Kapitulo Una

16 2 0
                                    

              Naghintay ako ng ilang minuto para magawa ko ang nais.Kunwaring winalis ang kalat at nang nakalapit ay umakyat ako sa mesa.
              "Akala mo ha!Nakakainis ka,bagay sayo ito,"gigil kong sabi sa lalaking sinasabunotan.
               "Aray!Ano ba?!"galit na ang batang lalaki ngunit walang tatalo sa galit ko.
               Segundo lang ang lumipas nang matindi kong kapit.Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong classroom,sinundan ito ng mahinang daing."Yan na nga bang ang sinasabi ko,eh.Ang kulit mo kasi,"tiningnan ko sya nang masama. Bigo akong napayuko sa pagkapahiya,ang tanging nais ko lang naman ay gumanti sa pang-aasar ng lalaki.Wala sa isip ko na ako ay matatalo.
               Tumalikod ang aking kaaway at iniwan akong dinadaing ang sakit ng likod dahil sa pagkabagsak sa sahig.
               Ang iba pa kong kaklase ay inalis na ang tingin sa akin,na para bang walang nangyari.









                "Nakakainis talaga iyong Harold na 'yon!"Kumuyom ang aking kamao at nanlisik ang mata.
                "Sino si Harold? May bago kang kaaway Ejesci?"kunot-nuong sabi ng lalake kong kaibigan.
                "Kasi naman,eh!Lagi niya akong inaasar sa room."
                 Nagtaka ako nang mapansin ang makahulugang ngiti ng aking kaibigan.
                 "Anong ngini-ngiti mo?"patuloy pa rin ang pagngiti ng bata na lalong nakadagdag sa aking inis.     
                 "Baka may gusto sayo,kaya lagi kang inaasar?"Bumungisngis ang lalaki at binigyan ako ng mapang-asar na titig.
                 Namilog ang aking mata sa gulat,sinabayan ito nang pagbuka ng kanyang labi.
                "Tumigil ka nga Nem!"
                Tumayo ako at nag-pagpag ng aking short.Sa inis ko ay naglakad ako nang mabilis palayo sa kanya.
                "Uy!Binibiro lang kita.Hintayin mo ako.Paano itong baril-barilan mo?Ejesci!"Nagmamadaling sabi ni Nem.
                 Kaagad niyang dinampot ang dalawang laruan na baril at sinundan ako.








                   "Yumuko ka,tanga!"Hinila ko si Nem upang hindi kami makita ng ibang mga kalaro.
                   Luminga-linga ang isang batang lalaki,ano mang  gawin niyang paghahanap ay 'di niya makita ang mga kalaro.Sumenyas ako kay Nem,gamit ang mga daliri ay nag-bilang ako;kasabay ng pagbuka ng bibig at mahinang tinig. Sabay kaming tumayo matapos ang hudyat.Walang tigil naming pinaulanan ng bala ang kalaro gamit ang laruang baril.Napayuko ang lalaki at napatakip sa kanyang ulo.Ito ang aming hudyat para tumakbo.
                   'Di kalayuan sa amin ay may mga batang nagbabarilan,ang iba ay tumatakas. May iba na nagmamakaawa sa pagsuko.
                   Napatalon ang grupo namin ni Nem nang ibalita ang aming pagkapanalo. Bigong napakamot ng ulo ang ilan sa aming mga kalaro.Bumukaka kami at tumatawang tiningnan ang mga batang sumuot sa aming mga binti,ito ang parusa nang kanilang pagkatalo.Isang batang lalaki na may tamang tangkad para sa kanyang edad ang bumatok sa ulo ng kalaro,na sumusuot sa kanyang binti.
                   "Galingan mo sa susunod!"Tumatawa niyang sabi.



                   Masaya naming tinahak ang daan palabas ng damuhan na aming tinuturing na sariling palaruan.Lahat kami ay may ngiti sa aming mga labi.Maging ang mga talunan ay 'di matago ang saya.
                  "Aray!"Isang daing ang pumukaw ng aming atensyon.
                  Nataranta naming nilapitan ang batang kalaro.
                 "Si Ryan,natamaan ng bato,"puno ng kaba na sabi ng isa pang batang lalake.
                 Kumawala ang mahinang pag-iyak sa batang si Ryan.Hawak ang ulo na may bukol ay napatingin sya sa aming daanan.Mayabang na lumakad ang anim na batang lalaki palapit sa amin.Ang isang lalaki na may panyo sa ulo ay nakangising hinahagis ang maliit na bato sa kanyang palad.Muli nya itong hinagis at sinambot.
                  "Hoy!'Di ba kayo 'yong mga batang nambugbog sa kaibigan namin?!"maangas niyang sabi kasabay ng pagtangal ng tapis sa ulo.
                  "Kami nga,kalbo!Ano naman kong binugbog namin sya?"walang takot na sabi ng batang lalake na may katangkaran,dumampot sya ng bato.Tiningnan niya kami at ang aming mga kalaro at tumungo sa amin.Mayamaya ay buong lakas niyang hinagis ang bato sa mga kaaway.Mabilis naman silang umiwas.Lahat ay kumuha ng mga sariling bato at sumugod.Ang kanilang mga kaaway ay  nagtago sa malapit na talahiban.
                 May mga batang ibinaril kong saan ang laruang baril,umaasang tatamaan ang mga kaaway na nakatago. Mabilis akong kumilos nang makita ang ulo ng bata na leader nila.Hinagis ko ang hawak  na bato sa kalbong bata.Napahiyaw sa sakit ang lalaki,tumatawa kong kinalabit ang may katangkaran na batang lalaki at sumenyas na tumakas na kami. Bumawi muna sya sa lakaban,agad niyang hinagis sa kanila ang dalang bato at mabilis na sumunod sa mga kalaro. Mabilis kaming  tumakbo pauwi sa aming sariling bahay.Ang mga kaaway naman namin ay binato kaming muli ngunit hindi na kami naabutan pa.


                      Hawak ang aming mga dibdib,hinahabol man ang hininga ay kumawala sa amin ang mahinang tawa.
                     "Natamaan ko si kalbo!Nang makita ko ang ulo niya ay agad ko itong binato.Dalawa na ngayon ang ulo niya dahil sa bukol."Pagmamalaki ko kasabay ang 'di mapigil na tawa.
                     Seryuso na tumingin  sa akin ang may katangkarang lalaki.
                    "Dapat ay tumakbo ka agad pauwi.Nadamay ka tuloy,anong sasabihin ko kay mama? Magagalit siya sa atin,"seryusong niyang sabi.
                     "Ako nang bahala mag paliwanag kuya Jaro.Kayo! 'Wag kayong mag-kwento sa mga matanda."Tinuro ko ang lahat at ngumiti.Tumungo naman sila na may ngisi sa kanilang labi at sumunod sa utos ko.
                    Naglalakad kami na parang walang nangyari.Pilit naming itinago ang mga naganap,kahit bakas sa amin ang maliit na mga galos na kung hindi mabuting titingnan ay hindi mapapansin.Kung may nagtatanong naman ay tanging kasinungalingan ang aming sinasabi.Ang  nangyaring laro ang tangi naming palusot sa mga usesero at useserang mga magulang.

Tranquil(On Going)Where stories live. Discover now