Chapter Forty-Nine

52.1K 1.4K 64
                                    

Chapter 49

Agad akong napasimangot nang dumating ako sa condo. Kainis na Kent ‘yan. Napaniwala ako. Alam kong imposibleng makapunta siya dito in just one snap. Pero may konting bahagi sa akin na umaasa na sana gano’n nga. Pero nilibot ko na ang buong Unit ko pero walang Kent Manjon.

Kinuha ko ang phone ko at agad na nag-text kay Macy na hindi ako makakapunta dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Medyo half true na ‘yon. Sumama na ang loob ko at pakiramdam ko maiiyak nanaman ako.

“Kainis ka Kent!” sabi ko habang sinalagpak ang sarili sa kama. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Buong gabi akong nakahiga at hinihintay na tumunog ang skype kung may call si Kent. Hanggang sa inantok ako walang Kent na tumawag. Oo nga pala may business trip siyang pupuntahan. Nakalimutan kong business Man pala ang boyfriend ko. Nakalimutan kong hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya. Nakalimutan kong may responsibilidad din siya sa kumpanya.

Kinabukasan tanghali na akong nagising. Weekend kaya sinadya kong late na bumangon. Pupunta ako ngayon sa City Library para gawin ang book report. Mas lalo ko ‘tong hindi matatapos kung ipipilit ko sa sarili ko na hindi ko kaya. I can do this.

Dala-dala ang laptop ay bumaba akong condo at pumuntang basement. I also brought some cupcakes and cookies at baka abutin ako ng gutom. Making a book report from a topic that is assigned to you alone is not easy. And the word easy does not exist in Yale University. Dito nag-aaral ang mga prominent people in United States. May mga Alumni US Senators dito and even Presidents. And I am aware na matatalino lang ang nakakapasok dito. So why am I here? Because I’m also smart. I just have to believe in myself.

Nakarating ako sa City Library. I just showed my ID saka ako pinapasok. Sa Psychology section ako pumunta. Noong nag-aaral pa ako sa Pilipinas ng Secratarial na 2 year course, may minor subject kami noon na Psychology at sobra kong nagustuhan ‘yon kaya nga kinuha ko siya dito sa YU. Pero iba pala kapag major na. mas advance ang tinuturo at kailangan mo talaga maging logical dahil hindi lang Science ang pag-uusapan niyo kundi pati behavior ng tao. Mental thinking kung baga. This course makes me more rational at naging mature ako sa bagay-bagay. Though pag-dating kay Kent nagiging childish ako. Gano’n ata ang effect kapag na-spoil ka masyado ng isang tao. You tend to change but a habit that you practice from a certain person can’t change lalo na kung ina-allow naman niya na mangyari ito. Kaya kapag nakapag graduate na ako, kukuha ako ng Doctoral Degree para makapagtayo ako ng Clinic at para maging Clinical Psychologist ako.

Four hours din ata ang tinagal ko sa Library bago ako pumunta sa isang coffee shop. Life of a loner. Kahit kailan hindi masayang mag-isa.

Umuwi ako sa condo at pinagpatuloy ko ang pag-gawa ng book report. 10 chapters ang gagawin ko at naka 3 pa lang ako. When is the submission? On Wednesday. Kaya heto ako cramming na.

Hanggang sa nakapag dinner na ako hindi ko pa natatapos ang kalahati ng report. Idagdag mo pang inis ako dahil sa hindi pagtetext ni Kent. Kahit kumusta man lang, diba? ‘Yon bang iche-check niya ulit ako kung nag attend ba ako ng party o hindi.

Hindi ko naman makausap sila Jean and Florence dahil madaling araw ngayon sa Pilipinas. Nakakabaliw na dito. Kung puwede lang na kausapin ang sarili.

Dahil sa natatakot akong baka ikabaliw ko itong boredom, I decided na mag movie marathon kaya nagluto ako ng popcorn sa Microwave. Nilagyan ko ito ng napakaraming cheese powder.

Nilapag ko ang bowl sa center table at pumili na ako ng movies sa CD rack ko. Anything but horror. Hindi kaya ng nerve ko manuod ng nakakatakot ngayon at baka humiwalay ang kaluluwa ko sa akin. Mag-isa pa naman ako.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon