Part 25

13K 301 5
                                    

MAY MGA nagsasabi noon kay Anje na ang kasunod ng sobrang kasiyahan ay trahedya. Hindi siya masyadong naniniwala roon dati. Ngunit ngayon naniniwala na siya. Tama siya ng pakiramdam kagabi. Na kapag nagising siya kinabukasan ay para siyang magigising mula sa isang magandang panaginip. Hayun sa harap niya ang galit na galit na si Rob. Hayun ang pakiramdam na gustong bumaligtad ng sikmura niya sa tensiyon.

"I can't believe this! You really have to be in a scandal right before your world tour!" nanggigigil na sigaw ni Rob. Inihagis pa nito sa center table ang sangkaterbang tabloids na sa lakas ng impact ay napangiwi siya.

Nagising si Anje sa malakas na pagtawag ni Rob sa pangalan niya kani-kanina lang. Hindi pa man niya ito nakikita alam niyang may malaking problema na siya ang may kagagawan. At ngayon ay kulang na lang ay sumampal sa kanya ang mga larawan nila ni Ted na naghahalikan sa gitna ng hallway sa lahat ng tabloid na nasa mesa. At malamang iyon ang nakikita ng milyon-milyong tao sa Amerika. Sigurado rin siyang nasa Internet na rin ang mga iyon kaya tiyak na maging ang mga tao sa iba't ibang bansa ay nakikita iyon.

Maging ang mga magulang niya.

Mauuna pa iyong makarating kaysa sa mga taong nakasalamuha niya sa party kagabi. Mauuna ang mga larawang iyon na magbigay ng ideya sa mga ito kung ano ang namamagitan sa kanila ni Ted.

Pumikit nang mariin si Anje. Nai-imagine pa lang niya ang galit ng mama niya ay nangangaligkig na siya. Mas matindi iyong magalit kaysa kay Rob. Sa katunayan, may pakiramdam siya na tinatawagan na siya nito. Naiwan lang niya sa kuwarto niya ang cell phone niya sa pagmamadaling makalabas nang marinig niya ang boses ni Rob.

"Sobrang lapit at linaw ng pictures na ito," komento ni Stephanie.

Lalo siyang napangiwi. Naroon din sa sala ng apartment nila ang lahat ng mga kaibigan niya na gaya niya ay nagising dahil sa sigaw ni Rob.

Tiningnan siya ni Stephanie na puno ng pag-aalala ang mga mata. "Hindi mo napansin na may kumukuha sa inyo?"

Napakagat-labi siya. Napansin niya iyon. Pero dahil masyado siyang nadala ng halik ni Ted ay hindi niya binigyang pansin iyon. Hindi siya naging maingat. At that moment while she was kissing Ted, nakalimutan niya na siya si Anje ng Wildflowers. Na may pangalan at reputasyon siyang kailangang alagaan. In Ted's arms, she became the simple girl she used to be. The girl who loved him so much.

"All I've been doing for the past weeks is keep you girls out of this kind of trouble. And now this?! Anje, there are only a few days left before your album's release and tour!" frustrated pa ring bulalas ni Rob.

"I'm sorry, Rob. I... lost my mind."

"I know how you feel," bulong ni Carli sa kanya.

Bumuntong-hininga si Rob at nagparoo't parito. "It's too late to say you're sorry. The paparazzis are already surrounding this building. This will be such a hassle. Geez."

"But Rob, hindi ba ikaw rin ang nagsabi na good publicity si Ted? That's why you allowed him to get close to Anje?" kaswal na tanong ni Ginny.

Pinukol ito ni Rob ng matalim na tingin. "But I didn't tell her to kiss him in public like that!"

Nag-init ang mga pisngi ni Anje. "I'm sorry," ulit niya.

"Now, calm down, Rob. Hindi naman siguro ito kasinsama na gaya ng iniisip mo. Baka makatulong pa nga itong promotion para sa album namin. Remember we are Good Girls Gone Wild now," pabiro pang sabi ni Yu na halatang kinakalma si Rob.

"Oo nga. Why don't we talk to Mr. Gallante first? Maybe he's not going to get angry like you think," suhestiyon ni Carli.

"Rob, you can be such a worrywart sometimes. Chill," nakangiting sabi ni Stephanie.

Na-touch si Anje sa suporta ng mga kaibigan niya sa kanya. She smiled at them in gratitude.

Huminto sa paglalakad si Rob at bumuntong-hininga. "Fine. We will talk to him today. After all, we have to go to the office for our meeting. And you have a rehearsal today because you were invited to perform on American Idol this Wednesday," sumusukong sabi nito. Pagkatapos ay binalingan siya nito. "Yu might be right in saying that this will help your band. But you must know, Anje, that this is not good for Theodore. Unlike those who are in showbusiness, the classical community is very strict when it comes to morality, etiquette, and decency. These photos will affect his career," seryosong sabi nito.

Nanlamig siya. Tama ito. Mas makakaapekto ang mga larawan nila kay Ted kaysa sa kanya. Napatayo siya. "I need to call him," wika niya.

"No," mabilis na awat ni Rob. "What you need is to prepare because we have to go to the office in a few minutes. You don't have time to chat. Besides, it will not change anything. Now move!" utos nito.

Magrereklamo pa sana si Anje ngunit hinawakan na siya ni Ginny at hinila patungo sa silid niya. "Huwag ka nang makipagtalo, baka magbago ang isip niya," bulong nito sa kanya.

Nanginig ang mga labi niya at sumusukong tumango na lamang. Pero pagpasok niya sa silid niya ay halos takbuhin niya ang cell phone niya. Kailangan niyang makausap si Ted kahit ilang minuto lang. Kaya labis siyang nadismaya nang makitang patay ang cell phone niya at hindi niya iyon mabuksan.

Napaungol siya nang mapagtantong low batt na iyon. Wrong timing naman. Sobrang lutang siya kagabi na hindi niya iyon nai-charge.

"Anje, hurry up!" sigaw ni Rob mula sa labas ng silid niya.

Napangiwi siya at walang nagawang mabilis na nag-ayos. Isinilid na lamang niya ang cell phone at charger niya sa bag niya bago lumabas ng silid.

Pagbaba nila sa lobby ng apartment nila ay napabuntong-hininga siya. Tama si Rob. Napakarami ngang paparazzi roon na halos ingudngod sa kanya ang mikropono at recorder. Pero dahil hindi pa niya nakakausap si Ted ay wala siyang isinagot sa mga tanong ng mga ito. Haggard na siya nang makapasok sila sa sasakyang ginagamit ng banda nila kapag may trabaho sila.

"For sure, their next stop will be Theodore's hotel," sabi ni Rob at tiningnan siya na parang kinokonsiyensiya siya.

Pumikit siya nang mariin at napasandal. Kasalanan talaga niya na nadamay si Ted sa gulo ng mundo niya. At ni hindi man lang niya ito matawagan.

You are so useless, Angelica, mapait na naisip niya.

WILDFLOWERS series book 3: First Love's TouchWhere stories live. Discover now