Capítulo Seis [✔]

81 5 2
                                    

CAPÍTULO SEIS

THIRD PERSON's POV

Ipinatawag ng haring angeloid ang kanyang nag iisang anak na lalake sa kanyang silid. Pumasok naman ito at nag bigay galang sa haring ama.

"Ipinatawag mo raw ako ama?"ang tanong ng prinsipe sa ama pagkapasok pa lamang niya sa silid.

"Oo gusto ko lang malaman na may balita ka na ba tungkol sa anak ni Kenji?"

"Actually po ama ay wala pa dahil sa mga imbestigasyon ko ay kadalasang mga witnesses sa pag kawala ng anak ni Kenji ay galing sa kadilimang templo. Kaya mahihirapan talaga tayong hanapin ang hinahanap natin. Pero hwag po kayong mag alala ama. Baka po tutulungan tayo ni Shamara para mahanap ang hinahanap natin."

"Sige, kapag may nakuha ka nang lead ibalita mo nalang sa akin," tumayo naman ang prinsipe at nag bigay galang muna sa ama bago umalis.

Yvaine Claire's Pov

Napakaganda ng gising ko ngayong araw. Magkasabay kaming apat na lumabas syempre hindi ko feel ang atmosphere na galing kay Breathlease kala mo naman diyosa ng kagandahan.

Papunta na kami sa angeloid school. Wala akong ka ide-ideya kung anong hitsura nito.

Nang matanaw ko na ito ay napa pause ako saglit sa paglalakad. Sobrang napakaganda ng school na 'to. Di kagaya sa mundo ng mga mortal para itong palasyo pakalat kalat lamang ang mga angeloid students. Ang iba ay lumilipad.
Actually, may uniform naman ang school na 'to. Sa mga babae ang ikli ng palda kulay asul yung pang taas naman kulay puti. May necktie itong kulay asul rin. Sa lalake naman ay kulay asul ang kanilang long sleeves, white ang inner at itim ang pang ibabang slocks. Take note, may suot rin silang necktie.

Napakalaki ng gate ng school na ito gawa sa pilak. Nang mapalapit na kami rito ay agad itong bumukas at sa amin napunta ang atensyon ng lahat.

Oh diba? Napakaganda ko talaga!

Mwahahaha!

Narinig ko namang may nag whistle na lalake pero ewan ko kung sino tinutukoy nun sa amin.

"Classmate nga pala tayong apat," natutuwang sabi ni Amala.

Mabuti naman kong ganun.

Nasulyapan kong madalas umiirap si Breathlease sa mga babaeng tumitingin sa kanya kasama na ako dun.
Aba! Kapal talaga ng mukha niya!

"Uhmmm... ano bang section natin?" tanong ko sa magkapatid habang di pa rin nakak get over ang aking mga mata sa tanawin.

"Uhmm.... Ano Section A. BRAVARE, yan ang mas popular na section dito," sagot ni Gahlia sa aking tanong. "Yung pangalawa naman section B, SAPERE at yung pangatlo ay section C, VIRTUS."
Napanganga naman ako sa sagot niya. Pansin kong hindi familiar sa akin ang mga pangalan ng iba't ibang section.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad, papunta sa section namin.

Nakakatuwa talaga ang mga imahe dito gawa sa mga ginto, pilak at iba pa.

Napansin ko namang walang entrance door ang aming magiging classroom kumbaga kaya tumingala ako. Napagtanto ko naman na sa itaas pala ang entrance door nang mala tore naming silid-aralan.

Bale ang pinakaharap sa may gate ay sa Bravare pero may kalayuan naman ito sa gate. Kapag lilibot ka papunta sa kanan na naka lipad ay makikita mo ang entrance door ng Sapere. At kapag papunta ka sa kaliwa ay makikita mo ang Virtus section.

Sabay namang naglabasan ang anghel na pakpak ng tatlong kasama ko. Nagtaka naman sila sa akin kung ba't wala akong ginawa kahit ano man lang.

"Bakit wala ka bang pakpak?" hamon ni Breathlease sa akin.

Legend of Immortal: Angeloids and Eviloids(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now