Chapter 37

398 15 5
                                    

Halos liparin na ni Donny ang hospital dahil sa pag-aalala sa kanyang asawa. Mula nung malaman niyang naaksidente ito ay wala na itong maisip na iba at halos naging blangko na ito. Kung hindi pa siya sinapok ng Yaya Pasing niya ay hindi pa ito bumalik sa kanyang katinuan. Naabutan niya sina Rachelle at ang mama at papa ni Sharlene na nasa labas ng operating room. Tinakbo niya ito patungo sa kanila.

"Kuya!" napatayo ang humahagulgol sa iyak na si Rachelle nang makita si Donny na papalapit.
Sunod-sunod namang lumingon ang mga magulang nito.

"Donato!" her mom called him. He froze for a moment.
Lumapit ang mother-in-law nito sa kanya at niyakap siya. She's crying like she lost a child and Donny felt it. Tuluyan na rin siyang humagulgol sa iyak.

"Kamusta na po ang asawa ko?" tanong niya nang mahimasmasan ng konti.

"She's in a critical condition. Hindi pa lumalabas ang doktor mula pa kanina nang isugod siya." her Dad answered him.

"Ate Mika was dead on arrival. She did not survived." Rachelle told him.
Hindi makapaniwala niya itong titigan. Bakit naging ganito ang kinahantungan ng lahat?

Nang lumabas ang doktor mula sa Operating Room, lahat sila ay nakaabang na at inaantay ang sasabihin nito.

"Are you her husband?" tanong sa kanya nang Doktor.

"Opo. How is she?" kinakabahang tanong nito.

"Tatapatin ko na po kayo. Both of your wife and the baby are in a state of critical conditions." the doctor heaved a sigh.
"Both of them may not survive. Ikaw ang tatanungin ko at ikaw ang magdedesisyon since ikaw ang may mas karapatan."
"Hindi namin pwedeng pilitin na iligtas  sila pareho dahil kapag nangyari iyon, dalawa sila ang mamamatay. You have to choose, Sir. It's whether you lose your child or your wife. Kailangan namin ng sagot ninyo as soon as possible dahil hindi ito pwedeng patagalin pa. I'm sorry for the bad news. Please let us know if you have now an answer." parang gumuho ang mundo ni Donny nang marinig ang sinabi ng Doktor. Paulit-ulit itong sumasagi sa utak niya. Napaupo ito sa sahig nang makaalis na ang doktor. Ang mama naman ng kanyang asawa at ang kapatid nito ay umiiyak habang ang papa nito ang umaalo sa kanila.

Parang kailan lang ay binibiro niya pa ang asawa nito sa magiging pangalan na anak nila. Nung kailan lang, masaya niyang kayakap ang asawa habang hinahaplos ang tiyan nito at kinakantahan niya pa ito. Hindi niya akalaing magiging ganito ang kahahantungan ng lahat.

He couldn't afford to lose the both of them. Hindi niya kayang pumili. Para na rin niyang pinatay ang mag-ina niya kung gagawin niya iyon. But he has to. Kung pwede lang sana ay siya nalang ang mamamatay at hindi ang asawa o ang anak niya.

"Donny, you have to be strong. We will respect your decision of what ever it is. Mahal na mahal namin si Sharlene but I know what it feels to lose your own child." her mom said tearfully.

Isa-isang dumating ang mga magulang ni Donny. Ang Mommy Maricel niya ang halos kasa-kasama at umaalo sa kanya. Mahigit isang oras niyang pinag-isipan ang naging desisyon nito.
Napatingin sa kanya ang lahat nang tumayo ito at tumalikod sa kanya. Nobody's  stop him from walking away. They all knew that he made an answer. Halos nakakabingi ang katahimikan at tanging yabag lamang ni Donny papalayo ang naglilikha ng ingay.

Blangko ang expression niya nang matagpuan niya ang doktor ng kanyang asawa. The doctor stared at him with an anticipation.
"Mr. Pangilinan." the latter called him.
"Nakapagdesisyon na po ako, Dok." he said trying to be strong.

HALOS dalawang linggo ang nakakalipas bago gumising si Sharlene. Mukha agad ng asawa niya ang bumungad sa kanya. He called the Doktor and nurse right away. She suddenly felt strange on her tummy.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now