Capítulo Siete [✔]

95 4 3
                                    

CAPÍTULO SIETE

Pumunta ang prinsipe sa munting tahanang tore ng nag iisang Oracle na si Shamara.

Kumatok agad ang prinsipe nang makalapit sa may pinto.

"Pasok!" ang wika ng oracula nang marinig ang katok nito.
Nagulat naman siya agad nang makita ang binatilyong prinsipe.

"Magandang umaga po sa inyo Oracle Shamara!" pormal na bati nito sa kanya.

Napangiti naman ang Oracula sa pagiging pormal ng prinsipe.
"Anong maipaglingkod ko sa iyo, mahal na prinsipe?"

"Gusto ko lang pong malaman kung saan makikita ang anak ng traydor na si Kenji!" mariing wika nito.

“Sige, papayag ako dahil isa ka sa may mataas na antas, prinsipe Seth.”

Lumakad papunta ang oracula sa gitna ng hallway na may nakaguhit na yin yang symbol.

Agad tumingala ang Oracula na naka nakapantay sa balikat ang mga braso na parang inihahanda na ang sarili sa gagawing bagay.

Sinimulan na ng oracula na magsalita ng mga latin na lengguwahe. Umihip ang malamig na hangin at nagsimula ng sumabay sa ihip ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Nakapikit ang mga mata nito at unti unti nitong binuksan ang kanyang mga mata na nagkukulay ginto na. Habang pabilis ng pabilis ang pag bigkas ng latin na mga salita ay bigla itong natumba ng nanghihina. Tinulungan naman ito ka agad ng prinsipe.

"Ayos lang po ba kayo Oracula?"
Tumango naman ang oracula habang binabawi ang lakas na nawala sa kanyang katawan.

"Hindi ko siya matatagpuan," may pangamba sa boses ng oracula. Ilang taon nang nakalipas sa pag iimbestiga ng kanilang lahi na malaman kung sino ang nag traydor sa kanilang lahi. Na naging dahilan sa digmaang nakalipas na

.
"Paano naman nangyari yun?" di makapaniwalang wika ng prinsipe.

"May pumuprotekta sa babaeng ito para hindi siya makita o matagpuan kung sinuman ang sumubok na hanapin ito."

"Anong ibig mong sabihin oracula?"

"Nagtataglay ang babaeng ito ng walang nakakatapat na kapangyarihan. Kaya  kung pipilitin kong hanapin siya ay manghihina ang kapangyarihan ko at may posibleng mawawala ang buong lakas ko," batid ng prinsipe ang takot sa boses ng oracula.

Nang naging maayos na ng tuluyan ang kalagayan ng oracula ay pinaalis na nito ang prinsipe.

Claire's PoV

Nakita ko naman ang babaeng nag aapoy ang katawan. Nakangiti parin itong nakatingin sa akin.

Nasa madilim na lugar kami. Tanging kami lang dalawa ang makikita.

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako takot sa kanya.

"Mag ingat ka kay Shamara at huwag kang magpapahulog sa mga bitag niya."

Unti unti naman siyang tinangay ng hangin. Bago pa siya tuluyang maglaho ay napasigaw ako sa pagtawag sa kanya.

"TEKA!"

Napabangon agad ako sa kama. Isang makatotohanang panaginip na naman ang napanaginipan ko.

Kailangan kong sundin ang pagbabala niya sa akin.

Pagtingin ko sa paligid nasa may clinic room ako. Napalingon ako sa may pintuan nang may biglang pumasok, si Seth.

"Okay ka na ba?"

Tumango naman ako. Hinawakan ko pa ang ulo ko baka mahihilo na naman ako bigla.
"Ayos na talaga ako."

Unti unti naman siyang lumapit sa akin. Nakakapang akit ang kanyang berdeng mga mata.

Legend of Immortal: Angeloids and Eviloids(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now