Chap. 8

3.6K 17 1
                                    

Pagkatapos nilang gulatin si Rainer at sigawan ng "Welcome to the club" dahil sa naisahan ni Amber ay napikon ito at sumigaw habang galit na galit.

"Tumigil kayo! Hindi ako magiging isa sa inyo, mga talunan!"

"Yabang mo, pare! Ang tagal kaya naming nanonood dito sa ginagawa n'yo!" sigaw ng natatawang si Ethan.

"Tumigil ka! Kilala kita! Ikaw yung ex ng kaibigan ng mahal kong si Paola!" sigaw na pabalik ni Rainer.

"May gana ka pang sabihin na mahal mo siya? Ulol! Huwag ka na! Plano mong balikan siya? Sa tingin mo naman ay babalikan ka n'on! Suntok sa buwan lang kung balikan ka n'on!" natatawang sigaw ni Max.

"Eto ang tandaan n'yo! Magiging akin muli si Paola! Gagawin ko ang lahat, mapasaaakin lang siya! Hinding-hindi ako magiging kabilang sa inyo na napag-iwanan at mga nabusted ng mga kilabot na kolehiyalang Fancy Girls!" pagyayabang ni Rainer saka nilayasan sila. Nagsalita pa siya sa kanyang isip. 'Babalikan kita! Hindi ako susuko hangga't hindi ka mapapa sa akin. Kahit ako pa ang maging ama ng anak mo, ayos lang. Basta mapatunayan ko sa mga talunang lalaking iyon na hindi ako kabilang sa kanila na busted, binasura, di pinili, o kaya ay ex o ekis na kawawa! I'll face death just to conquer you baby girl!'

Biglang nag-ring ang phone niya.

I can't believe that I'm a fool again . . .

"Hello? Sino ito!" galit na sagot ni Rainer nang biglang mag-ring ang cell phone niyang may ringtone ng kanta ng Westlife.

"Hello, Rainer? Nakainom ka na ba ng Tiki-tiki bago umalis?"

Biglang napaamo si Rainer pagkatapos marinig ang boses ng kanyang ina sa cell phone.

"Yes, Ma!"

"Yung likod mo, lagyan mo ng tuwalya baka matuyuan ka ng pawis, anak."

"Of course, Mommy! Lagi naman akong nakikinig sa inyo kasi love na love ko kayo eh!" nanggigigil na sabi ni Rainer sa ina at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata.

"May milk bottle pala diyan sa loob ng back pack mo na isiningit ko. Kapag gutom ka, inumin mo lang yung gatas at Milo roon, anak, para laging may energy!"

"Yes, Mommy! Dedede ako ng tsupon mo kapag nagsolo ako sa kotse."

"Bakit, anak? Saan ka ba? Huwag ka magpapakalayo! Alam mo namang mag-isa ka! Baka ma-rape ka ng bakla."

"Don't worry, Ma! I'll be fine. Nandito ako sa party ng friend ko."

***

Paola PoV

Bakit kung kailan mahal na mahal ko na si Rainer, saka nagkabuhol-buhol lahat. Kaya heto ako ngayon, nakahiga habang humahagulgol.

Bigla lang akong napabangon sa pagkahiga dahil kumakaway na sa akin ang bukang-liwayway.

It's almost six in the morning. Gigil akong mag-umaga na dahil planado ko na ang lahat. Dahil break na kami ni Rainer, I'm going to seduce the father of Wendy a.k.a. Borikat, I mean Burat na si Father Izrael.

Tumayo na ako at nagdamit para pumunta roon sa kuwarto ni KC.

Ang sarap ng tulog niya kaya bigla kong kiniliti ang mga paa niya. Bigla siyang napaupo at nagwala. Pulos mura ang lumabas sa bibig niya.

"Mamita! Huwag n'yo akong pag-trip-an! Wala akong kasalanan sa pagkamatay n'yo!" sigaw niya habang nakapikit kaya kinurot ko siya sa singit para magising siya.

"Paola, bes! Minumulto ako ni Lola Alondra ko!" paliwanag ng nag-aalinlangang baliw kong best friend. Bakit naman siya mumultuhin n'on. May kasalanan ba siya sa lola niyang Puerto Rican?

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Место, где живут истории. Откройте их для себя