Chap. 9

3.4K 13 1
                                    

Pagkauwi nina Paola at KC sa bahay at pagkapasok nila sa loob ay nagulat sila nang salubungin sila ng isang babaeng balingkinitan ang katawan, sobrang puti, at maitim ang buhok, kaso may putok at wala siyang suot na damit kundi bra at panty lang na sobrang laki ng balakang. Parang puwet ni Nikki Minaj ang tumbong.

Nagulat si KC nang lapitan nito si Paola sabay beso with sounds na rinig sa kabilang bahay.

"Habibi, how are you! I miss you!" anang babae.

"Abn em al awal?" gulat din ni Paola.

"Besty! Kilala mo? Sino iyang mestisang iyan? Ang ganda-ganda sana niya. Totoo ba yung pilikmata niya? Ang haba-haba. Kaso ang baho ng putok, diyos ko! At saka, bakit naka-bra lang iyan at naka-panty sa loob?" pagtataka ni KC.

"Ahh . . . bes, siya si Najma. Hindi iyan mestisa. Wala iyang dugong Pinoy. Half Iranian half Lebanese iyan. Mga kalahi ni Mia Khalifa, Hakhakhak!"

"Tologo? Sabihin mo, Besty, magtawas siya. Ang ganda kasi niya. Maraming manliligaw diyan."

"Hindi mangyayari iyon kasi nakasuot iyan ng ninja. Sa loob lang iyan ng bahay naka-bra at panty, pero sa labas ay naka-burqa! Ahm . . . Najma, why are you here? Who brought you here and how do you get in here?"

"Your baba brings me here. Who is ze? I will rebort her to yourrr baba. You bring woman in yarr haawwrrzz!"

"No, cousin, she is my best friend. Please, don't report. I beg you! Tell me anything you want. Just don't report me, please!" pagmamakaawa ni Paola.

"Okay! In one condizyzon! Anywhere you go, habibi! Bring me wiz you!"

"But I am going to the church," alibi ni Paola.

"I will also ghoin wiz you! I am gurious widh wahd za church loogs layg. Zon worry, I am not bringing zaym bomb layg booomm boomm, hakhakhak!"

Walang magawa si Paola kundi mag-agree sa pinsan niya dahil tinawagan din siya ng mga magulang niya ukol kay Najma.

Pagkatapos ayusin ni Paola ang tutulugan ng pinsan ay sinabihan na niya ito.

"Najma, don't ever wear panty and bra inside this house. Many will see you, okay? I have many guy friends."

"Ah will rebort you once you bring guy frienz here!"

"Ugh! 'Kay, fine."

Nilayasan na lang ni Paola ang pinsan at doon natulog sa loob ng kuwarto ni KC.

Natuwa naman si KC sa itsura ni Paola na parang natalo sa Lotto. "O, Besty, bakit ganyan ang pagmumukha mo?"

"Sina Mama at Papa kasi, dinala-dala pa iyan dito sa Pinas!"

"Ano ba'ng atraso mo, Besty Paola, at binigyan ka pa nila ng chaperon na arabo?"

"Ah, basta! Bes, tuloy natin yung plano natin kay Father Izrael."

"Ano? Na naman?" iritang sagot ni KC.

"Oo, pero next time, huwag na sa loob ng simbahan. Ang dami kasi nating audience doon! Paano ko siya maaakit kung maraming matang nagmamasid? Ang dami pa namang mga tsismosa doon!"

"Ano ba'ng plano mo, Besty Paola?"

"Magpapanggap akong sinasapian. Exorcism, 'yong ganoon, ahahaha!"

"Ayos ka talaga, bes! Apir!" natatawang sinabi ni KC at sabay na nag-apir ang dalawang magkaibigan.

***

Makalipas ang ilang araw ay plinano talaga ng magkaibigan ang papuntahin si Father Izrael sa bahay ni Paola.

At isang gabi, pagbaba ni Paola sa kusina at pagbukas niya ng refrigerator para uminom ng gatas ay may nakita siyang nakatalukbong na dahan-dahang maglakad. Napasigaw tuloy siya.

"AAAHHH! Sino ka? AAAHHH, Multo!"

"Shh! Ya habibi! Iz me Najma. Zont zekream!"

Biglang natigil si Paola at nagtaka. "Huh? Najma! Why you're covering like casper the friendly ghost like kida kida hada hada?"

Hindi siya sinagot ng pinsan niyang arabo hanggang sa hinubad nito ang talukbong na mas ikinagulat ni Paola.

