Chap. 5

4.4K 17 1
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon, pinatulog ni Paola ang anak niyang si Burat sa banyo para parusahan dahil sa pagsisinungaling na patay ang mga magulang niya at walong taong gulang na pala ito.

Yakap-yakap ni Burat ang unan niya at nakahiga sa bath tub habang humihikbi sa iyak ay tinawagan na lang niya ang lola at lolo niya.

"Lala! Pinatulog ako ni Mommy dito sa banyo!" hagulgol ng bata.

"Ano? Ginawa niya iyon? Huwag kang umiyak, anak. Parurusahan namin ang ina mo! Napakawalang kuwenta niya. Kaunting tiis lang at uuwi din kami diyan. Magre-retire na sa trabaho ang Abbie mo!" sigaw ng ina ni Paola sa cell phone.

Nagulat na lang si Burat nang mabuksan ang pinto nang hatinggabi. Tila namumula ang mga mata ni Paola at magulo ang buhok habang lumuluha.

"Hindi kita matiis, Burat. Tara, huwag ka na lang diyan matulog at sa kuwarto ko na lang ikaw matulog."

Mas lalong napaiyak si Burat at agad napatayo sa kinauupuan niyang bath tub saka napayakap nang sobrang higpit kay Paola.

Agad niyang dinala ang anak sa loob ng kuwarto niya.

"Paola! Paola! Nakakatakot dito sa kuwarto mo! Ang daming mga nakakatakot na retrato at mga manikin. Doon na lang ako sa loob ng banyo matutulog!"

"Hanep ka rin, ano? Walang bawian! Dito at dito ka matutulog, letse! Pagkatapos nating magdramahan kanina, uurong ka? At saka, tama si Ma at Pa! Responsibilidad kita kaya dito ka matulog sa tabi ko!"

"Mayroon naman pong isa pang bakanteng kuwarto sa kabila, Paola, eh!" sigaw ng bata.

"Mas hindi kita papayagan doon sa kabila dahil kapag sinabi kong dito ka, dito ka na. Understand? Siya nga pala, aalis ako at ikaw na ang bahala sa bahay," wika ni Paola.

"Bakit?"

"Rakista ako sa gabi. May gig ako."

"Pwede akong sumama, Paola?"

"Hindi pwede ang bata roon. At saka, pwedeng Ate na lang? Wala ka kasing modo kapag Paola."

"Ayoko! Paola ang gusto kong itawag sa iyo! Is that clear? Mag-aalas-dose na! Matutulog na ako."

Sa sobrang inis ni Paola ay hinubad na niya ang tsinelas niya. "Sige! Isa pang Paola diyan at tsitsinelasin ko na iyang airport mong noo!"

Naluha ulit si Burat na napatigil sa pagdadaldal.

Pumasok na si Paola sa loob ng banyo para maligo, ngunit ang di niya alam, inilagay ni Burat ang dalawang unan sa kama para kunwari ay siya iyon na tulog na.

Pagkalabas ni Paola sa banyo ay nakita niya ang kama at ang unan na tinalukbungan ng kumot.

"Buti naman at natulog ka nang tiyanak ka," nakangiting sinabi ni Paola na inaakalang si Burat iyon.

Pagkababa niya sa hagdanan ay dahan-dahan siyang sinundan ni Burat hanggang sa makarating na sila sa labas ng bahay.

Mautak na bata si Burat kaya di talaga siya nagpahuli sa ina. Nagtatago siya kapag tumatalikod si Paola at lumilingon-lingon.

Nang naroon na si Paola sa harap ng kotse niya ay bigla siyang napahinto. "Shit, yung electric guitar ko, naiwan ko! Shit na-amnesia na naman ako. Putragis!"

Agad iniwan ni Paola ang kotse kaya't pumasok sa loob si Burat. Pagbalik ni Paola ay ipinasok niya roon ang dala niyang electric guitar saka siya sumakay at pinalarga na ang kotse.

***

Nakarating na siya sa bar kung saan siya tumutugtog. Bumaba na rin siya habang nasa loob pa rin si Burat at iniwan ito.

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Where stories live. Discover now