16.

9.5K 237 43
                                    

Jema's

Hawak hawak ko ang kanyang mga kamay habang naglalakad papalabas ng hotel. Hindi siya nagsasalita, hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya. Even me was shock of what I saw.

When I saw her in front to sing, I can see how scared she is. Hindi siya masaya hindi ko alam kung ano yung  nasa isip niya. After niya tumugtog alam kong may mali sakanya kaya sinundan ko siya.

Alam ko noon pa man she has tendencies, she burst out when she's angry but not like this she's so broken.

Nakarating kami sa parking lot.

"Dito ka lang ha, magpapaalam lang ako sa loob" i said ng pinapasok ko siya sa kotse ko

She didn't say a thing, hawak niya lang kamay ko.

"Kukunin ko lang gamit natin and aalis na tayo mabilis lang to." I assured her.

When I came back after ko magpaalam sa loob pumasok na ko sa driver seat.

I fix her seatbelt.

"Where are we going?" She asked

"Dadalhin kita dun sa hinahanap mo." I said

Tiningnan niya lang ako.

"Trust me on this." I smiled at her.

The whole  ride she's quiet pero nung huminto kami sa bahay namin dun siya nagtaka, Hindi niya pala alam na may bahay na kami dito sa manila at andito na nakatira sina nanay, pero madalas si nanay lang andito kasi si tatay ng cocoach ng volleyball sa school sa San Pedro laguna kasama si Ate Jovi.

"Where are we? Kaninong bahay to? She asked.

Maya maya bumukas yung gate at pinasok ko na kotse ko.

"Bahay mo to? She asked again

I smile at her.

"Tara na," yaya ko sakanya

"Are you living here alone?" She ask while observing place.

"Nope." I said.

Tiningnan niya ako.

"Nay!" Tawag ko kay nanay.

"Jusko naman na bata ka bat ka ba sumisigaw, ano ba yun?" Patakbong lumabas si nanay galing sa kwarto niya.

"Nay may kasama ako." I said

Tiningnan ko si Deanna sobrang daming emotion ang nakikita ko sa mata niya.

Hindi ko alam kung makakatulong to sakanya pero alam ko hindi ako ang tao na kailangan niya ngayon.

Kundi si Nanay. Deanna's has been longing for her mom, alam ko kung gano sila ka close ng Mom niya I remember kung gano kami nahirapan sa relationship namin noon dahil ayaw niya masaktan ang Mom niya.

"Anak?" Tawag ni Nanay kay Deanna,

Nakita kong umiiyak si Deanna.

She's so fragile, it pains me na wala ako nung panahon nahihirapan siya.

Nilapitan siya ni Nanay. "Bakit ka umiiyak? Bakit umiiyak ang anak ko?"

"Nagtatampo si Nanay sayo kasi hindi ka sakin nagpaalam ng umalis ka? Kamusta kana?" Nanay said

Hindi makapagsalita si Deanna she's just crying.

" Nanay." She said.

Hindi ko mapigilan maiyak.

Niyakap siya ni Nanay. "Andito lang si Nanay makikinig ako sayo anak."

"Magpahinga kana ako ng bahala sakanya." Nanay said at tumango ako.

DEFYING THE ODDSWhere stories live. Discover now