Kabanata 32

536 11 12
                                    







Masama ang pakiramdam ko pagpasok sa room. Pakiramdam ko lalagnatin ako or something. Basta hindi ko alam. Masakit ang puson ko at mainit ang kaloob-looban ko. Lagi akong galit at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng iritasyon.





Natapos ang klase at nakita ko si Chette na kumakain sa cafeteria. Himala at nauna siya dito?



"Why so late?!" Ani kaya sinapak ko.


"Char! Sa natatandaan ko, ikaw 'yong laging late!" Tinawanan niya ako. Napagtanto kong may dalawang burger doon at isang lemon juice. Libre na naman niya ngayon, ah?



"Kamusta na kayo ni Lux? Nagpaparamdam parin ba ang bruhang Kleya na'yon?"



Tumango ako. "We are okay now. Tsaka hindi na nagpaparamdam si Kleya sakin, simula noong pumunta siya dito. This is her last day sa Pinas at uuwi na sila sa states. A better thing to do." Ngumiti ako.




"Akala kopa naman susugod na naman 'yon, eh! Naku! Ako na talaga haharap do'n!" Matapang niyang hamon. Humalakhak lang ako at sinabayan siya sa kaniyang trip.




Absent parin hanggang ngayon si Lux at si Francis ang sabay ko. I'm thankful that he's alright now.




"Ate, bili tayo nung banana cue! Namiss ko'yon!" Iyon ang una niyang inalok kaya nagtungo kami doon sa tindahan. Bumili ako ng tatlong stick at binigay ang tatlong pares sa kaniya.



"Isang juice din po manang." Ani ko tsaka binigyan kinuha iyon.



Ilang minuto kaming kumakain tsaka nagpasyang maglakad upang makahanap ng tricycle. Hindi pa ako nakaka-para ay may humablot na sa kamay ko. Pagkatingin ko ay agad akong nakaramdam ng hapdi nang madapo saking pisnge ang kamay ni Kleya na ngayon ay sumisiklab sa galit.



Kinuha ko agad si francis doon at naglakad kami palayo. Gulat na gulat ang bata sa ginawa sakin. Nagtatanong siya ngunit hindi ko sinagot. Ang hapdi ng pisnge ko. Hindi ko ininda ang presensya ni Kleya.




"Oh the heck, girl! Ano? Natatakot kana naman sakin? Duwag ka pala, e!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig 'yon. Ang mga salitang 'yon ang nagsisiklab sa galit kong kanina ko pa dinadamdam.


Hinarap ko siya. "Anong kailangan mo talaga sakin ha? You want Lux? Oh common, hindi ka niya gusto!" Sigaw ko at agad dumapo ang palad niya sa pisnge ko. This time, it's more painful.



Humalakhak siya nang makitang naluluha na ako. "Bagay lang 'yan sayo! You such desperate bitch! Akala mo pipiliin ka? Ha! He just used you -"


Tinawanan ko siya. "Dumb you, Kleya. Matalino ka. Alam mo ang kaibahan ng pagmamahal sa desperasyon. And you know who is desperate between us." Suminghap ako. "It's you, and your dumb ego!" Akmang sasampaling niya ulit ako ngunit nahawakan ko ang kamay niya. Nanghihina ako. Hindi ko alam!



Binitawan niya ako. "Kung maka-asta ka akala mo, magtatagal kayo? Stop with your spectaculations! You desperate bitch!" Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Hinawakan niya ito kaya napa-angat ako. Sa sobrang sakit ay nangilid ang luha sa mata ko. She's tall after all. Madali niya akong makokontrol.




"Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin, baka kami pa ngayon ni Lux! Anong akala mo, gano'n nalang 'yon? Heh! Hindi mababalewala ang sikap ko para mapasakin siya at sa isang iglap ay mapapasayo na! Ang kapal -" mas idiniin niya ang paghawak sa buhok ko. "Kapal, kapal, kapal, ng mukha mo!" Agad niya akong binitawan at itinapon sa gilid. Natamaan ang dibdib ko at tiyan ko. Agad akong nakaramdam ng sakit na hindi ko pa nararamdaman noon paman. Oh, s-shit!





"Iyan ang napapala ng pagiging desperada, babae ka! Akala mo madali lang lahat ng 'to? Hah! Huwag ako! Hinding-hindi mo ako matatalo!"




Nakaupo ako at nakasubsub parin sa lupa. Nanatili akong umiiyak. Nanatili ang luha ko sa namamagang mga mata. Hindi ako makapaglaban. Biglang nawala ang lakas ko para lumaban.





Akmang tatayo ako nang maramdaman ang lagkit sa aking ibabang bahagi. When I looked at it, nakita ko ang nagkukumpulang dugo doon na siyang nagbigay gulat at takot saking kalooban.








Nilingon ko si Kleya na ngayo'y gulat akong tinitigan.








"You were pregnant."













Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon