🌻 Kabanata 9 💀

17.9K 646 78
                                    

Erabell's POV

Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko ngayong araw, hindi ko akalaing ang pamilyang itinuturing ko ay ipagpapalit ako sa kung ano man ang tinatamasa nila ngayon. Napakasakit isipin na sa kabila ng pagsisikap ko na matakasan si Beast ay mamumulat ako sa katotohanan na iba na ang buhay na kinakagisnan nila ngayon.

"Era,maskabubuti kung bumalik kana sa kanya,huwag mo na kaming idamay sa maari nyang gawin kapag sinagad mo na ang galit nya..."mahinahin pero may takot na mababakasan sa mga salita ni tatay .

"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako ng ganun nalang!!??"

Ibubuka ko palang sana  ang  aking bibig  pero dumagundong na ang isang baritonong boses mula sa aking likuran.

Dahan dahan akong humarap sa kung sino man ang nagsalita sa likod ko at hindi na ako nagulat pa dahil tama ang hinala ko. Natagpuan na naman nya ako....

"  Nobody can help you right now my beauty!"

Napasinghap ako ng bigla nyang hawakan ng mariin ang braso ko. Sabay hila sa akin paalis sa lugar na iyon. Nagpumiglas ako sa kanya at pinaghahampas ko ang dibdib nya pero bigla nalang nya akong binuhat na parang sako ng bigas sa balikat nya.

"Ano ba Beast!!! Ibaba mo ako!!! Hayop ka!!! " Sigaw ko rito habang sinusuntok ang likod nya pero pinalo lang nito ang pang upo ko bago ako sigawan.

"SHUT UP  !!!!!! Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo!!!" Napatahimik ako dahil nakaramdam na ako ng takot ng sabihin nitong iuuwi na naman  nya ako.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang tatay pero halos manglumo ako dahil nakatingin lang ito sa akin ng walang emosyon bago ito tumalikod at bumalik sa bahay ganun din ang iba namin kapitbahay na parang walang nangyari.

"Tatay.....bakit...?" Yan lang ang mahina kong sabi bago ako ipasok ng tuluyan ni Beast sa kotse nito.

___

"Beast pakiusap....! Tama na!! nasasaktan ako!!!" Pagsusumamo ko sa kanya pero parang wala itong narinig.

Pasalampak ako nitong pinaupo sa sofa ,takot na takot akong humarap dito at base sa itsura nya ay para na talaga itong papatay sa mga tinging ipinupukol nya sa akin.

"Talagang hindi kapa nadadala!!?? How many times I told you ,You.Can not.Escape.From me!!!"  Madiin at halos magkiskisan na ang ngipin nito sa galit habang nagsasalita sya sa harap ko.

"Sorry,...gusto ko lang..gusto ko lang makita ang ang tatay at ang kapatid ko...." humahagulgol kong sabi sa kanya.

"And now are you  happy!!?? Kuntento ka na ba na nakita mo na sila!!? Na nalaman mo na kung gaano na kaganda ang buhay ng mga taong naroon sa baryong iyon!!???" Sigaw nyang sabi sa akin.

Napadaing ako ng hawakan nya ng mariin ang buhok ko pagkatapos ay inilapit nya sa akin ang mukha nya.

"Let me tell you a story...Once upon a time..there was a beautiful young lady living in a small house in a small village. She has a loving father and brother, she has a very simple life but one day a demon Beast saw her in the forest. The demon beast made a plan to have his beauty... because the beauty always belong to the beast....and no one can escape from him..."

Kinikilabutan ako sa paraan nya ng pagsasalita. Pero malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy nya sa kuwento nya. Hindi ko napaghandaan ng siilin nya ako ng mariin halik sa labi. Mapagparusa ang paraan nya ng paghalik sa akin at halos kapusin ako ng paghinga. Madali nya lang naipasok ang dila nya sa bibig ko at pinaglaruan nito ang dila ko ng matagpuan nya ito.

"Beast!!" Napahinto lang sya sa paghalik sa akin dahil sa tumawag sa kanya. Hinarap nya ito at mas lalong sumama ang timpla ng mukha nya dahil sa nakatatandang kapatid nya at sa ama nito na nakatayo lang ilang metro lang ang layo sa amin.

Beauty and the Demon Beast (Deathrone #3)  ( Under Major Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon