Chap. 6

4K 21 1
                                    

Binalikan ni Paola si Burat at kinausap ang doktor.

"Kumusta po ang lagay ng anak ko?"

"Na-trauma lang ang kanyang kabilang binti. She needs physiotherapy," wika ng doktor.

"Shit, Doc! Mahal ba iyon?"

"Hindi naman gaano. We'll contact about sa charges ng aming physiotherapy service para makalakad siyang muli."

"Pwede na ba siyang ma-discharge?"

"After three days pa and she may need crutches."

Umalis na rin ang doktor pagkatapos. Mas nalungkot tuloy si Paola, lalo na't nalumpo ang kanyang anak dahil sa kanya.

***

Makalipas ng tatlong araw . . .

"Paola! Hindi pa ako pwede dahil masakit ang paa ko!" pagmamakaawa ni Burat pagkatapos paupuin ng mga nurse.

"Hoy! huwag kang ano, ha! Ang sabi ng doktor, kapag nakatatlong araw ay lumayas na tayo rito. Lalaki pa ang ibabayad natin kapag nagtagal tayo. Letse! O, heto, saklay mo!" sigaw ni Paola.

Walang magawa si Burat kundi sumunod na lang. Ngunit pagkatayo niya gamit ang saklay ay muntikan na siyang matumba kaya napahawak siya sa katabing drawer.

Nagulat na lang si Paola saka tumawag na lang ng kapwa nurse para manghiram ng wheelchair at doon na lang si Burat. Binuhat na muna niya ang anak.

"Thanks, Mommy!" ani Burat na ikinagulat ni Paola. Parang may kumurot sa puso niya nang tawagin siyang mommy ng anak niya.

"Ulitin mo nga. Ano'ng tinawag mo sa akin?"

"Wala! Ang sabi ko, bingi ka, Paola!"

Biglang nainis si Paola. At nang sasapakin niya ito ay nahuli sila ng doktor kaya nagdrama si Burat at umiyak. Nagmukha tuloy child abuser ng bata si Paola sa paningin ng doktor.

***

Habang nagda-drive si Paola pauwi sa bahay kasama ang anak na nasa front seat ay bigla siyang may nakita sa malayo na 'Wendy's Fast food drive thru'.

"Burat! Simula ngayon, palitan natin iyang pangalan mo. Kapag ako ang kausap mo, ang itatawag ko sa iyo ay Wendy. Dahil pagkatapos mong mabuo sa tiyan ko ay parang tinangay ng hangin ang ama mo," ani Paola.

"Huh? Ayoko nga."

"Bakit ayaw mo? Gusto mo, forever kang tawaging Burat?" pagtitimpi ni Paola.

"Abbie told me, Burat came from the English word 'burt' which means 'bright.' He said, I am the bright of his life or light, that's why they name me Burat nila ni Lala," paliwanag ng bata.

"Hindi mo ba alam na ang burat sa tagalog ay titi? Oh gosh! I feel like my tongue got molested! Buwisit!" pandidiring arte ni Paola.

"What's titi?"

"Isa iyon sa dahilan kung bakit ka nabuo, Wendy!"

"Bakit, Paola? Pagmamahal ba ang titi? Kasi sabi sa akin nina Lala at Abbie, nabuo ako dahil sa pagmamahal nila. Kaya nabuo ako dahil sa titi," pagtataka ni Burat.

"Yes, parang ganoon nga," sabi ni Paola sabay kamot sa ulo.

Pagdating nila at sususian na ni Paola ang pinto ay nabuksan ito bigla at laking gulat niyang nakaabang sa kanila ang mga magulang niya.

"'Ma! Sinorpresa n'yo ako, ha?" gulat na sinabi ni Paola at sumalubong sa kanya ang malakas na sampal ng papa niya.

"Majjnon ya bint!" sigaw ng tatay niyang arabo sabay hawak nang mahigpit sa braso niya at itinulak siya sa sofa.

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Where stories live. Discover now