I

6.2K 128 95
                                    

“You play with dolls. You don’t have a girlfriend. You’re gay.”

Those were the exact words that left his mouth. Right there and then I knew that we were never going to be in good terms. To think that we’re even cousins.

It was during the last week of April nang magtungo kami sa ancestral house ng lolo ko sa Batangas. Magkakaroon kasi ng family reunion sa May 5. Siyempre excited ang lahat pati na ako. Sabi daw kasi, uuwi din daw ang mga pinsan ko galing US. Kasama doon ang sinasabi nilang kamukha ko daw na hindi naman. Swear ang layo talaga ng itsura namin sa isa’t isa.

I packed my things para sa pang-isang buwang bakasyon. Pero sadly, pinaiwan nina mama at papa ang kalahati ng mga gamit ko. Hindi na daw kasi magkakasya sa kotse. Ano kaya ‘yon? Hindi na nga ako nagdala ng maraming stuffed toys eh! Pili nga lang sila eh! Ang dinala ko lang ay sina Kon, Kleng-Kleng, Klang-Klang, Cha-Cha, Mik-Mik, Pen-Pen, San-San, Ming-Ming, Pat-Pat, Tan-Tan, Nog-Nog tsaka si Bong-Bong.

“Chan-Chan baby, magbabakasyon lang tayo ha! Hindi tayo maglilipat ng bahay. Iwan mo ang mga iyan,” sabi ni mama.

“Pero Ma, I need them!” Lumingon-lingon ako. Nang mapagtanto kong wala si Papa sa paligid, ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko. “Sino ang mag-aalaga sa kanila kung wala ako?”

“Hay nako baby, babalik  naman tayo eh! Iwan mo na ang mga iyan.”

“Ma, please!” I pleaded.

“Ano ‘to? Ba’t ang daming stuffed toys dito sa kotse? Chan-Chan!” tawag ni papa. Agad naman akong lumapit. “Iwan mo ang mga ito. Ang sikip-sikip na nga sa kotse eh.”

I looked at mama at binigyan niya ako ng isang I told you so look. Wala na akong nagawa. Pero siyempre, dinala ko pa din sina Kon, Klang-Klang at Kleng-Kleng. Hindi na rin naman umalma si Papa. Nakakainis kasi bakit pa kailangan iwan ko sila diba? Pwede namang gawan ng paraan eh!

Two days after naming makarating ng Batangas, lumuwas sina papa at lolo ng Maynila. Paparating na kasi ang tito at ang pamilya niya galing US. Actually, nae-excite din naman ako. Siyempre, new faces. New family members. At for the first time in my life, makikilala ko ang mga lalaki kong pinsan. Oo, mga lalaki. Dalawa kasi ang anak na lalaki ni tito Arnold. Ang panganay at ang pangalawa niyang anak ay parehas na lalaki. Tapos, babae naman ang bunso.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng The Good Spy Young nang dumating sina lolo at iba pa. Alam kong dumating sila kasi nakita ko ang kotse na pumasok sa gate. Sa tabi kasi ako ng bintana nakaupo sa ikalawang palapag at kitang-kita ang harap ng bahay mula sa puwesto ko.

Kating-kati na akong bumaba para makita ang mga bagong salta pero nahihiya ako. Baka mamaya isipin ng mga bagong dating na ngayon lang ako nakakita ng galing ibang bansa. Hihintayin ko nalang na tawagin nila ako. Besides, nae-excite na ako sa gagawin ni Cammie. Counter surveillance for the win!

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko itong bumukas. "Chan-Chan baby, baba ka na. Dumating na sila. Naku! Kamukhang kamukha mo ang isang pinsan mo. Magkakasundo kayo I'm sure." Ano ba? As if naman totoong kamukha ko 'yon. Nakita ko naman sa mga pictures. At I can safely say na hindi talaga.

A Man's Life [Season Two]Where stories live. Discover now