31.

8.8K 209 10
                                    


Jema's

Today marks the most important day to us.

It's our wedding day.

Few months pagkatapos ng paggaling ko mula sa pag kakaaksidente, inasikaso na agad namin ang mga papeles na kailangan para magpakasal ng Legal sa States. So legally speaking kasal na kami ni Deanna sa States few months ago.

But this day is different as we will tie knots again infront of our closest friends and family.

Lahat naman tayo we have perfect wedding in our minds.

Pero napatunayan ko na hindi naman pala perfect wedding ang makakapagpasaya sayo kundi sa kung kanino ka magpakasal.

It is a simple beach wedding here in Cebu,Kato Beach to be exact. Pinili ni Deanna to para daw parang kasama namin si Tita Judin kasi favorite niya ang Kato beach.

Busy na ang lahat  kasi this afternoon during sunset yung kasal na kami.

Inaayusan na ako.

"Excited?" Nagulat ako sa nagsalita si Deanna.

"Bakit ka nandito bawal tayo magkita." I said.

"Ha? Why?" She innocently asked

"Pamahiin yun bawal magkita ang ikakasal." I said.

"Kagabi pa nila tayo pinaghiwalay, kasal na kayo tayo." Reklamo niya

"Sundin nalang natin sige ka magagalit yun si Nanay pag nakita ka dito." She pouted and kiss me goodbye.

"See you later Mrs.Wong." my heart skip a beat whenever she calls me Mrs.Wong di parin ako sanay.

Kunting tao lang inimbita namin our family of course,closest friends,previous teammates, some creamline players and big bosses,some adamson and ateneo players,ka work ni Deanna and some of her close friend here in Cebu. Sa totoo lang we cut budget for this wedding, mas may pinaghahandaan kasi kami. We want to have a child after our wedding.

It doesn't matter how elegant or simple a wedding is, but it's the solemnity of the wedding and the commitment of the couple that matters most.

Yun ang importante isa pa this just to formally inform everyone that we are married.

Hindi ko alam bat kinakabahan pa ako siguro dahil sa kahit papano matutupad ko ang pangarap nila nanay na  ihatid ako sa altar, hindi man kami kasal sa simbahan dahil sa bawal pa, I know that god is watching us from above and giving is the blessing we needed.




Deanna's

Everything is settled, the ceremony is about to start. Hindi ko alam bat sobrang kinakabahan ako.

"Hey chill, di ka naman tatakasan ni Jema." Ate Bei said. She, Ate Mads,Ponggay and Luigi were my bestman and bridesmaids kasi bride din naman daw ko so I need a bridesmaids din.

Nakita ko si Dad na tinitingnan ako his teary eyed while smiling, I  smile at her and he mouthed "I'm so proud of you."

It somehow makes me feel calm knowing Dad is here supporting me.

"I don't know parang first time ulit namin ikakasal." I said well technically first time beach wedding namin  to kasi dun sa america nagpakasal kami sa judged.

I want to give her a wedding she deserves di ko man siya maihaharap  sa altar atleast naranasan niya na ikasal.

Habang isa isang naglalakad ang mga kasama sa entourage lalo akong kinakabahan.

Para akong kinakapos ng hininga so niluwagan ko yun neck tie ko. I'm wearing a white tuxedo.

Nakita ko na sina Cy at Kring at Mafe jema's bestman and bridesmaids

DEFYING THE ODDSWhere stories live. Discover now