Kabanata 15

1.4K 24 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







Inihatid ko si francis sa bahay nang mag-uwian. Ipinakita pa niya sa akin ang kaniyang nakuhang ribbon sa PE nang mag-train sila sa volleyball. Siya din kasi ang team captain sa kanila kaya hindi mapagkakailang sanay na siya sa larangang ito.

Nagluto ako sa bahay ng makakain-Tinola. Paborito ni baby francis. Todo talon pa siya nang malamang 'yon ang ulam. Gosh. Ang hype.

Nagbihis muna ako ng simpleng damit bago nagdesisyong lumabas na nang bahay. Syempre hindi ko kinaligtaan ang pagpapaalam kay mama at pagkiss sa chick kay francis. Naghanap-hanap pako ng masasakyan bago tuluyang nakasakay.

Habang nasa byahe, in-open ko ang phone ko tsaka tinawagan si Harrow-kapatid ni Lux. Ilang beses pa nagring bago niya sinagot.

"Yes honey?" Bungad niya. Tsk.

"Stop that." Suminghap muna ako. "Nandiyan ba sa inyo si Lux? Hindi kasi niya sinasagot ang tawag ko. Baka wala sa bahay niya-"

"Nope. Pero imposibleng wala siya sa bahay niya. Hindi siya mahilig makipagtalik sa babae kung saan-saan lang. He would probably held it in his house." Paliwanag niya. Harrow has a point though.

"Ayokong pumasok sa bahay niya na ako lang mag-isa. Baka paghinalaan akong magnanakaw or what-"

"Hindi 'yan. I know Lux's preference. Kung ang babae ang manghahamon he'd be unsecured his house. Kaya makakapasok ka." Aniya. Kahit gano'n ay kinakabahan parin ako.

"Sige salamat." Sambit ko tsaka in-end call ang tawag.

Ibinalik ko ang atensyon sa daan. I'm not sure kung makakapasok ako. Baka magmukha lang akong engot doon. At tsaka pa'no kung wala siya do'n? Ehdi ako lang mag-isa. Katakot.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa subdivision. Nagbayad muna ako bago lumabas sa sasakyan.

Ilang metro pa ang layo ng bahay- I mean mansion niya bago makapunta. Naglakad ako ng medyo mabilis. Baka kasi mas magalit pa yon kung malaman niyang late ako.

Agad akong nakarating sa may gate. I pressed the door bell bago may lumabas na maid.

"Pasok ho kayo madam." Aniya. Hindi nako nagtaka kung bigla nalang niya akong papasukin. Kilala na kasi ako dito nila manang.

"Thankyou po manang Lucy." Sambit ko bago tuluyang pumasok.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok sa pinto dahil alam kong hindi naman ito nakalock lagi. Nang makapasok ay umupo ako sa couch. Hinilot-hilot ko ang legs at binti ko dahil sumasakit ng bahagdan.

Ilang minuto ay dumating si manang Lucy. "Ipagtitimpla ko po kayo ng maiinom madam." Anyaya niya. Tatanggi na sana ako nang maglakad na siya papuntang kusina. Hays.

Total wala pa si Lux, baka pwede sigurong maglibut-libot muna ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga pictures na nakalatag sa isang malawak na mesa. I saw unfamiliar faces there. Si Lux lang ata ang pamilyar sa akin. Itinutok ko ang aking atensyon sa mga litrato. This is a family pictures by the way. Nahawi ang atensyon ko sa litratong medyo luma na. Isang babae na may katangkaran. She's really beautiful. Mula sa kaniyang maputing balat na siyang umayon sa inosente niyang mukha. Sobrang ganda niya. Hindi ko inaakalang ganyan pala talaga ang natitipuhan ng Velmundo brothers. Siguro siya ang asawa ni Harrow? Kinuha ko ang litrato at tiningnan ang laman ng likod. Venice. Venice Feleigh Alcantara. Ang sweet ng name. Sweet as her.

Just His String ✓Where stories live. Discover now