Kabanata 17

15.4K 504 33
                                    

Erabell's POV

Anak? Anak niya ako..?

Matagaltagal pa bago siya kumalma at tumigil sa pag-iyak. Inaya niya kaming maupo sa sala.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil nakita kitang muli anak. Marami akong gustong sabihin, marami akong gustong ipaliwanag at higit sa lahat gusto kong humingi ng tawad dahil hindi naging maganda ang huli nating pagkikita."

Naguguluhan man ako pero ginawaran ko parin siya ng isang ngiti. Lumingon ako kay Beast na mataman lang na nakatitig sa aming dalawa. Tumingin ako sa kanya na tila naguguluhan, nabasa naman niya ang nais kong ipahiwatig. Tumikhim ito para kunin ang atensyon ng lalaking nasa harap ko na magpasa hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala.

"I'm sorry to say Mr. Roman but she can't remember you. Hindi ka niya nakikilala maski sino sa atin. Wala rin siyang maalala"

"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa anak ko at wala siyang maalala?"

Tumingin sa akin si Beast na parang hindi parin siya sigurado sa gagawin niya. Marahil ay ayaw niya lamang na sumakit ang ulo ko kapag pinilit ko ang aking sarili na makaalala pero ito ang nais ko. Tumango ako sa kaniya na para bang pinahihintultan ko siya sabihin ang mga nalalaman niya.

"My Beauty..this man in front of you is your father. Siya si Augustin Roman, meron karing kapatid na lalaki , si Ericko Roman. Simple lang ang pamumuhay niyo noon dito sa baryo Labao pero nagbago iyon ng magtagpo ang mga landas natin." Panimula ni Beast. Mapait itong napangiti na tila may naalala siya.

"Una kitang nakita sa gubat.Naglilibot lang ako ng makarinig ako ng isang boses ng anghel. Sinundab ko iyon kung saan nanggagaling ang boses at nahanap kita. Namumulot ka ng kahoy, nakasuot ka ng pulang bestida pero nabighani ako sa kagandahang taglay mo. Tandang tanda ko parin ang bawat detalye ng pangyayari ng araw na iyon.Nangmakaalis kana doon ko naman napulot ang isang kuwintas na may litrato mo at ng pamilya mo at dun ko sinabi sa saeili ko na blaang araw magiging akin ka"

Habang sinasabi ni Beastang mga nangyati noon ay muli ko nanamang naramdaman ang kakaibang emosyon at bumibilis na naman ang pagtibik ng aking puso. Lumipat naman ang tingin nito sa lalaking sinasabi niyang ama ko raw.

"Kinagabihan ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang tatay mo. Pumasok siya sa mansyon na pag-aari ng pamilya ko at kung saan din ako tumutuloy ng mga panahong iyon. Tinangka niyang nakawin ang mga alahas at pera ba nakakalat sa kama ko na nakalimutan kong iligpit. Hahayaan ko lang sana siya dahil alam kong makakatulong iyon sa inyo pero naisip ko na maari kong gamitin ang pagtatangka niyang magnakaw para mapasa akin ka.

Nagulat ang ang lalaking nasa harap namin at maging ako rin dahil hindi ko lubos ba maisip na kayang gawin iyon ni Beast. Pinagpatuloy muli ni Beast ang kaniyang sinasabi.

"Alam kong mali ang gunawa ko pero gindi ako nagsisisi sapagkat ng dahil doon kaya kita naging asawa.....Kapalit ng kalayaan ng tatay mo ay kinakailangan mong magpakasal sa akin. Oo naging akin ka pero hindi ko maiwasan na maging possessive kaya minsan ay nasasaktan kita physically. Sa sobrang takot ko na baka iwan mo ako ay palihim kitang pinapirma ng isang dokumento na nagsasabing tayong dalawa ay mag-asawa na. Dahil sa may pweo naman ako ay naproseso iyon kaya legal na tayong mag-asawa kahit hindi pa tayo ikinakasal sa simbahan, syempre wala karing laam sa bagay na iyon. Rinuoad ko ang pangako kong bibigyan ko ng magandang buhay ang pamilya mo kaya nagpatayo ako ng bagong bahay para sa kanila. Kasama narin doon ang mga naninirahan dito sa sitio labao, maging ang kalsada ay pinaayos ko para sa iyo. Dahil gusto kong bumawi sa mga pananakit ko sa iyo. Ako rin ang nagpaaral sa kapatid mo sa isang sikat na kolehiyo na pag-aari ko. Lahat ng iyon ay ginawa ko dahil sa kadahilanang mahal kita."

Beauty and the Demon Beast (Deathrone #3)  ( Under Major Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon