Kapitulo Lima

5 0 0
                                    

Naglakad ako nang mabilis sa oras ng uwian upang makalayo sa aking mga kaklase. Nang madaan ko sila ay narinig ko ang bulungan nila na halata namang ako ang pinag-uusapan.  Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.  Umagos ang pawis sa aking muka,ang init ay nanunuot sa aking balat. Pakiramdam ko ay nanlalagkit ako. Ang sinag ng araw ay masakit sa balat. "May kalayuan dito ang ating bahay kaya iniligay ko sa bag mo ang iyong payong,mainit maglakad."
Oo nga pala! Mabuti na lang ay naalala ko ang bilin ng aking tatay. Huminto ako sa paglalakad at hinanap ang payong sa aking bag. Nang makita ko ang payong na ang kulay pala ay asul; agad ko itong binuksan. Nagmadali akong maglakad sa gilid nang kalsada patungo sa malayo kong bahay. Ang likod ng aking uniform ay basa na, maging ang panyo na paulit-ulit kong pinunas sa aking pawis ay ganun din.
Sa labis na init ay ginamit kong pamaypay ang panyo. Natigilan ako nang may mabangga ang aking bukas na payong dahilan upang iangat ko ang aking tingin sa aking katabi.
"Miss Loner," may tipid na ngiti sa labi na sabi ni Mercado. Tiningnan ko lamang sya nang saglit bago muling ihakbang ang aking mga paa. "Miss Snobber din pala," bulong nyang sabi.  Minabuti kong ituon na lamang ang aking atensyon sa mga nadadaanang bahay at sa mga taong o mga bagay na aking nakikita. Hindi ko naman obligasyon na pansinin ang mga taong kilala ako katulad nya.






Sa tantiya ko ay labin-limang minuto na ang lumipas ngunit tila napakalayo ng bahay. Binabalot na ako ng inis dahil sa init ng panahon. Ang ingay ng pagkanta ni Mercado sa likod ko ay lalong nakadagdag sa aking inis. Ang boses nya ay nagpapainit ng aking ulo,sintonado syang kumanta;ang kanyang pagbirit ay wala sa lugar. "Mercado," may inis kong sabi na nagpatigil ng kanyang pagkanta,"Bakit mo ako sinusundan?" Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hinihintay ang kanyang sagot nang hindi lumilingon sa kanya.
"Ako? Paano mong naisip na sinusundan kita?"
"Kasi hanggang ngayon ay kasunod pa rin kitang naglalakad."
"Yeah right,stalker mo ako," may sarkasmo sa tinig nyang sabi. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya. Tiningnan ko sya nang may naniningngkit na mga mata,ngumisi naman sya sunod ay nilampasan nya lang ako. Ano bang problima nya? Teka,mukang ginagantihan nya ang hindi ko pagpansin sa kanya kanina. Tumagal pa nang sampung minuto ang paglalakad ko nang makarating ako sa kalsadang nasa harap ng aking bahay. Taka kong tiningnan si Mercado nang mapansin na nasa tabi ko pa rin sya na huminto rin. "Ano bang-" natigilan ako sa aking nais na sabihin nang tumalikod sya at naglakad patawid sa kalsada. Huminto sya sa gate ng isang bahay na katapat lamang ng aking bahay,
sandali syang tumingin sa akin bago pumasok. Kong ganun ay nakatira sya sa bagong gawang bahay na iyon. Ang malas ko naman dahil kapit-bahay ko ang kaklase ko.






Nakangiti kong dinidiligan ang mga halaman sa aming bakuran,tinagalan ko nang ilang segundo ang hose ng tubig sa bagong buka na bulalak. Lumawak ang aking ngiti nang matapos kong diligan ang mga halaman,masaya talagang pagmasdan ang mga nagagandahan bulaklak. Umupo ako sa tapat ng pulang Rosas,madalas kong pagmasdan at alagaan ang aking mga tanim sa tuwing walang pasok sa paaralan. Isang lingo na ang lumipas matapos ang unang pasukan.
Tinanggal ko ang mga tumutubong damo sa tabi ng mga bulaklak,natigilan lamang ako sa aking ginagawa nang biglang may bumagsak na pulang bola sa tanim kong Rosas. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang malaking sira sa halaman.
"Lagot ka Damascus. Napalakas ang sipa mo sa bola."
"Hindi ko iyon sinasadya,"
rinig kong usapan ng dalawang lalaki sa tapat nang aming bakuran. Sunod ay nakarinig ako ng mga katok sa aming gate. Dinampot ko muna ang bola bago binuksan ang pinto,matalim kong tiningnan ang lalaking nasa harap ko. "Ahh... sor-ry Realonda. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Pwede ko bang makuha ang aking bola?" mautal-utal na sabi ni Mercado,hindi sya makatingin sa akin nang tuwid. Pilit kong pinigil ang aking galit,humigpit ang hawak ko sa bola kasunod nang mabilis kong pagpikit upang kalmahin ang aking sarili.
"Nem,ano bang ginagawa mo dyan?Tulungan mo akong bawiin ang bola," dagdag nyang sabi. "Saglit lang,tinatapos ko ang pagtali sa aking sintas-" nang nag-angat ng tingin si Nem ay natigilan sya nang magtama ang aming tingin. Paminsan-minsan ay nakikita ko sya noon ngunit hindi na kami nag-uusap dahil hindi na kami mag-kaibigan.
Pinagmasdan ko ang kabuoan nya. Mas naging makisig sya, kita ang gulat sa maliit na habilog (oval) nyang mga mata na may kulay itim na balintataw (pupil), napaka tangos pa rin ng kanyang ilong na bumagay sa hugis brilyante nyang muka na may manipis na pisngi. Ang kanyang labi ay manipis din na may natural na pula. Sa tingin ko ay mas pumuti ang kanyang balat kumpara noon. Nang tumayo sya ay hinangin ang maikli at maganda nyang buhok. Kapansin-pansin din na mas tumangkad sya,sa tingin ko ay nasa 5'8 na sya ngayon
at naging matipuno ang kanyang katawan. "Sorry Sci,maharot kasi si Damascus kaya tumalsik ang bola," rinig kong sabi ni Nem na nagpakurap sa aking mga mata,natulala pala ako;mabuti na lang at di nila napansin ang tingin ko sa kanya. "Ito yung bola,sa susunod ay wag kang maglalaro nyan sa tapat ng bakuran namin. Natamaan mo ang bagong bukadkad na Rosas ko. Matagal kong iningatan iyon...di bale na nga," may inis kong sabi matapos nang pag-abot ko ng bola kay Mercado. "Salamat!" sabay na sabi nilang dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako,wala na akong magagawa sa nangyari. Kahit magalit ako sa kanila ay di maibabalik ang Rosas na nasayang. Napatingin ako kay Nem,ang mga mata nya ay may lungkot na nakatingin din sa akin. Bakit ganun sya makatingin?





Nang sumapit ang hapon ay muli kong diniligan ang aking mga halaman. Dismayado kong pinagmasdan ang aking tanim na Rosas. Nanghinayang ako sa mga  nabaling bulaklak kaya itinabi ko ito. Ngayon ay naisipan kong isabit muna ang isa sa aking tenga. Napangiti akong muli nang maalala ang ayos ko sa salamin noong isabit ko ito. Bumagay ito sa suot kong light pink na floral dress para sa pupuntahan kong pagdidiwang ng isang kaarawan. "Mahilig ka nga talaga sa mga halaman,"rinig kong sabi ng isang lalaki na dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong hose. Napalingon ako sa kanya,nakangiti nyang kinamot ang ulo habang ang isang kamay ay may hawak na taling pinagsasabitan ng isang malaking paso. May laman itong halaman na puting Rosas. "Sorry kung hindi ako nagpaalam. Pumasok ako nang makita na nakabukas ang gate. Halata ang galit mo kanina kaya dumaan ako dito para palitan ang nasira kong halaman,"dagdag nya pang sabi. "Ganun ba. Alam mo,di mo naman kailangang palitan iyon,"tugon ko sa kanya. Muli kong dinampot ang hose ng tubig at itinapat ito sa mga halaman na hindi ko pa nadidiligan.
"Obligasyon kong palitan ang nasira ko. Nasabi ni Nem na mahilig kang magtanim kaya naisip ko na palitan. Isa pa,mukang di na mabubuhay yan dahil sa lakas nang pagkatama ng bola."
"Anong pa ang kangyang mga naikwento?"
"Sabi nya ay iniiyakan mo daw ang mga namamatay o nasisirang halaman. Kinulit nya nga ako na bumili ng bago. Close pala kayo ni Nem,"tumatawa nyang sabi.
Tinapos ko ang pagdidilig ng mga halaman,sunod ay pintay ko ang gripo ng tubig at inayos ang hose. "Salamat sa Rosas," inabot ko ang dala nya nang may pagtataka sa kanyang tingin sa akin. Nakatulala sya sa akin na para bang bigla na lang syang natigilan.
"May problima ba Mercado?"
"Ha?Ahh.... wala naman. Mauna na nga pala ako,"namumula nyang sabi kasunod nang mabilis nyang paghakbang palabas. Kunot-nuo kong sinundan nang tingin ang paglabas nya sa aming gate.
"Nak. Ano pang ginagawa mo,handa ka na ba? Aalis na tayo."
"Opo pa,tinapos ko lang ang pagdilig ng halaman. Nasaan na po si mama?"
"Nasa luob na ng Jeep,sumunod ka na rin."







Nakakamangha ang mga dekorasyon sa pinaggaganapan ng kaarawan. Ang theme ng dekorasyon ay Winter Session,halos lahat ng nasa paligid ay puti.  Maraming bisita na naggagandahan ang mga suot,maging mga pagkain ay marami na sadyang pinaggastusan. Ikalabing-walong kaarawan ito ng anak ng malapit na kaibigan ni papa,ayaw ko nga sanang pumunta kaso pinilit ako kahit hindi ko naman kilala ang may kaarawan.
"Masaya ako na nakarating kayo. Ohh!Dalaga na pala ang iyong anak. Ang ganda mo iha. Manang-mana ka sa kagandahan at kakisigan ng iyong mga magulang,"nakangiting papuri ni Manong Javier na ama ng may kaarawan. "Nako! Saan pa ba magmamana ang aking anak.Syempre ay sa ama nya," malawak ang ngiting sabi ng aking ama na nagpatawa sa kanyang kaibigan. Kahit kailan talaga ay mayabang si papa. Buti na lamang ay hindi ko namana ang kanyang kayabangan.
"Good afternoon ladys and gentleman. Sana ay nalilibang kayo ngayon. Uunahin muna natin sa program ng Debut Party ang evening prayer,"magiliw na sabi ng baklang emcee. Nagtuloy-tuloy ang bawat programa sa party sa lumipas na oras,kahit papaano ay nawala ang pagkabagot ko dahil sa panunuod ng mga kaganapan. Kanina pa ako kating-kati na umuwi pero di ako pinapayagan ng aking mga magulang.
"And now,lets proceed to the 18 Roses of the debutant. Calling for the first dance of Ms. Centia. Ayun!Mr. Damascus Mercado is the first dance," anunsyo ng emcee. Agad akong nag-angat nang tingin upang kumpirmahin kung tama ba ang pagkakarinig ko sa pangalan ni Damascus.
Maganda ang ngiti nya na yumuko sa may kaarawan sunod ay inabot nya ang hawak na pink na Rosas sa babae. Mas lumitaw ang kakisigan nya sa suot na black suit na pinailaliman nya ng blue polo at ang pang-ibaba nya ay black pants. "Si Damascus ay isa sa mga malapit na kaibigan ng ating debutant. Nagkakilala sila sa isang badminton contest ng kani-kanilang school,nang naglaon ay naging magkaibigan sila. Libangan nilang dalawa ang badminton at hiking..." habang nagsasayaw ay patuloy na nagsasalita ang emcee,pinapaliwanag nya kong paano naging malipit ang dalawa. Nag-uusap sila Damascus at Centia,madalas ay nagtatawanan sila habang nagsasayaw sa kantang Just The Way You Are ni Bruno Mars. Biglang nagtama ang aming tingin ni Damascus nang mapatingin sya sa gawi ko,noong una ay nagulat sya ng makita ako ngunit nang naglaon ay ngumiti sya sa akin na tinugunan ko naman ng isang tipid na ngiti.
Nagpatuloy pa ang pagsasayaw ni Centia sa ibang kasama sa 18 Roses. Halos lahat ay maitsurang lalaki o di naman kaya ay mga gwapo ang kasayaw nya na kong hindi nya kamag-anak ay kaibigan nya naman.






Isinalang na ang kanta para sa last dance na nagpatigil sa akin sa paglalaro ng tira kong pagkain sa plato.Ang kantang iyon. Bakit ba sa lahat nang kanta na para sa last dance ay iyan pa ang napili nila. "Ang now! Let me introduce the last dance of our beautiful debutant.Also know for his nickname 'Nem',Mr. Nehemiah Bueno.  Nagsabi sya sa amin na sya ang kakanta ng last song for the last dance...."  Kasabay ng pagpasok nya sa gitna ng stage na kinatatayuan ni Centia ay pagkalaglag ng tenedor na hawak ko.

Tranquil(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon