Prólogo

333 19 2
                                    

PRÓLOGO


Sa malamlam na ulan, isang babaeng naglalakad nang tahimik sa masikip na kanto. Sa kanyang katahimikan, malamlam na lihim ang taglay ng kanyang itim na manipis na balabal, na nagbibigay kabatiran sa kanyang kakaibang pagkatao. Sa abot ng ating mga mata, tanging ang pagniningning ng kanyang mapulang mga labi ang nagbibigay-buhay sa kanyang anyo.

Sa paglalakad na iyon, tila'y nais niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao mula sa madla. Subalit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Napansin niya ang isang lalaki na nag-aakmang umupo sa maliit na upuan, basang-basa sa ulan. Walang kabuntot, walang takot ang naramdaman ng babae nang pumikit at maglihim ang mga mata ng lalaki. At sa pagpikit nito, bigla itong nagmulang magbunga ng nakakatakot na ngiti, at unti-unti, umusbong ang matutulis na mga pangil nito.

"Salamat at may panghapunan na ako," ani ng lalaki ng may kaligayahan, na nagpapakita ng kanilang kakaibang pag-uugma.

Hindi nagulat ang babae sa kabila ng mga anyo at tukso ng lalaki.

"Manatili kang malayo sa akin," anang babae nang walang kaemohan o takot sa mga mata nito.

"Huh? Nagbibiro ka ba? Hahahahahah!" natawang malakas ang lalaki, "Sinasabi mo lang iyan dahil nais mong makatakas sa aking mga kamay, hahahaha!" dugtong pa nito, sa pagpapalakas ng kanyang loob.

"Hindi ako nagbibiro..." Hindi pa natapos ang sasabihin ng babae, ngunit hindi na niya kinailangang magsalita nang bigla siyang salakayin ng lalaki. Nang mabilis niyang inilabas ang samurai na nakatagong palaging kasama niya, agad itong tumama sa leeg ng lalaki. Sa bawat galaw ng kanyang kamay, patuloy na dumadaloy ang sariwang dugo mula rito. Iniwan niya ang maruming samurai na puno ng dugo sa dibdib ng kalalakihan, na ngayon ay tanging isang alingawngaw na kalaswaan na lamang. Terorista ang kanyang kinatay, at ang mundo'y sumayaw sa gitna ng malagim na pagwawakas. Habang ang babae ay may ngiting asong ulol, tinitigan niya ang lalaki na unti-unting nawawala sa kanyang harap.

Hindi bababa sa mga mata ng babae ang mga kakaibang bagay na ito. At nang maglaon, sa kanyang mga mata, ang kulay ng lupa at alikabok ang sumalubong sa paglaho ng lalaki.

--- CypressinBlack ---

Legend of Immortal: Angeloids and Eviloids(UNDER MAJOR EDITING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz