Kapitulo Anim

10 0 0
                                    


Nagpalakpakan ang mga tao sa pagpasok ng lalaki na tindig pa lang ay kilala ko na. Ang kanyang suit ay kasing pula ng Rosas na tanim ko,bumagay ito sa kanyang makinis at maputing balat. Angat na angat ang kanyang itsura sa lahat ng lalaki na isiniyaw ng may kaarawan.

I've known you for so long
You are a friend of mine

Panimulang pagkanta nya na sumakop sa buong paligid. Gamit ang isang maliit na Microphone na nakasabit sa kanyang kanang tenga ay kumanta sya na tila nanliligaw, nanunuyo ang maganda nyang boses sa babaing ang ganda ay mahahalintulad sa isang modelo. Lahat nang atensyon ng mga tao ay nakatuon sa dalawang tao na kitang-kita ang saya sa mga muka.Ang ngiting nasa muka ni Nem at ang kantang inaalay nya kay Centia ay nagpaalala sa akin nang araw na iyon.







"Oh!Bakit mo hinahalikan ang sahig,Sci?"tuma-tawang pahayag ni Nem na umupo sa damo upang tumabi sa akin. Ako naman ay patuloy na umiiyak at umayos nang upo."Nadapa na nga ako.Tuma-tawa ka pa,wahh!"mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Nabubog ka Sci!Ang laki nang sugat mo sa tuhod."
"Nako,wahhh!"
"Hayys!May lalabas na kanin dyan,"sabi nya na patuloy pa rin sa pagtawa.
"Ahh!Ang sama mo,Nem. Masakit kaya,"hinampas ko sya sa sobrang takot ko.'Di ko napigilan ang pag-iyak nang malakas,masakit talaga ang sugat.Nararamdaman ko pa ang bubog sa tuhod ko.Naglabas sya ng panyo at ito'y marahang itinali sa aking tuhod.Noong una ay tumanggi ako sa gusto nyang gawin,ngunit nang lumaon ay pumayag na rin ako nang ipaliwanag nya na makakatulong ito upang humina ang pagtulo nang dugo. Nabaling ang atensyon ko sa ginawang pagluhod ni Nem,kumunot ang noo ko samantalang nakatingin lang sya sa akin na tila may hinihintay syang dapat kong gawin."Isabit mo ang kaliwang kamay mo sa balikat ko.Aakayin kita pauwi,"utos nya sa akin na akin namang sinunod.Kahit na akay nya ako habang kami ay mabagal na naglalakad,patuloy ko pa ring nararamdaman ang matinding kirot sa aking tuhod kaya patuloy akong umiiyak.



I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we ever could be

I've love you ever since you are friend of mine
But babe is this all we ever could be




"Umiiyak lang ako ay may pa background song ka na.Naiintindihan mo ang lyrics niyan?"
"Hindi,Ingles yan eh. Alam mo namang nasa elementarya pa lang ako.Iilan lang ang naiintindihan ko sa lengguwaheng Ingles.Naalala ko kasi ang kwento ni tatay.Kinakanta nya ito sa tuwing umiiyak ang aking nanay,madalas ay epektibo ito dahil imbis na magalit ang aking nanay ay kinikilig sya at tumitigil sa pag-iyak.Baka sakaling mapatahan din kita,"mahaba nyang paliwanag bago ituloy ang pag-awit. Mahina kong tinulak ang kanyang pisngi,"Masa-kit pa rin,"nauutal kong reklamo.Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga,"Bilisan na nga lang natin ang paglalakad nang malinis na ang sugat mo,"tila dismayado nyang sabi.






"Nak?Ayos ka lang?"napakurap ang aking mga mata,nang lingunin ko ang nagsalita ay nakita ko ang aking ama na nakatitig sa akin,"Kanina ka pa nakatulala sa plato mo. Gusto mo bang kunan pa kita nang pagkain?"dagdag nyang sabi."Hindi po.Busog na ako," Napailing kong tugon sa kanya. Muli kong pinanuod ang pagsasayaw nila Nem at Centia,mabagal silang sumunod sa tugtog habang punong-puno nang emosyon ang pag-awit nya. Mas humusay sya sa pagkanta nang Friend of Mine,ang alam ko ay paborito nya ang kantang iyan.Naumay na nga ako noon sa paulit-ulit nyang pagkanta nyan tuwing naglalaro kami.






Naiinis ako sa 'di malamang dahilan.Sobrang halaga ba ni Centia para magawa nyang kantahin ang paborito nya?Ito ang unang pagkakataon na marinig ko syang kantahin yan sa harap ng ibang mga tao.Dati kasi ay sa akin nya lang kinakanta iyan.Pinagmasdan ko ang hindi matapos na ngitian nila at pagtawa ni Centia,nang mapatingin ako sa hawak kong tissue ay nalaman kong lukot-lukot na pala ito sa higpit nang pagkakahawak ko.Bakit parang di ako makahinga nang maayos?
"Ma,pa.Maglalakad-lakad lang muna ako sa garden nang hotel.Hanapin nyo na lang ako doon sa oras na magpasya kayong umuwi,"paalam ko sa aking mga magulang.Dumampot muna ako ng isang baso ng orange juice na dala ng isang waiter bago ako naglakad nang mabilis palabas nang hotel.Umupo ako sa isang bench na nasa tapat ng mga tanim na bulaklak. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin na katabi ng bilog na bwan. Doon lang pala ako makakaramdan ng kapayapaan.Sabagay,mas gusto ko ang payapang paligid na walang ibang tao na kasama. Matapos ang isang lagok sa juice ay inilapag ko ang baso upang magtungo sa kalapit na mga bulaklak. Ang gaganda ng magkatabing Bougainvilla at Sampaguita. Nilanghap ko ang mabangong amoy na nililikha ng mga bulaklak,pakiramdam ko ay mas napakalma ako nito. Pumitas ako ng Sampaguita at nilalanghap ito nang bumalik ako sa aking upuan.
"Wala ka pa rin talagang pinagbago,"bigkas ng isang tumatawang lalaki sa aking tabi.Taka akong napalingon,muntik ko ng mabitawan ang hawak na bulaklak nang makilala ko ang nagmamay-ari nang tinig.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagpapalipas lang nang oras. Napagod ako sa pagkanta at pagsayaw."
inabot ko ulit ang baso ng juice at sinaid ang laman nito.Bakit ba ako naiinis ulit?Panira sya ng mood.Sumakit yata bigla ang ulo ko.Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ng paggalaw ng paligid,para bang lahat nang aking tingnan ay dalawa.
"Ayos ka lang?"
"Oo nemenn,heck!"
"Sa tingin ko ay lasing ka na Sci.Inubos mo ang alak na laman nang malaking baso na iyan.Akala ko ay kaya mong uminom nang marami."
"Alak?!.... Hayaan mo na.Ano bang pakialam mo Nem? Sumama ka na nga lang sa Centia mo,"may inis kong sabi.Sandali ko syang natitigan nang matino, nadagdagan ang inis ko nang makita ko ang ngisi sa kanyang labi. Hinampas ko sya sa braso na nagpawala nang kanyang ngisi ngunit napalitan naman ito ng isang malawak na ngiti.
"Nayayabangan ako sa iyo ngayon."
"Wala naman akong ginagawa.Bakit nayayabangan ka sa akin?"
"Kasi yang ngiti mo.Para bang niyayabengannn mo akohh!Porket ba magaleng kehh kumanta ay ganyan ka na makangiti. Kanina pa ako naiinis sa ngiti mong iyan. Hindi natatanggal ang ngiti mo sa harap ni Centia,"pahayag ko na may masamang tingin. Muli akong humawak sa aking ulo nang makaramdam ulit ng matinding kirot.Napapikit ako dahil mas tumindi ang pagkahilo ko.






"Dala ba yan nang kalasingan mo o sadyang nagseselos ka lang?..... Sana nga ay nagseselos ka."
Napabalikwas ako nang upo at napahawak sa masakit kong ulo.Ano bang klasing panaginip iyon at paano ako napunta sa kwarto ko?Nabaling ang atensyo ko sa aking pinto nang bigla itong bumukas.
"Buti naman ay gising ka na. Sinong nagturo sayo na uminom?!Sa kalasingan mo kagabi ay nawalan ka nang malay."
"Ano po,ma?!Akala ko ay juice iyong nainom ko kagabi.Unang beses ko lang na uminom."
Kumalma ang tono ng boses ni mama at umupo sya sa tabi ko,"Ganun ba.Mabuti na lang ay sinabihan kami ng lalaking nagpakilala na kaklase mo. Ano nga bang pangalan nya?...Damascus. Sabi nya ay sya si Damascus,"seguro ay panaginip lang talaga na nakasama ko si Nem. Nakahinga ako nang maluwag,kung totoo iyon ay mahihiya akong humarap sa kanya,"Mabuti na lang din at kasama mo ang kababatang mong si Nem kagabi.Kung ibang lalake iyon ay napagsamantalahan ka na. Sa susunod Ejesci ay huwag ka nang iinom. Masyado ka pang bata para sa alak. Alamin mo muna kong ano ang iinumin mo,"dagdag nya pang paalala sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. Kong ganun ay kasama ko talaga sya! Hindi ko matandaan ang lahat nang nangyari.
"Narinig mo ba ang sinabi ko Ejesci?"
"Opo ma."







