Part 6

15.2K 360 9
                                    


TUMAAS ang mga kilay ni Ted nang mapansing tila hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat si Anje habang nakatingin sa kanya. Na para bang hindi nito alam na naroon siya. Hindi ba sinabi ng mga magulang nito rito na uuwi rin siya sa Pilipinas?

"Are you surprised to see me?" tanong niya rito.

Kumurap ito at tila nakabawing itinikom ang bibig. Saglit na niyuko nito ang piano at nang muli itong tumingin sa kanya ay kalmado na ang ekspresyon sa mukha nito. "Hindi nabanggit ni Mama sa akin na uuwi ka rin ngayon," sagot nito sa kaswal na tinig; na para bang hindi maraming taon ang nakapagitan mula nang huli silang nagkausap nang harapan. O nagkausap. period.

Pagkatapos ay ngumiti ito na hindi umabot sa mga mata nito. "Long time, no see."

That bothered him. Sanay siyang nagre-reflect sa mga mata nito ang lahat ng emosyon nito. Kapag naiinis ito noon, nakikita niyang nag-aapoy rin ang mga mata nito. Kapag natutuwa ito ay tila sumasayaw ang mga mata nito. At nang nagluluksa ito, umiyak ito nang umiyak na walang pakialam sa iisipin ng iba.

But now, he could not read any emotion in her eyes.

Nagkunwari siyang hindi iyon napansin dahil tiyak na iyon ang gusto nito. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at dumeretso ng tayo. "Yeah. It has been a long time," pagsang-ayon niya.

Katulad ng kanina pa niya ginagawa bago niya ipinaalam dito ang presensiya niya ay pinagmasdan uli niya si Anje. Kahit palagi niyang nakikita ang mga larawan nito ay nasorpresa pa rin siyang makita kung gaano kalaki na ang ipinagbago nito mula noong huli silang nagkita. Sa sobrang laki, pakiramdam niya ay noon lang niya ito nakilala.

Mas matangkad na ito ngayon, mas mature, mas maganda. Her body was now curvy compared to when they were kids. Nakikita iyon sa kabila ng simpleng jeans at T-shirt na suot nito. Walang bahid ng makeup ang mukha nito ngunit wala pa ring sinabi ang mga babaeng nag-aayos sa mukhang iyon. And she might not be as elegant as the women he had met in Europe, but there was something about the way she carried herself that drew everyone's attention. She had a superstar's charisma that stars like her possessed.

Kahit sinabi niya na kahit ano pa ang mangyari ay ito pa rin ang sampung taong gulang na batang babaeng nakilala niya noon, pakiramdam niya ay nalunok niya ang paniniwalang iyon. Dahil kahit anong pagmamasid ang gawin niya mula pa kaninang nagtungo siya roon sa music room nang marinig niya ang tunog ng piano ay hindi niya makita rito ang batang babaeng nakilala niya noon.

This woman was a stranger.

"Kasama mo bang dumating sina Mama?" biglang tanong ni Anje.

Umiling si Ted. "Dapat ay mauuna pa sila sa akin pero wala pa sila," sagot niya.

"Baka delayed ang flight nila," wika nito. May nahagip siyang kakaiba sa tono nito. Takot?

Napatitig siya sa mukha nito nang mapagtanto kung ano ang iniisip nito. "They will be okay," he said quietly.

Kumurap ito at sumulyap sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at sa kabila ng lahat ay tumaas ang sulok ng mga labi niya sa pagpipigil na mapangiti. This woman was not a stranger after all. Dahil kung oo, hindi sana niya nababasa ang iniisip nito na gaya ng madalas niyang nagagawa noong mga bata pa sila.

"Paano ko nalaman kung ano ang naiisip mo, that's what you're thinking, right?" tanong niya rito. Umawang ang mga labi nito. "Nakakabasa ba ako ng iniisip ng ibang tao?" patuloy niya.

Tumikom ang mga labi nito at naningkit ang mga mata. "Hindi ba?" sa wakas ay tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Maybe I just know you well. Higit pa sa akala natin."

WILDFLOWERS series book 3: First Love's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon