Kabanata 18

1.3K 21 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









Natapos ang program pasado alas tres na. Isang oras pa bago ang uwian nila francis kaya napagpasyahan ko munang magtungo sa room ni Chette. Nasa kabilang building kasi siya kaya kailangan ko pang akyatin.

Nakita ko si Grim na kumakaway sa akin kasama si Fleya-saying goodbye. Kumaway lang din ako. I thought wala akong magiging closed dito maliban kay chette dahil sa hindi pagiging socially ko. Not now na parang hawak kona ang buong room dahil sa mga issue'ng may jowa daw akong guwapo. Jowa huh? Nice news.

Nang makaakyat sa ikalawang palapag, bigla kong nakita si Alyandra-kapatid ni Aldren. Mabibilis ang paglakad niya tila may hinahanap. So I interrupted her.

"Alyandra!" Sigaw ko. Agad ko siyang tinungo gamit ang pagtakbo na makakaya ko. When i first saw her, namumugto ang mga mata niya. Parang galing sa iyak.

"Ate!" Nabigla ako nang yakapin niya ko. Yung yakap na nangungulila. I can't help but to smile.

"Oh anyare? Binully kana naman ba ng mga kaklase mo? Halika puntahan natin-"

"Hindi po yon ang dahilan ate. Huhu." Humikbi ulit siya.

"Anong problema Yanny?" I asked for the second time. Yanny yung palayaw niya, inshort for yandra.

"Si kuya po kasi-"

"Huwat?! Anong nangyare sa asawa ko este kuya mo?" Bigla akong naging alerto.

"Yanny!" Nabaling agad ang atensyon ko kay Aldren na papunta sa direksyon namin habang madiin ang pagtakbo.

"Ate!" Agad akong niyakap ng mahigpit ni Yanny. Pumunta pa siya sa likod ko. What's happening?

"Oh anong nangyare Aldren? Baket umiiyak-"

"Ang tigas ng ulo niya. Sinabing huwag sumunod sakin, ayan. Hindi natuloy ang laro namin. Shit." Hindi ito ang una na makita ko si Aldren na ganito kafrustrate dahil sa laro. Nung isang beses, nasuntok pa niya yung kalaro niya kasi nandaya. And yeah, nandon ako. Okay na?

"Eh gusto ko lang naman makita kang naglalaro eh! Huhu." Sabat ni yanny. Ang cute cute niya pag-umiiyak pero syempre mas cute yung kuya niya. Hihi.

"Pasamahin mo nalang to Dren. Total nandito na eh." Ani ko.

Hinahaplos niya ang ulo niya. "Oh sige. Pero ngayon lang ha?" Aniya.

"Promise kuya!" Agad sambit ni yanny. Gosh, ang cute nilang dalawa!

"Oh halika na." Marahang bumitaw sa pagkakayakap sakin si yanny, ngumiti pa siya sakin bago tuluyang pumunta sa kuya niya.

"Alis na ako babes." Nagulat ako nang sabihin iyon ni Aldren sakin. Ginulo pa niya ang buhok ko bago sila tuluyang umalis.

Nang makaalis sila, hindi ko mapigilang mapatili. Ohmyghaddddddd! How to calm?! Ohmygoodness! Putrigas ka Aldren stop this pleaseeee!

Nang mahimasmasan ay agad ko ng tinungo ang room nila Chette. Pumasok ako sa room nila kasi alam kong tapos na pasok nila, program pa naman ngayon so syempre expected na maagang matapos ang klase.

"Bes!" Agad akong niyakap ng hinayupak kong bestfriend. Binatukan ko siya nang wala sa oras.

"Gaga ka talaga! May mga estudyante oh. Hindi kana nahiya." Ani ko. Inirapan niya ako. Natawa ulit ako sa pagmumukha niya.

"So ano na?" Aniya. Ano daw?

"Anong ano na?" Taka ko.

"Wag mokong gawing nega ha. Kita ko kayo ngayon lang ni Aldren. Ano pinag-usapan niyo? Tungkol ba'yan sa break-up niyo?" Tanong niya.

Binatukan ko siya dahil don. "Hindi pa kami jowa no! At tsaka, hindi yun ang pinagusapan namin. Si Yanny kasi umiyak eh gustong sumama sa laro ni Aldren eh. Kaya inabisuhan ko siya na pasamahin nalang yung bata. Kawawa naman kung iiyak lang yon." Paliwanag ko sa kaniya.

She was grinned. That smile. "Ginawa mo yun para mapalapit kay aldren no? Naku naku tiffany, sinasabi ko sayo, may nakalaan na sayo. Stop with your dreams na." Sambit niya.

"Anong nakalaan ka diyan?"

"Si Lux. He's the one for you." She said. Bigla yata akong naturukan ng karayom sa lalamunan ko. Gaga talaga.

"Alam mo, pareho kayong dalawa. Mga may saltik sa utak!" Singhal ko ngunit ang gaga tumatawa lang.

"Eh totoo naman eh. Ramdam ko yung pagmamahal niyo. Eh sa kay aldren ka, kahit may pag-asa ka don, malabong maging kayo." Parinig niya. Ano ba kasi ang pino-point out niya?

"Baliw ka ba bes?" Natanong ko nalang. Humagikhik agad siya. Ano ba kasing nakain nitong gagang to?

"Alam mo bes, ngayon palang wag na yang Aldren na 'yan. Masasaktan kalang." Salita niya ulit.

"At bakit naman aber? He's my king, I'm his queen. So bakit hindi magiging kami?" I said.

"Kung si Aldren ang king, at ikaw ang queen, pwes si Lux naman ang kastilyo. So papaano kayo mabubuo kung sa kaniya palang wasak na kayo?" Nabigla ako sa sinabi niya.


"Pinagsasabi mo?" Kung may something sa utak nila ni Lux, jusmeyu wag naman sana nila akong damayin.

"Hay naku. Ano ba pinunta mo dito?" Pag-iiba nalang niya.

I sighed. "May libro ka sa Values? Pahiram. Quiz kasi namin bukas eh. Mahirap na." Ani ko. Tumango siya at tsaka kinuha ang libro sa bag niya.

"Make sure na ibabalik mo yan bukas ha? Mag-aadvance study rin ako para sa moving quiz." Aniya. Tumango lang din ako.

"Ako paba." Sambit ko saka umalis na doon. Nang makababasa hagdan ay nakita ko si francis na nakaupo doon sa hardin. I smiled.

"Oh tara na baby frans." Salita ko. Agad niya akong niyakap. Ilang tao kaya ang yumakap sakin ngayong araw? Bahala na nga.

"Hey." Nabigla ako nang may yumakap din sa akin sa likod. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.

"Umalis ka nga sa likod ko Lux." Saway ko sa kaniya. Baka maissue ako neto eh.

"Oh? Masama bnag yumakap sa prinsesa ko?" Sambit niya sa tenga ko. I can smell his fuckin' breath. Fuck. Ang bango.

"Tumigil ka nga. Mag-aalasingko na Lux. Magluluto pako sa bahay." I just said para bumitaw na siya.


"Ako nalang kaya lutuin mo? What do you think?" Tanong niya.

"Ang laswa for sure." Sagot ko. Napatawa siya nang marahan. Ang bango talaga ng hininga gosh.


"Aalis ka o aalis ka?" Banta ko. Agad siyang umalis sa pagkakayakap sakin.


"Tsk." Reklamo niya.

"Lets go francis." Marahan kong hinawakan ang kamay ni francis saka naglakad paalis. Ang gagong Lux na'to, ang sama ng tingin sakin.



"Huy hintayin mo nga ako!" Sigaw niya. Bahala siya diyan. Haha.



Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Teasing him is such a heaven. Haha.















END OF CHAPTER 18.
______________________________________

Just His String ✓Where stories live. Discover now