Chapter Sixteen

71.7K 1.9K 103
                                    

Chapter 16

 

HIS POV Part 1

(Flashback ‘to sa point of view ni Kent. Hindi niya pa nakikilala si Theyn.)

“Bakit daw ako pinapatawag?” tanong ko kay Lorelei. Bigla na lang kasi siyang pumunta dito sa bahay ko at sinasabing pinapapunta ko sa Vampire City.

“Hindi ko po alam, Tito.” Kibit na sabi ni Lorelei. Limang taon na din siyang kasal kay Aric at masaya naman siya at so far, wala naman silang problema.

“Nananahimik ako dito sa hillside at trabaho lang ang inaatupag ko. Ano pa bang gusto nila?” inis kong sabi. Matagal na akong pinipilit ng Elders na sa Vampire City tumira at iwan ko ang buhay ko dito pero hindi nila ako mapilit. Gusto kong mamuhay nang normal kahit alam kong napaka imposible na no’n. Lagi nilang idinadahilan sa akin na maari daw na mabunyag ang katauhan namin.

“Tito… Sige na. Para na lang sa akin. Tsaka para bisitahin mo si Hunter.” Nakangiting sabi nang pamangkin ko.

“Oo na. Naku kung hindi ko lang kayo mahal eh.”

-=-

“Hindi ka ba namin mapipilit na dito tumira?” pangatlong beses na tanong nang isa sa Elder. Kung hindi lang talaa para kay Lorelei at Hunter hindi ko ‘to gagawin eh!

“Sinabi ko nang hindi, diba?” inis ko pang sabi.

“Bibigyan ka namin nang kundisyon, Kent. At kapag nagawa mo ‘yan, papayag kaming sa labas ka manirahan.” Sabi pa no’ng isa. Hinayaan ko lang silang magsalita. Kapag hindi ko naman nagustuhan ang kundisyon nila imposible naman na mapapayag nila ako.

“Find someone to marry, have a family on your own—and we will not bug you anymore.” Natigilan naman ako sa sinabi nila.

“A vampire?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Look, honestly I find all vampirette and vampress attractive—most of them are beautiful. Pero hindi niyo ako mapipilit na mag-asawa nang vampira at lalong hindi ako papayag na kayo ang pumili para sa akin! That’s against my will!”

“We won’t. It’s just that… Your niece thinks—“

“My niece? Si Lorelei?”

“Are there any? Anyway, lahat kami dito concern sa’yo. Mag-isa ka na lang.” pangungumbinsi pa sa akin nila.

“I don’t mind being alone.”

“But we do.”

“Hindi niyo pa din ako mapipilit.” Matigas kong sabi.

“I’ll make you a bargain. You marry anyone. It could be human or vampire. We will let you live outside for two years and find someone to love or to be your companion. But after that—you’ll have no choice but to leave your life outside.” Pinag-isipan ko. Dalawang taon. Matagal-tagal pa naman siguro para makatakas sa kanila.

“Deal.” I said.

“Good.”

-=-

(The day before Theyn applied as a secretary to Kent.)

“Tito, may sinesante ka nanaman daw na secretarya mo!” inis na singhal sa akin ni Lorelei. Hinayaan ko lang siya. Bakit ba kasi pati pagpili ko nang secretarya pinapakialaman niya?

“She’s stupid! Can’t even understand what her saying!” I asked her to make a business letter for the San Juan’s and it turns out na ako pa ang gumawa kasi mali ang gawa niya! From spacing, lines, and grammar!

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon