Chapter Twenty-Nine

53.7K 1.5K 43
                                    

                                Chapter 29

        Kinuha ko ‘yung pinag-dryer kong damit ko kahapon saka dali-daling naligo sa CR ng guest room ni Kent.

        Hindi ko kasi alam kung galit siya o nagtatampo. Ayaw ko naman siyang kausapin muna kasi sa palagay ko kailangan kong palipasin ang galit niya.

        Inayos ko lang sarili ko saka bumaba sa sala. Saan kaya siya? Gusto ko sana magpahatid sa bahay para makapagbihis ulit ako at pumasok sa opisina..

        Napabuntong-hininga na lang ako. Nasaan ba siya?

        Lumabas akong bahay niya at nilakad ang malawak niyang lawn palabas sa gate niya. Mukhang wala man lang naliligaw na taxi dito sa hillside. Paano pa ako makakauwi? Mag-lakad? Eh naka 2 inch stiletto ako. Kahit hindi kataasan masakit pa rin kung ilalakad.

        Isang long road ang nilalakad ko at pasalamat na lang ako at may puno sa gilid kaya malilim. Sana may dumaan na sasakyan para maki-hitch na lang ako.

        Masakit na agad ang paa ko kahit hindi pa ako nangangalahati sa nilalakad ko. Alam ko magagalit si Kent kasi hindi ako nagpaalam sakanya.

        BEEP! BEEP!

        Napahinto ako sa pag-lalakad at tiningnan ang sasakyan na humint sa gilid ko. Hindi siya kotse ni Kent. Bumukas ang tinted window ng kotse at hindi ko rin kilala ang driver.

        “You want a ride?” nakangising tanong nang lalaki. Nagdalawang isip ako. Mukhang kaedadan ko lang ang lalaki at sa palagay ko hindi naman siya holdaper o killer. Pero maaring rapist. Pero gwapo naman kaya hindi naman siguro niya 'yon gagawin.

        “Ok lang ba?” tanong ko rin. Tumango naman siya sa akin. Without hesitations ay lumulan ako sa kotse niya.

                  Hindi ako nagsasalita habang nakatingin lang sa labas. Medyo mahaba-haba pa ata ang biyahe kasi hindi pa kami nakakalabas dito sa hillside. Iilan lang kasi ang bahay dito at karamihan ay mayayaman ang nakatira. Bakit kasi dito naisip ni Kent tumira eh feeling ko mas delikado dito kasi kapag may masamang mangyari hindi ka agad makakahingi nang tulong.

        “Saan kita ihahatid?” tanong niya.

        “Kapag nakalabas na tayong hillside puwede mo na akong ibaba. Magtataxi na lang ako,” nakangiti kong sabi sakanya.

        “Are you sure—“

        “Ay!” napareno ang lalaki at napasigaw naman ako nang may mag-over take sa akin at biglang huminto sa gitna nang daan. Agad akong kinabahan nang makita ko kung sino ang bumaba sa familiar na kotse.

        “D'yan ka lang. kakausapin ko lang 'tong mamang 'to.” sabi niya pero agad kong pinigilan ang braso niya.

        “'Wag!”

        “Huh?”

        “B-bababa na lang ako,” sabi ko sakanya. Halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko nang kalampagin ni Kent ang hood ng sasakyan.

        “Teka nga!” galit ding sabi nang lalaki.

        “Huwag ka nang bumaba. Believe me ako ang sadya niya. Pasensya na sa abala,” agad kong binuksan ang pinto.

        Nakita ko si Kent na kahit nakasuot ng sunglass ay sobrang sama ng tingin sa akin. Dumungaw ako sa bintana at nagpasalamat sa lalaki saka ito umalis.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon