Chapter Twenty-One

70.8K 3K 410
                                    

Chapter 21

Please play the background music for this chapter Tadhana by Up darma down

--

Lumabas akong kwarto at nakita ko si Sir na naghihintay sa salas. Hindi siya mapakali at parang tense na tense ang mukha. May problema kaya si Sir?

“Sorry, Sir kung natagalan. Kanina pa po ba kayo?” napaharap naman siya sa akin nang magsalita ako. Wala siyang sinabi. Tinitigan niya lang ako. Hindi niya ba nagustuhan porma ko? Eh siya kaya bumili nito. Naglagay lang naman ako ng white bow sa gilid ng buhok ko para pang-ipit.

“T-ta…T-tara na.” sabi niya tapos nauna ng naglakad. Sumunod lang ako kay Sir at doon ko nakita ang kotse niya naghihitay.

Sumakay naman agad ako at hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ni Sir ng pinto.

“Saan po tayo pupunta, Sir?” tanong ko habang nagda-drive si Sir.

“Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan.” Hindi ko alam kung pinipilosopo ako ni Sir. Eh lahat naman ata ng lugar dito eh hindi ko pa napupuntahan. Tsk.

“Ah gano’n po ba?” nagkibit na lang ako at tinuon ang attensyon sa daan.

“T-theyn…” Napalingon ako kay Sir nang banggitin niya pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. Parang hinahaplos ang puso ko.

“B-bakit po?” nakatingin ako sakanya pero siya nakatuon lang sa unahan.

“M-may gusto ka ba kay Ivo?” Wala.

“Bakit niyo po naitanong, Sir?” tanong ko rin sakanya. Kita kong napahigpit ang hawak niya sa manibela.

“Just answer the f-cking question!” kasabay no’n ay ang pagpreno na. pasalamat na lang ako at may seatbealt dahil kung hindi baka napasubsub na ako sa dash board ng sasakyan.

“Wala. Wala akong gusto kay Sir Ivo.” Sagot ko sakanya. He stops the engine saka kinuha ang susi.

“Good. We’re here.” Pagkatapos noon ay bumaba na si Sir. Sumunod ako sakanya pagkababa ko ng sasakyan.

Napanganga lang ako nang makita ko kung saan kami paparoon. The scenery is breath taking. There were different cuts of topiaries. ‘Yung daanan namin na napapaligiran ng iba’t-ibang bulaklak at mga alitaptap na lumilipad sa paligid. Kung alam ko lang na ganito pala kaganda ang pupuntahan namin ni Sir sana nagdala ako ng camera.

“This is Fundacion Pacita. One of the highly regarded hotels in Batanes. You can roam around if you like.” Sabi ni Sir nang makaakyat kami. Ngayon ko lang na-realize na nakatayo ang hotel sa cliff where you can view the night sky, sea, mountains, and the rolling hills of Batanes. Ah! Best scenery ever!

“Bakit niyo po ba ako dinala dito?” tanong ko sakanya habang pinagmamasdan ang paligid. Ang sarap siguro tumira dito.

“This will be our last night here in Batanes. Wala kang masyadong nakitang maganda dito kaya naisip ko na dalhin ka dito.” Sabi ni Sir. Oo nga pala kasi aalis na kami bukas.

“Ang ganda po ng lugar. Salamat po sa pagdala sa akin dito.” Ngumiti ako kay Sir at tumango lang siya sa akin.

“Ipapahanda ko lang ang dinner mo—I mean our dinner.”

“Sige po.”

Para naman akong bata na iniikot ang lugar. Nakita ko ang lawn na may nakalagay na asul na upuan at maliit na mesa. Sa gilid nito ay landscape at may basag na jar pero may lumalabas ng tubig dito na dumederetso sa isang maliit na kanal papunta sa isang fish pond na may ilaw sa ilalim na kulay asul. Para akong nasa paraiso.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon