving na makakuha ng puso ko. Pero this heart.."Sabay turo ko sa aking gintang dibdib.

Beauty and the Demon Beast (Deathrone #3)  ( Under Major Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon