Part 16

14.8K 363 11
                                    


"YOU ARE very lucky."

Ted didn't feel lucky anymore. Sa katunayan, pakiramdam niya ay isinubo niya ang sarili sa isang malaking torture nang gawin niya ang deal niya kay Anje. Nang puntahan niya ito sa hotel ng mga ito upang kausapin, ang akala niya ay bumalik na siya sa normal. Ang akala niya ay hindi na siya magkakamalisya rito. But just one look from her and the memory of her body came to mind again. Nagawa niyang kalmahin ang sarili hanggang sa makalapit siya rito at sa mga kabanda nito. Ngunit nang hawakan nito ang braso niya ay para siyang sinilaban, lalo na nang hawakan nito ang kamay niya noong nasa restaurant na sila.

Nang gawin nito iyon ay sandaling nawala si Ted sa sarili. He never thought it felt good to hold her hand like that. And the biggest torture of all was when he could not help but look at her lips. Napansin niyang kapag nag-iisip ito ay kinakagat nito ang ibabang labi nito. He ached to lean forward and taste it, it ached so much that it hurt.

Ted blamed everything on his hormones. Pakiramdam tuloy niya ay gumagawa siya ng isang malaking pagkakasala dahil lang naaapektuhan siya nito nang ganoon. Lalo na nang mag-dinner sila kasama ang mga magulang nito isang gabi bago sila lumipad pabalik sa Europa. Bago pa man ang hapunan na iyon ay napag-usapan na nila ni Anje na ipapakita sa mga magulang nito na over-attentive sila sa isa't isa. But he ended up staring at her all throughout dinner not because it was their plan but because he realized again and again how beautiful she was. How did she grow up from an adorable kid into this beautiful woman that he felt he was seeing for the first time?

Nang matapos ang dinner ay nagboluntaryo siyang ihatid si Anje sa hotel nito. Pinakiramdaman niyang mabuti ang mga magulang nito kung may napapansin na ang mga ito. Ngunit tulad ng dati ay parang bale-wala lamang sa mga ito ang lahat. Mukhang ni hindi sumasagi sa isip ng mga ito ang posibilidad na magkakamabutihan sila ni Anje. Kunsabagay, kahit siya ay hindi sumagi sa isip iyon. Kung hindi lang siya naging desperado, malamang hindi niya maiisip magkunwaring may namamagitan sa kanilang dalawa. After all, he never saw Anje that way.

That was why it was so frustrating that he was practically lusting over her now. Damn it.

"Okay na ako rito. Huwag ka nang bumaba," biglang sabi nito nang huminto ang taxi na sinasakyan nila sa underground parking lot ng hotel nito.

Kumurap si Ted at bumaling dito na nabuksan na ang pinto sa side nito upang bumaba. Mabilis siyang kumilos at nakaibis na ng taxi kasabay nito. Saglit na tila nagulat ito, pero mayamaya ay ngumiti rin.

"Maaga ang flight ninyo bukas kaya huwag mo na akong ihatid. Umuwi ka na."

Bumuntong-hininga siya at lumakad palapit kay Anje. Tinitigan niya ito. "Fine. 'See you in a few weeks," wika niya rito.

Tumango ito. Pagkatapos ay tumiyad ito at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. Natigilan siya at napatitig lang dito nang ngumiti uli ito.

"Bye." Pagkasabi niyon ay mabilis na itong tumalikod at nagtungo sa elevator. Pumasok na ito roon.

Sumara na ang elevator pero hindi pa rin nakakakilos sa kinatatayuan si Ted. He could still feel the light touch of her lips against his skin. Marahas siyang bumuntong-hininga. Damn.

ISANG linggo pa lamang nakakabalik sa New York si Anje at ang buong banda niya ay balik-trabaho na agad sila. F-in-inalize nila ang mga awitin nila sa tulong ni Adam. Pagkatapos ay sunod-sunod na meeting ang kinailangan nilang gawin para sa preparasyon ng recording at promotion ng album nila. Bukod doon ay nagpaplano na rin ng world tour concert ang music label nila para sa kanilang anniversary na kasabay ng pagre-release ng album nila.

Pulos trabaho lang ang ginagawa nilang lahat. Maliban kay Ginny na masuwerteng nakakahanap ng oras na maka-date si Adam. Palibhasa ay magkalapit lang ang mga ito. Si Stephanie naman ay palagi niyang nakikitang ka-Skype si Oliver.

WILDFLOWERS series book 3: First Love's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon