Kabanata 19

1.2K 18 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







Hinatid namin si francis sa bahay. Pagpasok palang, natanaw ko na si mama na abala sa pagluluto. How sweet.

"Ma." Tawag ko.

"Oh anak nandiyan kana pala." Tumango ako tsaka nagmano sa kaniya. "At sino siya anak?" Tinuro niya si Lux na abala kaming tinitingnan.

I smiled. "Si Lux po iyan. Kaklase ko." Ayokong sabihin kay mama na siya ang nagpapasuweldo sakin. I just don't want.

"Mano po 'nay." Nabigla ako sa sinabi ni Lux. Asan galing ang word na 'nay'?

"Kay bait na binata." Ngumiti si mama. "Umupo ka hijo. Malapit naring maluto itong niluluto ko." Anyaya ni mama.

"Sige po 'nay." Kinalibutan ako sa inasal niya. Himala naging mabait ang gagong 'to?

Nagtungo nalang ako sa sofa. Umupo rin si Lux sa bakanteng upuan sa likuran. Hindi ko na nakita pa si francis dahil agad din siyang tumakbo papunta sa kuwarto.

Nang tingnan ko si Lux, may katawag siya sa phone niya. Siguro mama niya. And the thing about Lux's arrival here is because he wants to see our house evenly my mother. Hindi ko alam kung trip-trip niya lang ba o talagang adik siya.

Ayoko sanang papasukin siya dito sa bahay pero biglang tumakbo si francis sa loob kaya hinabol ko narin. So ang tendency nakapasok siya. Eh alangan naman itulak ko papalabas.


"Heto anak. Pakainin mo na ang kaklase mo." Inilatag ni mama ang pagkain sa mesa.

"Tara Lux. Kain na." Ani ko sa kaniya. Tumango ito saka nagtungo sa direksyon ng mesa.

"Tatawagin ko lang si francis ha? Damihin niyo yung kain." Salita ni mama bago hanapin si francis. Nagtungo na ako sa mesa saka umupo. Gayundin ang ginawa ni Lux.

Tumikhim ako. "Pagpasensyahan mo na kung ganito lang ang kaya naming maipakain sayo. We can't afford expensive food." Panambitan ko na. Baka kasi pagtawanan niya ako o kami, oh hindi kaya'y masuka siya bigla.

He chuckled. "No worry, ang sarap nga nito eh kahit di ko pa natitikman. Parang ikaw." Aniya. Napayuko ako sa sinabi nito. Ang sarap tuhugin ng mata sa tinidor eh. Makita niya.


Nagsimula na lang akong kumain. Nakalatag na ang kanin sa mesa kaya madali ng makuha. Sinabaw na bangus at tilapia ang ulam ngayon. I thought it will be hotdogs or some easy to cook food. But then, it was wrong. Minsan-minsan lang magluto si mama ng ganito its either birthday or recognition of mine and frans. Not bad though.

Nagtaka ako nang hindi pa dumadating si mama. Anyare do'n? Siguro natagalan lang sa paghahanap kay francis. Malikot pa naman ang baby ko.

Nang nasa kalagitnaan ng pagkain, biglang bumuhos ang ulan. Mula sa mahina ay naging malakas nag pagbuhos nito. Goodness, pa'no na si Lux?

"Ghad, pa'no ka nito Lux?" Alala kong tanong.

Pinakiramdaman niya muna ang buhos ng ulan tsaka tumingin sakin."That's okay. Lilipas din yan." Aniya. Medyo napahinga ako ng maluwag. Buti nalang.


"Kuya!" Napalingon ako kay francis na niyayakap si Lux. Ginulo lang nito ang buhok ng bata bago naupo.

Umupo rin si mama tsaka nagsimulang kumain. Oh wow. This is so awkward. The silence makes no sense.

Rinig kong tumikhim si mama. "Umuulan, saan ka nakatira hijio?"

Ngumiti si Lux. "Sa Vilarious Subdivision po. Sa Makati not Cavite po." Sagot niya. Diniin pa niya ang word na 'Cavite' para asarin ako. I remembered what I've told to Chette about kung saan nakatira si Lux. I lied to her even to him.

Napatango si mama. "Ah gano'n ba? Tila matagal pa bago huminto ang ulan, dito kaba magpapalipas ng gabi?"


Muntik ko nang mabitawan yung kinakain ko dahil do'n. Anong kabaliwan 'to? No way!

"Ah hindi ma. Ihahatid ko po siya sa mamaya-maya po." Agad kong sabat.

Ngumisi si Lux. Oh no. Wag mong sasabihing- "dito po 'nay. Mukhang matagal pa nga. Salamat po." Aniya. Putrigas ka Lux!! Urgh!

"Kung 'yan ang gusto mo sige. Ipaghahanda ko na ang matutulugan mo. Sa kuwarto ka ni Tiffany para hindi ka lamukin sa kusina." Mom said. Mama naman eh! Tinutulak pa niya talaga si Lux eh.

"Sige po!" Naeexcite na tugon ng bwesit na Lux. Bwesit.

Tumayo si mama. "Ipaghahanda ko na." Salita niya saka umalis para magtungo sa kuwarto ko. Nang tingnan ko ang plato niya, ubos narin pala.

Agad kong sinamaan ng tingin si Lux. Bakit ba kasi pinapasok ko pa siya dito? Heto na yung sinasabi ko eh.

Tumayo narin si francis. "Magsisipilyo na ako ate." Aniya nang matapos kumain.

"Bakit gusto mong matulog dito?!" Marahan kong bulyaw.

"Hindi ko gusto tiffany. Sadyang umulan ng malakas kaya hindi ako makasulong at makauwi sa bahay. Baka may mangyari pa sakin sa daan." Raso niya.


"Kahit na! Ang liit lang kaya ng kuwarto ko. So saan ka matutulog ha?" Ani ko.

"Sa sahig nalang siguro." Sagot niya.

Tumayo na ako nang matapos kumain. Tiningnan ko ang plato niya at kanina pa pala siya natapos. Huwaw. Kumakain pala ang gung-gung na'to eh. Hindi halata.

Kinuha ko na ang mga plato na nagamit namin saka nilagay sa kusina. Kinuhanan ko lang ng mga sobrang kanin at ulam at ipagpapabukas ko nalang ang paglinis nito.


"Tayo na sa kuwarto." Anyaya ko. Agad siyang napatayo.

"Anong gagawin natin?!" Aligaga niya.

Kaya ayokong makasama ang mokong na'to eh kasi naaalala ko yung nangyari samin sa kuwarto niya. Gosh.


"Wala! Syempre matutulog. Urgh. Manyakol talaga." Ani ko saka nauna nang magtungo sa kuwarto. I don't like this idea. Baka manyakin na naman ako ng gagong 'yon. Mahirap na.


"Masusunod darling." Rinig kong sambit niya. Buti nalang wala na dito si mama dahil tapos na niyang ayusin higaan namin. Nasa kabilang kuwarto sila, medyo malayo-layo. Kaya ang malas ko kasi hindi agad nila maririnig yung sigaw ko kapag minanyakan ako ng lalaking 'to.



Heto ang ikalawang magkasama kami ni Lux sa pagtulog. And I hope, this will be safe. Ayokong maulit ulit yung nangyari samin. Baka mahuli kami nila mama. Kakahiya.












END OF CHAPTER 19.
______________________________________

Just His String ✓Where stories live. Discover now