11.

9K 239 47
                                    

Jema's

After Taiwan trip nakatanggap ako ng tawag para pumunta sa Thailand kasi yung team ko doon will have some guesting and commercial for upcoming league.

Yung dapat 3 days lang umabot ng 5 days. Uwing uwi na ako antagal ko ng di nakikita si Deanna almost two weeks na. Pumunta siya ng US tas pag uwi niya pumunta naman ako ng Thailand. The destiny is really challenging us. Ang galing.

Sabi ni Ate Jia na naibigay niya na daw kay Deanna yung iniwan kung gift. She send me a picture of Deanna smiling habang tiningnan yung box. Somehow napasaya ako na she appreciates it.

Pagkarating ko ng Pilipinas sobrang excited ako bumalik sa training gusto ko siya makita.

Kinabukasan maaga akong pumunta ng gym. Agility and weights ang gagawin namin under coach Mark.
Medyo na late ako ng dating nagsisimula na sila ng dumating ako at ang unang umagaw ng atensyon ako ay si Deanna mukhang sasabay siya samin sa pag work out.

Napansin ko na may kasabay siyang nagwowork out. Familiar siya sakin she's an Atenean si Aya.
Yung excitement ko nawala lalo na ng makita ko sila na nagwowork out together. Halatang halata naman na that Aya is hitting on her pero si Deanna naman patay malisya lang.

Nakakainis na.

Nakita ko na naghubad ng T-shirt yung Aya and tinira niya lang yung sports bra niya sabay lapit kay Deanna.

"Deans let's play balls." Yaya niya kay Deanna habang hawak yung volleyball at niyaya siya sa court.

Kumunot noo ko.

"I don't play volleyball Aya."

"Basketball nalang, sabi ni Kuya Luigi magaling ka daw magbasketball dati." Sabay hila kay Deann papunta sa court at naglaro sila.

Huminga  ako ng malalim napipikon na ako sa nakikita ko.

Inakbayan ako ni Tots nagulat ako sabay lapit ng mukha niya sa tenga ko. "Relax lang halatang halata na nagseselos kana."

"Masyado kang malapit Tots" medyo naiilang ako sa kung gano kalapit ang mukha niya sakin.

"Ok lang yan tingnan lang natin magiging reaksyon ni Deans" she said

Two can play a game.
Gusto mo ganito Deanna sige pagbibigyan kita.

Umupo kami sa gilid ni Tots hindi niya inalis akbay niya sakin.

Nakita ko na nakatingin samin si Deanna.

Naging malalim ang usapan namin ni Tots to the point na nakalimutan ko na nga si Aya at Deanna dahil sa nakakaaliw pala tong kausap si Tots, she has this humor and deep thoughts at the same  time.

Habang naguusap kami  biglang nalang may tumalbog na bola sa harap namin.

Sobra akong nagulat buti nalang hindi kami natamaan.

Tiningnan ko kung saan yun galing.

Doon kina Deanna.

"Ano ba ingat naman bro." Mahinahon na sabi ni Tots kay Deanna ng lumapit ito para kunin yung Bola.

"Masyado kasi kayong harang, matuto ka lumugar." Deanna said hindi ko alam pero parang iba gusto niya parating.

Ngumiti si Tots. "Nasa tamang lugar naman ako kasi wala naman nagmamayari neto."

"Sayo ba to?" Dagdag pa niya.

Nagkasukatan sila ng tingin.

"Hep, awat na" sabay akbay ni Bea kay Deanna and Tots.

DEFYING THE ODDSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