Kapitulo Ikadalawa

5 1 0
                                    

                   Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng mahinang hangin.Bumuntong hininga ako,nababagot ako at inaantok.Unti-unti kong hinakbang ang mga paa,gusto kong matulog na lang.Nakarinig ako ng mahinang mga katok sa pinto,nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang matalik kong kaibigan na lalake.
                  "Ligo tayo sa ulan?!"masayang sabi ni Nem.
                   Nahawa ako sa magandang ngiti niya.Ang kaninang antok ay napalitan ng pagkasabik sa aming gustong gawin.
                   Ang umaagos na tubig sa kalsada na tumatalsik sa oras na ito'y tapakan ko.Ang batang kaibigan na nakangiti sa akin,ang magaan sa pakiramdam na ulan.Wala na yata akong mahihiling pa sa oras na ito.Ang alam ko lang ay masaya ako sa oras na kasama ang batang kaibigan.Puno ng halakhakan ang paligid,lumakas ang tawa namin nang mabasa sa inaapakang tubig sa kalsada.Sinadya ko na lakasan ang apak sa tubig,gusto kong mabasa si Nem.Gumanti naman ang lalaki sa aking ginawa.Kasabay ng asaran at habulan sa ulan ay walang tigil naming tawanan.Natigilan ako nang huminto sa pagtakbo ang aking aking kaibigan at kinausap ang isang batang babae,sya ang kaklase ni Nem.Isang batang babae na may maikling buhok at maputing kutis.
                   "Oo,ginawa ko na ang assignment natin.Ikaw ba?"sagot ng lalaki sa tanong ng kamag-aral.
                   Nag-uusap ang dalawa na tila wala ako sa kanilang harapan.Sumulyap ang babae sa akin pero hindi niya ako pinansin.Hindi ko malaman kong bakit ko inihakbang ang mga paa palayo. Dumadampi ang ulan sa aking balat,tumatalsik ang tubig na aking inapakan.Ngunit ramdam ko ang matinding lungkot,hindi ko malaman kong saan ito nanggaling,ang tanging alam ko lang ay dapat akong makalayo sa kanila.




                    Niyakap ko ang aking tuwalya,nakasulyap sa ulan at nakatulala.Umihip ang malamig na hangin kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa tuwalya. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako,binalot ako ng lungkot.Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng matinding lungkot kahit nakasama ko si Nem.
                    Habang pinapanuod ang ulan ay naalala ko ang mga nangyari sa lumipas na mga araw.Nalala ko kong paano ako yumuko at nagtago ng marinig ang balita na lumipat na ang matalik na kaibigang si Nem.Malapit lang ang nilipatan niya ngunit may lungkot pa rin akong naramdaman.
                  Naalala ko kong paano ako tumungo nang tanungin ako ng aking mga kaibigan sa aking nararamdaman para sa lalaki. Hinahangaan ko si Nem,alam kong totoo ang paghangang meron ako. Ang bait niya kasi at masayang kasama. Pakiramdam ko ay kulang ang mga oras na kasama siya, mabilis natatapos ang isang araw sa tuwing kami ay naglalaro. Ang paghangang aking nararamdaman ay mahirap unawain. Masyado pa akong bata para maipaliwanag at lubusang maunawaan ito.
                  Naalala ko kong paanong hindi nagbago ang pakikitungo niya kahit na alam nyang hinahangaan sya ko siya.Kahit na lumipat na ang lalaki ay patuloy pa rin  kaming naging mag kaibigan.
                   Ngayon ay doble ang lungkot ko nang malaman na hindi niya ako sinundan.
                  Mula noon ay hindi na kami nagpansinan.Alam kong ako ang may kasalan,alam ko ring iba na ang damdamin ko para sa kanya. Ano nga ba itong nararamdan ko? Hindi ko alam. Basta, ang gusto ko ay lumayo sa kanya. Kaya minabuti kong magbigay ng distansiya,may mga pagkakataon na gusto pa ring makipaglaro ni Nem, ako nga lang ang gumagawa ng paraan para malayuan  siya. Nagtayo ako ng pader sa kaibigan,pader na nabuo dahil nasaktan ako.








