Kapitulo Apat

15 1 0
                                    

          
           Naging matagumpay ang pakiusap ng aking mga magulang sa Mayor. Ang kasunduan ay hindi idadamay  ang bahay namin at ang bahay ni Aling Martha sa proyekto. Ang tanging nais lang ng Mayor ay makilahok kami sa mga proyekto nyang gagawin sa aming baranggay,kung kakayanin ay tumulong din daw kami sa mga ito.Kahit paano ay sumaya ako sa balita. Ngunit nag-uumapaw pa rin ang lungkot sa akin. Kung sana ay nalaman ko lang ng maaga,baka sakaling naudlot ang paglipat ng aking mga kaibigan.

            
                

           Binalita ko ang mga nangyari kina Macedonia at Arie sa liham na aking pinadala sa kanila. Kahit hindi pa ako mahusay sa pag gawa ng liham ay gumagawa pa rin ako nito at humihingi ng tulong sa aking mga magulang. Madalas na sumasagot sila sa aking mga liham, nabasa ko sa mga sulat ni Arie na ubod ng ganda ang dagat na malapit sa kanila. Napaka linaw at matingkad ang kulay nitong asul. Dahil sa mga kwento nya ay para narin akong nakapunta sa Zambales. Si Macedonia naman ay lumipat sa Baguio,noong una ay madalas silang magkaruon ng sakit sa klima ng lugar. Noong lumaon ay nasanay na rin sila. Inilarawan nya ang ganda ng Banaue Rice Terraces, natakam ako sa paglalarawan nya ng mga strawberry. Dahil sa mga sulat nila ay nabawasan ang pangungulila ko sa kanila.





          Dumalang ang kanilang mga tugon sa aking mga liham. Umaabot ng dalawa o higit pang buwan bago sila makasulat sa akin. Isinawalang bahala ko ito,malaki kasi ang tiwala ko na kahit anong mangyari ay tutupad sila sa kanilang mga pangako. Marami na akong mga sulat sa kanila. Alam ko na binabasa nila ang mga ito.



            Dumating ang aking kinatatakutan. Wala ng tugon sa mga sulat ko. Taon na ang lumipas ngunit ni-isa ay wala akong natanggap mula sa kanila. Hanggang sa napagod na lang akong mag-sulat, sa tuwing kumikilos ng kusa ang aking mga kamay upang dumampot ng lapis at papel ay mabilis kong tinatapon ang mga ito palayo sa akin sa oras na ako'y matauhan. May mga gabi na umiiyak ako ng tahimik, nilalamon ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Sa tuwing pinapatay na ang ilaw tanda na oras ng matulog ay madalas na kusa na lamang bumabagsak ang aking mga luha. Tinatago ko sa kadiliman ang mga tangis at hikbi,nasa punto na pala ako na ayaw kong ipakita sa pamilya ko ang aking mga luha kahit dati naman ay madalas kong gamitin ang aking iyak upang pukawin ang kanilang pansin. Nagbago ang pananaw ko sa pag-iyak,ngayon ay kahinaan na ang tingin ko rito. Sinisi ko ang aking sarili,ako ang may kasalanan kong bakit hindi ko na kaibigan si Nem. Marahil nakulitan sa akin sina Macedonia at Arie kaya hindi na sila tumugon sa mga sulat ko. Iniisip ko kong bakit humantong sa ganito ang lahat. Ang hirap pa lang ibalik ang mga bagay na nakasanayan mo sa oras na mabago ang lahat ng mga pangyayari sa iyong paligid.



          Mabagal na lumipas ang mga araw na dumating,ganun pala talaga pag wala akong mga kalaro sa baranggay. Lahat kasi ng mga apektado ng proyekto ay maagang umalis,kabilang sa kanila ang mga matagal ko na ring mga kaibigan. Madalas ay mag-isa akong umaakyat sa mga puno na malapit sa aking tirahan. Hinahabol ng mag-isa ang mga paru-paro,kumakain ng Alateris ng walang kasama. Sa mga lumipas na lingo ay nalaman ko na masaya rin pa lang walang kalaro. Kahit may mga bagong kapit-bahay na lumipat ay di ko na tinangka na makipaglaro sa kanilang mga anak. Sa oras kasi na wala akong kasama ay wala rin akong kaaway o kaagaw sa mga laruan ko maliban sa aking mga kapatid. Kong may pagkain ako ay wala akong kahati kundi ang mga kapatid ko lamang na mga lalaki,marami pa ring natitira sa akin. Masaya sa pakiramdam ang nakasanayan kong katahimikan. Mabilis na akong naiinis sa oras na sobra ang ingay sa paligid. Ginugusto ko na rin na manatili sa luob ng aming tahanan,inuubos ang oras sa pagbabasa ng mga libro at panunuod ng telebisyon. Napagkamalan nga ako na baliw ng aking mga magulang sapagkat madalas akong tumatawa o umiiyak habang nagbabasa ng mga libro. Unti-unti kong niyakap ang bago kong katauhan. Pinangako ko sa sarili ko na sarado na ang pinto ko sa mga taong alam ko ay iiwan din naman ako sa bandang huli.

Tranquil(On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt