Chapter 17

689 21 0
                                    

"Akala ko kung sino na. Haha! Akala ko may apo si lolo sa labas. Patay tayo diyan." biro niya na ikinatawa ko.
"Hanep!" sabi ko.
"Nagpaikli ka kasi ng buhok kaya hindi kita nakilala agad." sabi niya. Tanging ngiti lang ang naisagot ko. Nakaupo kami ngayon sa bermuda grass. Nasa gitna namin ang puntod ng lolo niya.
"Kamusta kana?" panimula niya.
"I'm doing fine. Ikaw?" tanong ko pabalik.
"Ganun din. Anyways, usap-usapan ka dito ah. You're popular here. Congrats! Bukod sa isang ganap ka nang psychologist, you're a vlogger. Alam mo bang nakaabang palagi sila Mom sa mga videos mo." kwento niya.
"Thanks Donato. And congratulations too, Engr. Pangilinan. Sa wakas! Natupad mo rin yung pangarap mo." sabi ko.
"Haha! Salamat. Pero ang dami ko talagang napagdaanan bago ko makamit ito." sabi niya.
"Natural lang yan." sabi ko rin. Namagitan ang katahimikan.
"Ikamusta mo ako kila Tita Maricel at tito Anthony ha." sabi ko. Naisipan ko na kasing umalis na agad since andito naman na si Donny.
"Could you stay a bit longer?" tanong niyang nang makitang tumatayo na ako. "I mean...kararating ko lang dito tapos aalis kana agad." sabi niya.
Napaupo ako ulit.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Random things. Like what happened during your stay in Japan? Mga ganun." sabi niya.
"Baka may makakita pa at magselos yung girlfriend mo." sabi ko na napapalinga.
"What? Wala akong girlfriend." natatawang sabi niya.
"Ohh...I thought you and Kirsten are together." sabi ko.
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Well...because of people's assumption. Hahaha!" natatawang sabi ko.
"Paano naman nila nasabi yan?" tanong niya.
"Sabi kasi nila, palagi raw kayong magkasama." sagot ko.
"We're good friends and business partner ko siya sa isa ko pang business." sabi niya at napatango naman ko.
"Okay." sabi ko nalang.
"Why are you so curious?" tanong niya.
"Wala naman. I just want to know." simpleng sagot ko. Napatawa naman siya. Bakit eto yung topic? Seriously?
Sandaling katahimikan ulit.
"Paano kung...tayo pa rin hanggang ngayon? Paano kung naging selfish tayo? Mararating kaya natin kung ano tayo ngayon?" tanong niya. Mag oopen up na ba siya? I'm not ready for this. I remained silence.
"The sacrifices, the tears and the pain, they are all worth it. Look at us now. Nagpapasalamat ako sayo, Shar. If it wasn't for your unselfishness, maybe hindi tayo ganito ngayon." napatango ako bilang pagsang ayon sa mga sinasabi niya. I smiled bitterly as I reminiscing our past.

- 8 years ago -
(Flashback)
"Shar!!! Please! Kausapin mo ako. Shar." pagmamakaawa niya habang kinakatok yung pintuan ng kwarto ko. Wala sila Mom ngayon dahil nagsimba sila at nagpaiwan muna ako dito. Bago umalis sila mommy, naabutan pa nila si Donny na pumunta dito. Akala siguro nila, okay kami ngayon kaya okay lang sa kanila na iwan ako kasama ng Donny na yan.
"Shar please! Buksan mo to. May sasabihin ako sayo. Importante!!!" pagmamakaawa niya. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko. Bago pa ako magsungit sa kanya, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap dahilan upang bumagsak kami sa kama at nasa ibabaw ko siya. Nagkatitigan kami. Kitang-kita ko ang luha sa kanyang mga mata.
"Shar, I'm sorry. Hindi ko narealize agad. Sorry talaga kung akala mong mahal ko pa yung ex ko dahil nagsinungaling ako sayo, hindi ko naman intensyong saktan ka. Kailangan lang talaga ni Kisses ng kaibigan. Nagsinungaling lang ako dahil nahihiya ako at natatakot sayo. Sorry din kasi hinayaan kitang malayo sa akin. Sorry dahil duwag ako at gago. Pinagsisihan ko na yun. Dahil gulong-gulo yung isip ko sa mga nasabi mo sakin kung mahal ko pa ba talaga yung ex ko, kinompronta ko ang puso ko kung sino talaga ang mahal ko. At ikaw! Ikaw ang sinisigaw nito Shar. Ikaw lang. Mahal na mahal kita. Love, please...wag naman ganito oh. Wag mo na akong iwan." pagmamakaawa niya habang hinahaplos yung pisngi ko. Napaiyak din ako sa mga sinasabi niya sa akin.
"Donny, kung sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka o nagiguilty ka, please lang...tama na." mahinang sabi ko dahil humihikbi ako.
"No! Mahal kita Shar at siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko." sabi niya.
"Paano si Kisses?" tanong ko.
"Kaibigan nalang talaga ang turing ko sa kanya dahil ikaw na ang nasa puso ko." sabi niya.
"Paano ako makakasiguro niyan?" tanong ko.
"Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Tama na yung isa, ayoko ng magsinungaling pa kasi durog na durog ako kapag ginawa ko yun. Ayoko na love. Na trauma na ako sa pagsisinungaling sayo."
Hindi ako makasagot. Hindi ko nga maramdaman ang bigat niya dahil hanggang ngayon nakapatong pa rin siya sa akin at ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Yung mga luha niyang tumutulo, humahalo na sa mga luha kong dumadaloy sa pisngi ko.
Pinunasan ko ang mga luha niya.
"Tahan na, Dons." pag aalo ko.
"Titigil lang ako pag tinanggap mo ako ulit." sabi niya.
"Oo na. Please lang tumigil kana sa kakaiyak diyan." sabi ko. Pinunasan niya rin yung mga luha ko.
"Wag mo na akong iwan ulit ha. Hindi ko kaya." sabi niya.
"Oo na." sabi ko.
"Promise?"
"Promise."
"Sige nga halikan mo ako ngayon. Namamanhid na kasi yung labi ko kapag wala yung kiss mo eh." at umandar na naman ang kamanyakan niya.
"Donny!" saway ko.
"Sige na nga. Ako nalang." sabi niya at hinalikan niya ako. Hindi na ako umangal pa. I kissed him back. Hindi namin namalayan na nakapatong pa pala siya sa'kin. We deeply kissing each other's lips. Tinigil ko ang halikan namin. Potek! Hindi ako makahinga eh. At saka...argh! I felt a sensations down there.
"Donny." hindi siya sumasagot dahil hinahalikan niya yung leeg ko.
"Donny! Ang bigat mo na!" reklamo ko para mapatigil ko na rin siya. Baka saan na to patungo. Napamura naman siya. Hindi niya rin ata namalayan yung posisyon naming dalawa.
"Sorry, love." sabi niya at umalis na sa ibabaw ko.
Umupo na siya tabi ko at napaupo na rin ako.
"So...officially na tayo ha." sabi niya. Officially? Finally!

- End of Flashback-

Napatawa ako nang bumalik sa alaala ko kung paano kami naging official ni Donny.
"Bakit ka tumatawa?" nakakunot-noong tanong niya. Nakalimutan ko pa lang nasa tabi ko lang siya.
"Wala. May naalala lang ako." sabi ko.
"Ano naman yun?" tanong niya.
"Basta. Anyways, kamusta na kayo ni Kirsten?" biglang tanong ko.
"As I've told you, we're just friends. Bakit mukhang interesado ka?" nang aasar na tanong niya.
"Funny, Donny. Nagtatanong lang naman ako. Baka awayin na naman ako nun." sabi ko as I rolled my eyes. Bigla ko namang naalala yung encounter namin ni Kisses.

-Flashback-
8 years ago...

"Love..." tawag sa akin ni Donny sabay hila sakin papalapit sa kanya at niyapos niya ako. Bigla naman akong namula.
"Bakit naman?" kunwaring pagsusungit ko.
"I just missed you." parang batang sabi niya. Txng inang yan. Halos araw-araw na nga kaming nagkikita, miss niya na ako agad. Napakaclingy talaga ng lalaking to. Pasalamat siya...pasalamat siya at gustong-gusto ko yang paganyan niya. Kinikilig ang lola niyo!
"Tumigil ka nga. PDA na tayo." sabi ko sabay tingin sa paligid. Nasa tapat kasi kami ng school at sinusundo niya ako ngayon papunta kaming mall. Sasamahan niya akong bumili ng regalo para kay Mommy.
"I don't care." sabi niya at hinigpitan niya pa lalo yung yakap niya sakin.
"Don...ny...hindi...ako...maka...hinga." nahihirapang sabi ko. Bigla naman niyang kinalas yung yakap niya.
"Sorry, Love. Nanggigigil lang ako sayo. Parang gusto kitang i-kiss dito." sabi niya. Namamanyak na naman ito. Bago pa niya gawin yung iniisip niya, hinila ko na siya papasok sa kotse niya. Ako na ang magdadrive.

"Are you sure?" tanong niyang nang pinaandar ko na ang makina. Tumango lang ako at biglang pinabilisan yung pagdrive. Buti nalang at hindi rush hour ngayon kaya hindi masyadong masikip at traffic yung daanan.
"Love, wag naman. Dahan-dahan lang. Alam mong mahal kita pero kasi baby natin to eh. Baka magasgasan." sabi niya.
"Edi lumabas din mismo sa bibig mo na mas mahal mo yang kotse mo kesa sakin." sabi ko.
"Love naman!" pagmamaktol niya.
Napatawa lang ako at medyo binagalan ang pagdrive.

"Mas mainam kung relo nalang yung iregalo mo sa kanya."suhestyon niya. Pumipili na kami ngayon ng pangregalo.
"Hindi yan mahilig sa relo eh." sabi ko. "Ah! Alam ko na." sabi ko at pumunta sa jewelry shop. Tutal, wala namang masyadong alahas si Mommy, bibilhan ko nalang siya ng kwintas. Pinili ko ang silver na may pearl. Ang cute kasi. Simple lang siya pero feeling ko magugustuhan to ni Mommy. Habang kinakausap ko yung sales clerk nila, nabigla naman ako nang may sinabit na bagay sa leeg ko si Donny mula sa likuran ko.
"Para saan to?" tanong ko nang tuluyan niyang pinasuot sakin ang necklace. Tinignan ko to. Isa siyang gold at may letrang "S" na nakalagay.
"Para parehas tayo." sabi niya at pinakita niya sakin yung necklace niyang gold din at may "D" na nakalagay. Napangiti ako ng tuluyan.
"Ang corny mo." sabi ko.
"Bagay nga sayo. Parang ako lang. Bagay na bagay sayo." omg! Ang corny niya talaga. Nahiya tuloy ako sa mga sales lady dito.

Saktong pagkalabas namin ng shop, may nabangga ako...isang babae.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" iritadong sabi niya.
"Sorry-" sht! Si Kirsten aka Kisses. Yung ex ni Donny.
"Sorry? Your sorry is not enough! Gosh! Bakit ang clumsy ng mga tao dito?" reklamo niya na nakatitig pa rin sakin. Hindi niya ata napansin si Donny na nasa tabi ko
"Kisses!" sambit ni Donny.
"Hon! Oh my God! It's you!!! Matagal ka nang hindi nagpaparamdam sa'kin." bati niya sabay kiss sa cheeks ni Donny. Potek!
"Gusto man sana kitang puntahan sa inyo kaso your parents wouldn't let me in. Ewan ko nga ba sa kanila! Tinatawagan naman kita pero out of coverage ka! What's the problem with you!? reklamo niya. Aba! Kung umasta to parang girlfriend siya ah.
"Ahh...ehh.." hindi pa man nagsalita si Donny, sumingit na naman siya.
"Why your parents are mean towards me? Grabe na sila. Hindi ba nila alam na boyfriend kita?"
"Kisses! Hindi na kita girlfriend." sabi ni Donny.
"Oh well. Hindi pa! Mapapasakin ka rin ulit." sabi niya. Pumeke ako ng ubo. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Why are you still here?"mataray na tanong niya.
"Well, hinihintay ko lang naman ang BOYFRIEND KO." sagof ko na nakataas din ang kilay.
"Wala akong pake! Bakit dito mo hinihintay?" mataray na tanong niya ulit.
"That's because you we're flirting with him." sagot ko
"Excuse me?" sabi niya.
"Dadaan ka?" sagot ko.
"How dare you!" lalapitan niya sana ako nang pinigilan siya ni Donny.
"Bakit ako yung pinipigilan mo? Dapat siya!" sabi niya sabay turo sakin.
"Tama na Kisses." sabi ni Donny.
"Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng to?" tanong niya.
"Because she's my girlfriend." sagot ni Donny na kinabigla naman niya. She looked at me from head to toe at napataas yung isang kilay niya.
"Eto ba yung pinagpalit mo sa'kin?  Gosh! Mukhang cheap! Wala pa sa kalingkingan ko ang babaeng yan. Ginayuma ka ba niya? Shocks! Pinulot mo lang ata to sa tabi." sabi niya. Bigla naman akong nasaktan sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Donny.
"Isa pang masasakit na salita para sa kanya, kakalimutan kong babae ka." banta niya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa kanya.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now