Para akong lutang na nakayuko sa aking arm chair.Patuloy pa ring gumugulo sa isip ko ang nangyari sa Debut Party noong isang araw. Sana ay hindi magtagpo ang landas namin.Nag-angat ako nang ulo dahil sa naramdamang tapik sa aking balikat,"Realonda?"nagtata
kang sabi ni Mercado nang may pagkalito sa kanyang tingin,"Kanina pa kita tinatawag."
"Sorry,di ko narinig.Anong kailangan mo?"
"Kanina pa sila nag-uwian.Anong oras mo balak umuwi?Gusto ko sanang sumabay sa iyo."
"Uuwi na ako ngayon,"nairita kong sabi sa kanya. Matapos makuha ang aking bag ay agad akong tumayo.Nang makalabas at makalayo sa mga kasabay na estudyante ay tiningnan ko nang may pagtataka si Mercado."Bakit ka sumusunod sa akin?"may inis sa tinig kong sabi,bahagya akong lumapit sa kanya upang ipakita na hindi ako natutuwa sa pagsunod nya sa akin."Ha?Kasi sabay tayong uuwi?"namimilosopong nyang sabi.
"Narinig mo bang pumayag akong sabay tayo?"
"Hi...Hindi.Pero-"
"Ayon naman pala eh.Edi wag kang sumabay,"galit kong sabi.Natigilan naman sya,halatang nagulat sa aking mga sinabi.Kumunot ang nuo nya at iritadong tumingin sa akin.
"May regla ka ba?Bakit ang sungit mo?Ay-oo nga pala.May regla ka palagi kasi lagi ka namang masungit,"may malawak na ngiti nyang sabi.
"Mercado!"sigaw ko sa kanya na kumuha ng atensyon ng mga estudyanting dumadaan.Sumeryuso naman ang muka nya matapos na marinig ang lakas ng aking boses.
"Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sa klase?Ang sabi ko ay ayaw kong magkaruon nang kaibigan.Ang ibig sabihin ay kahit sino sa klase ay hindi ko maaring maging kaibigan at hindi pweding makipag-usap sa akin,maliban na lamang kung tungkol sa school ang pag-uusapan."
"Oo,natatandaan ko."
"Kong ganoon ay ano ang ginagawa mo?"
"Sumasabay sayo sa pag-uwi.Magkapit-bahay tayo kaya normal lang na magkasabay tayo."
"Pilosopo ka ta-"
"Kong ayaw mo palang sumabay sa akin ay dapat sinabi mo noong una pa lang.Hindi yang bigla ka na lang nagagalit sa akin.... Oo nga pala,iniimbita ka ni Nem sa Birthday nya,"walang emosyon nyang sabi kasunod nang paglalakad palayo sa akin.Naiwan akong tulala.Ngayon ko lang nakita ang ugali na iyon ni Mercado.Marahil ay hindi ko lang talaga sya kilala.
"Birthday nya,bakit ako imbitado sa kaarawan nya?!Mercado?"
"Kasi kaibigan ka nya.Ano bang klasing tanong yan?"
"Matagal nya na akong hindi pinapansin"
"Edi magpansinan kayo ulit sa party.Akala ko ba ay ayaw mo akong kasabay?Bakit sumusunod ka sa akin,"Huminto sa paglalakad nyang pahayag at tinitigan ako nang matagal.
"Iisa lang ang daan natin kaya walang nakakapagtaka kong magkasunod tayo,"tugon ko sa kanya.Muli akong naglakad nang mabilis at nilampasan sya.Kainis!Ayaw kong makita si Nem.Bakit ngayon nya pa ako inimbitahan?!

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Nov 15, 2019 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Tranquil(On Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя