Prologue

14.4K 57 5
                                    

"Handa ka na ba, bes?"

"Handang-handa na. Paabot nga ng mirror!" ani Paola.

Inabot naman ito ni KC habang mine-makeup-an ang best friend.

"KC, kulang. Hindi mukhang realistic ang mga pasa ko dahil parang hindi ako namumuti! Besty naman!" malungkot na sinabi ni Paola.

Nagulat na lang ito nang biglang tumama sa kanyang mukha ang kamao ng kanyang besty na muntikan niyang ikahimatay at nakakita pa ng mga star.

"Bes, okay ka lang?" tanong ni KC.

Biglang gumanti si Paola ng sapak sa kaibigan.

"Aray!" napasigaw si KC saka sinabunutan nang sobra si Paola. Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ritchie, ang kaibigan nilang bakla.

"Wow! I like it! So realistic ng mga pasa mo, Paola, including the hair. Lumilipad at magulo pa!" nakangising sinabi ni Ritchie.

"Talaga?" nakangiting sagot ni Paola.

"Sabi ko sa iyo, bes, eh! Eto ang mirror. Pero shit ka, ha! Sinampal mo ako. Alam mo namang hindi ko gagawin sa iyo yung suntok at sabunot kung walang dahilan," paliwanag ni KC sabay abot niya ng mirror kay Paola.

"Wow! I love you, bes KC! Naging totoo yung mga pasa ko at yung sabog na buhok ko!" Niyakap niya ang best friend niya at may tears of joy pa.

"Sorry for interrupting, mga bruha, at nandito si . . ." Binuksang muli ni Ritchie nang mas malawak ang pinto at iniluwa nito ang isang manang na masyadong maraming kolorete sa katawan. Walang iba kundi si Yaya Kuracha.

"Huwat? Yaya Kuracha? Ano'ng meron sa mayordoma ni Maryan, Ritchie?" nagtatakang ani KC.

"Of course, siya ang magpapanggap na nanay ni Paola. Di ba, bongga. Uhm, Yaya Kuracha, pwede bang alisin natin ang makeup mo at pekpek shorts? At pati na rin yung tube mo," sabi ng nagmamakaawang si Ritchie.

"Ayoko. Lagay muna," anang manang.

Biglang tumingin sina KC at Ritchie kay Paola kaya't no choice at inabot ni Paola ang drawer sabay kuha ng pera. "O, ayan ho!"

Lumapit ang manang para abutin ito.

"So, what's the plan?"

"Avah bongga! Nag-English ang yaya ni Maryan. Anyway, saglit." Binuksan ng bakla ang hand bag niya at may kinuha rito saka iniabot sa manang ang isang makeup remover at duster.

"Yaya, ayan. Pumasok ka na sa banyo, alisin mo na ang makeup mo at suotin mo iyang duster. Kayo namang dalawa. Maghanda na kayo para tawagin na natin ang special guest natin. Awlrayt, mga muder!" Nakangiti sabay kindat ni Ritchie kina Paola at KC at lumayas na sila sa pinto.

Agad tumingin nang dahan-dahan si KC kay Paola. "Bes, sure ka ba sa plano mo? Ganyan ka ba kahibang sa lalakeng iyon?"

"Oo, bes. Pakiramdam ko kasi, iba siya. He is hiding something na di ko maintindihan and I am quite sure na he likes me," ani Paola.

"Kaya mo na bang i-bend ang katawan mo, bes?"

"Of course, KC. Lagi kaya tayong nagyoyoga."

"Aww . . . Good, how about the voice?"

"'Sus, alam mo namang rakista ako sa gabi, 'no! Of course, I growl so hard like metalheads. Headbangers ako, 'no, bes! Samantalang hanggang acoustic ka lang or alternatives ang mga banda mo!" asar ni Paola.

"Like you can growl na parang Flyleaf?" ani KC.

"Tanga! Emo Screamo iyon. Yung Growl na parang yung kay Otep! You must know the difference between Screamo at growl of any metal bands," naiinis na pasaring ni Paola.

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Where stories live. Discover now