                   Inabot ko ang sanga ng puno,inapakan ang isa pang sanga at sa wakas ay narating ko ang tuktok ng puno.
                  "Ejesci,pahingi ako ng Alateris,"pagtawag ng batang babae na isa sa aking mga kaibigan.
                  Sya si Macedonia,ang isa sa mga bata kong kaibigan. May lampas na hanggang balikat siyang buhok, may maliit at bilugan na mata,payat ang kanyang katawan. Nakilala ko ang babae nang bagong lipat sila sa Cavite.Isa siya sa mga kapit-bahay ko at kaibigan namin ni Nem.
                  Inuga ng isa pang babae ang puno,tumawa siya nang makitang mamutla ako dahil sa takot at nagsisigaw.Mas mataas ang kinalalagyan ko kong ikukumpara sa kanya. Nakangiti niyang kinain ang bunga ng puno na kanyang inabot,humigpit ang kapit niya sa puno sa takot na gumanti ako sa kanyang ginawa.Takot syang masugatan at mapagalitan ng magulang sa oras na malaglag sa puno.
                   "Arie!"galit kong bulyaw.
                   Si Arie ang pinaka bata sa mga kaibigan ko.Anim na taong gulang lang ang babae,samantalang si Macedonia ay sampung taong gulang. At ako naman ay walong taong gulang lamang.
                    Maikli lang ang manipis na buhok ni Arie na hanggang balikat. Singkit ang mata, at payat ang katawan. Hindi kasi malakas kumain katulad ni Macedonia.                    
                    Pinaghatian namin ang mga bunga ng puno na aming nakuha.  At umakyat sa isang mataas na pader upang doon kumain.
                   "Sci,anong balak mo sa oras na makatapos ka ng pag-aaral?"tanong ni Arie sa akin habang kumakain ng Alateris.
                  Makalat kumain ang bata,tumulo ang katas ng prutas sa kanyang pisngi at ang maliliit na buto ay nagkalat sa kanyang damit.
                  Kibit-balikat lang ang tugon ko.Napaisip ako sa tanong ng kaibigan,ang totoo ay wala pa talaga akong naisip na gagawin.Gusto ko lamang na makatapos ng High School.
                   "Ako,gusto ko na mag-asawa agad,"nakangiting sabi ni Macedonia.
                   Bumuka ang labi ko dahil sa narinig.Samantalang nabitawan naman ni Arie ang kanyang kinakain.Tiningnan namin ang kaibigan na para bang nababaliw na sya sa kanyang sinabi.
                  "Totoo?!"sabay naming sigaw.
                   Tumungo ang batang babae na may determinadong tingin sa amin. Kilala namin sya na mahilig sa Romance stories at movies,marami na syang nagustuhan na lalaki sa murang edad.Ngunit 'di namin naisip na seryuso talaga siya sa kanyang sinabi.
               "Yuck!Mace,"nandidi
ring sabi ko na pinagtakahan nila.
               "Anong nakakadiri?"kunot-nuong tanong ni Macedonia. 
               "Pag nag-asawa ka,ibig sabihin ay hahalikan mo sya.Ya-ya-kapin,ha-hap-lusin.At ..... at,"mautal-utal na sabi ko.
                Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan,hindi ko magawang ituloy ang nais kong sabihin.Namumula akong umiwas nang tingin sa mga kaibigan.
                "Ano 'yon,Sci?"nagtatakang tanong ng nakababata naming kaibigan.
                "Wa-la 'yon!"mautal-utal na bulyaw ni Macedonia.
                Hindi sya makatingin ng tuwid kay Arie.Ang batang babae ay inosenti kaming tiningnan,hindi niya malaman kong bakit biglang nag-iba ang kilos namin. Sinulyapan niya ako na  nakayuko,pilit kong tinatago ang namumula kong  pisngi. Nag-angat lang ako ng tingin nang ibato ni Macedonia ang isang bunga ng Alateres sa akin. Nakatingin sya nang masama.Nagtitigan kami nang makahulugan na lubos na ipinagtaka ni Arie.
                Mayamaya ay biglang tumalon pababa si Ejesci at tumawa ng malakas.
               "Ang sinasabi ko Arie ay–"natigil ako sa pagsasalita nang muli akong binato ni Macedonia ng mga Alateris.        
               Bumaba ang babae at hinabol ako.Sumunod din si Arie at hinabol kami,patuloy niya paring tinatanong kong anong sinasabi ko.
                "Iyong kasunod sa haplos ay–"muli kong hindi naituloy ang gusto ko na sabihin.
                Pinaulanan ako ng Alateris ni Macedonia kaya tumakbo ako nang mabilis.
                "Ejesci!"
                 Natigil ako sa pagtakbo nang marinig ang pagtawag ng aking pangalan.Kahit na matagal ko ng hindi narinig ang pamilyar na boses ay kilala ko pa rin kong sino ang may ari ng tinig.
                Bumangga si Macedonia sa akin dahil sa biglaan kong paghinto.Kumakamot sa ulo niya akong tiningnan,maging si Arie ay sumalyap sa akin.Ikinabigla nila ang seryuso kong awra.
                 "Nem,"maya-maya ay mahina kong sabi.

Tranquil(On Going)Where stories live. Discover now