Panimula

29 2 3
                                    

               Anong bang dapat kong gawin?"Mahal
kita!"nakangiti niyang sabi sa akin. Bakit sinabi ito ngayon ni Damascus?Ano bang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito?Alanganin akong ngumiti sa kanya at napaiwas nang tingin.Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin.Naglahong bigla ang maganda niyang ngiti. Ang gwapo niyang muka ay nalukot dahil sa kalungkutan. Sumunod ang katahimikan na bumalot sa amin.
                 Pagkaraan ay bumitaw sya sa pagkakapit sa aking kaliwang kamay.Muli syang ngumiti sa akin,ngunit may iba sa ngiting ipinapakita niya.May kasama itong lungkot na nagpatulala sa akin, nasaktan ko sya.Wala akong magawa,hindi ko naman talaga alam ang gagawin.




                 Ilang beses na akong sinabihan ng,"Mahal kita."Palagi ko itong naririnig sa malapit kong mga kaibigan na madalas ay kapwa ko babae.May iba nga na sinasabihan pa akong,"Nakalimot ka na.Akala ko ba ay mag-kaibigan tayo.Bakit 'di ka na namamansin?"Wala akong masabi sa kanila,palaging pag-iwas o katahimikan ang tugon ko.
                Kakaiba,'di ba? Ang totoong dahilan ng aking tugon sa kanila ay nakasanayang pag-iisa. Sa oras na humihingi na maraming atensyon ang mga malapit sa akin ay naiilang ako.Hindi kasi ako sanay.



                   "Paalisin mo nga siya sa harap ko.Ubos na ang pasensya ko sa kanya,"galit na sabi ng aking guro.
                  Tiningnan ko lang si Ma'am Torres,ni-isang salita ay walang lumabas sa aking bibig.
                 "Dapat ay humingi ka na lang ng tawad,"Iiling-iling na sabi ng lalaki kong kaklase.
                 Nagulat ako.Ganun pala dapat ang ginagawa sa mga sitwasyon na iyon.Kaso nga lang ay unang beses ko pa lang naranasan ang sitwasyon na iyon.Hindi ko alam ang gagawin!
                Ako iyong tipo ng tao na walang kaalam-alam sa pakikisalamuha. Sanay akong ang tanging kong mga kasama ay mga; alaga kong hayop, mga bida sa isang teleserye na sa kasagsagan ng panunuod ay iniisip ko na kaibigan ko na sila, tauhan sa libro, at ang aking sarili.
Katahimikan,ito ang tanging hinahanap-hanap ng aking katawan.Pakiramdam ko ay nasa langit ako pag may katahimikan sa aking paligid.
              Ang pangalan ko ay Ejesci Realonda, mahal ko ang katahimikan at kapayapaan. Ayaw ko sa maraming tao. Kinaiinisan ko ang makisalamuha sa kahit sinong tao.
Pinapahalagahan ko ang sarili kong oras at ayaw ko sa ano mang uri ng koneksyon sa kahit sino.

Tranquil(On Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora