Chap. 1

8.8K 48 5
                                    

"Ilan taon po kayo, manong?"

"55."

"Hubad na po kayo ng pantalon ninyo at pakikuha itong puting kumot para pantakip. Kunin ko lang ho ang catheter. Okay lang ho ba iyon?"

"Yes. Ang ganda-ganda mo, ineng!"

Biglang nabuwisit ang dalaga dahil kulang na lang ay tumulo ang laway ng matanda. Ito'y si Paola, 26 taong gulang na mestisang nurse. Maputi, matangkad, makapal ang labi, matangos ang ilong, at di mawalan ng makeup kahit on-duty. Madalas pang hindi nagsusuot ng stocking dahil doon siya komportable. Kaya sumisilaw ang kanyang maputi, makinis, at mahabang binti sa kada pasyenteng naaasikaso niya. Sa sobrang saksakan niya ng sex appeal ay madalas siyang pagkamalang kahawig ng artistang si Arci Muñoz.

Pagkapunta niya sa kabilang kuwarto ay naroon ang isa pa niyang matalik na kaibigang nurse. Si Halle Farut, isang half pinay-half German.

"Nasaan yung catheter tube? Letse! Naghihintay na yung matanda roon, Halle."

"Why, Paola, sino ang pasyente?"

"Basta matanda! Ewan ko! Ayun, nahanap ko na! Sige na, bes." Sabay layas ni Paola at patakbong bumalik doon sa kabilang kuwarto kung saan siya nanggaling. Naghihintay na ang matandang lalaking pasyente.

Paglapit niya rito . . .

"Lolo, nakapaghubad na po ba kayo ng pantalon at brief para isaksak ko na itong tube?"

"Oo, ineng! Ready na si kumander!"

"Ah! Sundalo pala kayo. Kaya pala parang nasabugan kayo sa mukha," plastic na pasaring ng dalaga.

Pagkalapit na pagkalapit niya rito at pagkatanggal ng puting tela ay mas lalo siyang naimbyerna nang makita niyang nakatayo ang manoy nito.

"Hay, naku! Punyetang matanda ka! Sa ganyang edad, tinitigasan ka pa ring hayop ka?" bulong ni Paola at kausap ang sarili.

Ngumiti naman ang matanda. "Ano iyon, ineng? Parang may sinasabi ka. Kan ay pakyu in da boobs?"

Di na ito pinansin ni Paola at lumabas na. Naabutan niya pa ang best friend niyang lalaki na nurse din, si Clit Torres. Sila ang mga magkakaibigan doong tatlo sa hospital. Siya, si Halle Farut, at si Clit Torres. Aminado naman siyang kaya niya sila kinaibigan ay dahil gusto niyang siya lang sa kanilang tatlo ang hindi mapanghi ang pangalan.

"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo, Paola?"

"Clit! Bilhan mo nga ako ng ice! Nauubos ang oras ko dahil sa matandang pasyenteng iyon!"

Sumunod naman si Clit. Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Clit na may dalang isang pack ng ice.

Patakbong bumalik si Paola sa matandang pasyente dala-dala ang nabiling yelo. Inilagay niya iyon sa garapon at kumuha ng kapiraso para iloob sa hot and cold compress. Ipinahid niya ito agad-agad sa ari ng matanda para lumambot at masaksakan na niya ito ng catheter.

Habang pinapahid niya ito sa manoy ay iritang-irita siya dahil grabe makatingin ang manyak na lolo, tila hinuhubaran siya nito at hindi pa rin ito nilalambutan.

"Lolo, pwedeng huwag kayong tumingin sa akin, please? Baka rayumahin kayo?" iritang suhestiyon ni Paola.

Bigla na lang pumikit ang matandang pasyente na ikinatuwa ni Paola dahil parang magic na lumambot ang ari nito kaya dali-dali na niyang kinuha ang tube ng catheter.

Ngunit nang isasaksak muli niya ito sa ari ng matanda ay nagulat ito dahil tumigas na naman ang ari nito.

"Walanghiya! Nauubos ang oras ko!" Muntikan na siyang mapasigaw ng pagkaharap niya roon sa mukha ng matanda dahil nakatingin muli ito sa kanya na parang jumpscare sa horror movie. Parang mga ngiti ng giants sa Attack of the Titans.

S.H.I.T. (Scandal Hits Izrael Temple) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon