Capítulo Cinco[✔]

99 5 0
                                    

CAPÍTULO CINCO

Nakita ko na si Ms. Sierra sa labas ng gate. Nakatalikod ito halatang hinihintay ako.

"Ms. Sierra?" lumingon naman siya ka agad sa akin at ngumiti.

Nang makalapit na ako ay nag salita siya.

"Naka handa ka na ba?" tumango naman ako sa tanong niya, "Kung ganun tayo na sa haunted dimension forest," seryosong wika nito. Sumunod naman ako sa kanya.

Napansin ko na tinahak namin ang daan papunta sa likod ng aming paaralan.

This place is so creepy at ang lamig ng ihip ng hangin nakakilabot. Tanging mga kaluskos lang ng dahon at ihip ng hangin ang tanging maririnig. Napa atras ako sa pagkabigla nang may lumitaw sa harapan ko na mga tuyong dahon na nag anyong babae at ngumiti pa ito sa akin bago sumabay sa ihip ng hangin.

"Hwag mo silang pansinin sila lang ang mga kaluluwang nag babantay dito," I just nod my head as a response.

Napansin ko na parami ng parami ang mga tuyong dahon na nag aanyong tao. Sumasayaw sila kasabay sa ihip ng hangin.

Napahinga ako ng maluwag nang marating na namin ang lagusan. Salamat at nakarating na rin kami sa wakas.

Tumambad sa harap namin ang asul na dimension na pinalilibutan ng mga
napakaraming bubuyog.

"Sila ang mga knight bees lumalaki sila at nag aanyong knight warrior kapag may kalaban na pupunta rito," namangha naman ako sa sinabi ni Ms. Sierra. Kahit pala bubuyog knight na rin?

Nang papalapit na kami sa blue dimension ay may dalawang nilalang na nag appear galing dito. May apat silang braso at nagkikislapan ang kanilang tig iisang espadang hawak.

"Kaibigan siya," wika ni Ms. Sierra sa dalawang nilalang na nakatingin sa akin ng seryoso. Umatras naman ang dalawang nilalang.

"Sila ang four armed-guardian nitong blue dimension," muli na naman akong napatango.

At may napansin naman akong napakaliit na nilalang na naka steady lang ang paglipad. Nakakasilaw ito kaya hindi ko talaga maaninag ang hitsura pero ang nakikita ko sa kanya ay mala tutubi ang pakpak niya.

"Siya ang alaga ng dalawang four armed-guardian kapag may nangyari dito ay papasok agad siya sa blue dimension para ireport sa mga may matataas na ranggo ang nangyari dito. Tayo na!" sumunod na naman ako kay Ms. Sierra.

Nang papasok na kami ay wala akong ibang makita kundi ang asul na liwanag na para bang sasakit ang ulo mo at mahihilo ka.

Halos masuka pa ako sa nararamdaman ko parang umiikot ang buong paligid kaya ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga. Malalim ang ginawa kong paghinga dahil pakiramdam ko ilang segundo nalang ay parang duduwal na ako. Nakahinga lang ako ng maayos nang huminto na ang pakiramdam kong iyon. Napatigil ako saglit nang mapansin ko kung nasaan na kami.

Naka harap kami sa napakalaking puting gate.

Ito na ba ang Peace Temple?

Unti-unti namang bumukas ang gate kaya nang pumasok si Ms. Sierra ay sumunod ulit ako.

Nakita ko ang nakaka amaze na buong paligid mararaming mga matataas na tore na yari sa mga ginto at pilak pero may isang tore na nakaiba sa lahat. Gawa sa mga diyamante, perlas, sapphire, emerald at iba pang uri ng mga mineral. Ito ang pinakamaganda sa lahat at pinakamalaki.

Kung ganun, ganito pala ang mundo ng mga angeloids?

May mga kakaiba at malalaking mga nilalang na lumilipad na pakalat kalat sa kapaligiran. May bigla namang sumundo sa amin na napakalaking nilalang. Kalahating agila at kalahating leon.

Legend of Immortal: Angeloids and Eviloids(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now