"Motherfucker! Ya kalb! Why are you wearing those stripper clothes? My gosh!" naiinis na sinabi ni Paola nang makita niya ang pinsan niya nang nakasuot ng halos kita na ang kaluluwa.

"Pleaze zont rebort me. Me ghoing to zha Pegasus club," ani Najma.

"Huwat? I thought that's haram because you are wearing burqa? At napili mo pa ay sa Pegasus, punyeta ka!"

"Oh waz punyeta?"

"Ahm, it means you're beautiful. Punyeta kang hayop ka means you're beautiful and sexy! Kaya get out of my house and enjoy barhopping and clubing! I will not rebort, I mean report. Bullshit ka! Nahahawa pa ako sa iyo, tang ina. I will not report you, habibi, just don't report me to my parents! Deal ya, sharmota Najma?" nakangising sinabi ni Paola.

"Awgie! I will not rebort you and dazz da deal! Zont call me sharmota ya majnon!"

Pagkalabas na pagkalabas ni Najma, doon na nagsimulang pagplanuhan nina Paola at KC at tinawagan pa si Ritchie para papuntahin si Father Izrael upang kunwari ay ie-exorcise si Paola.

Minsan pa ay isinasama nila sa kalokohan nila ang mayordoma ni Maryan sa kadahilanang nasa America pa ang kaibigan.

Paniwalang-paniwala naman ang batang pari at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para di sapian si Paola.

Hanggang sa isang araw ay tinamaan ng pagka-guilty si KC.

"Paola, ayoko na! Pakiramdam ko, nagkakasala ako sa Diyos! Pari iyon eh!" malungkot na sinabi ni KC.

"And so what? Ang mahalaga ay nasusubukan natin ang tukso, Besty KC!"

"Kaso, bes! Hindi naman siya tinatamaan ng tukso eh! Di ba nga, pinahahawak mo pa ang suso mo, wala pa rin! Hindi siya tinatablan! Nagkakasala ako sa Diyos, titigilan ko na ito. Napapanaginipan ko kasi ulit si Lola Alondra na parang nagse-seminar daw kami. Tapos sabi niya, magbagong-buhay na ako, kaya quit muna ako sa trip mo. Don't get me wrong, beshie, ha!" malungkot na pahayag ni KC.

"Kung ayaw mo, di ako lang!" pikon na sabi ni Paola.

Hanggang sa may kumatok sa kanilang kuwarto nang hatinggabi.

"Sino na naman iyang kumakatok? Eh di ba, sabi mo, yung pinsan mong arabo, kapag mga ganitong oras ng ala-una ng madaling-araw ay pumupunta sa Pegasus club?" pagtataka ni KC.

"Kaya nga eh. Kinikilabutan tuloy ako. Ikaw na lang ang magbukas, KC."

"Ayoko! Kung takot ka, mas lalong ako!"

"Ikaw na, KC, ang magbukas!"

"Ano ba! Ikaw na, Paola! Takot nga ako!"

"Sabing ikaw na eh! At saka, bahay mo naman ito, Besty Paola!"

Biglang nainis si Paola at pinandilatan ang kaibigan. "Gusto mong palayasin kita?"

Tumayo si KC na nagdadabog dahil napilitan. Mas matanda kasi sa kanya ang bff niya. Pagbukas na pagbukas niya sa pinto ay bigla siyang napasigaw nang sakalin siya ni Najma nang malakas at mahigpit.

Nagsimulang magtitili si Paola dahil sinasapian ng demonyo ang pinsan nitong arabo at nagkatotoo ang acting-acting-an nilang exorcism

Habang sakal-sakal ni Najma si KC ay tumakbo palabas si Paola at nagsisisigaw sa takot.

"Hayooop ka-kaaa, Beeesty! Ba-baakiiit mo a-akooo ini-wa-waaan! Di a-akoo ma-ma-kahinga! Sa-sakal a-aahkooo ng pinsan mo-moo! At ang-ang ba-ba-baaahoo ng pu-pu-toook ni-niyaaa, pooota!" putol-putol na pilit isinigaw ni KC habang nakataas siya sa ere dahil sa pananakal sa kanya ng dalagang arabong sinasapian.

Hanggang sa hinimatay si Najma at nabitiwan mula sa pagkakasakal si KC. Sa likod nila ay si Paola na may dala-dalang malaking frying pan na pinampukpok ni Paola sa ulo ng pinsang may demonyong sapi.

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Where stories live. Discover now