Chapter 35

369 9 0
                                    

"Oh, Mika!" bungad ni Sharlene sa kaibigan nang makitang nasa labas lamang ito ng kanyang bahay at tulalang nakatungo sa harap ng pintuan nila.

"Shar..." malungkot na tawag sa kanya ng kaibigan at niyakap siya ng mahigpit. Nagtatakang tinapik lamang niya ito ng mahina sa kanyang likod. Pinapasok niya ito pagkatapos ng ilang sandali.

"I don't get it! Why is he acting like a kid? Mas matured pa ata mag isip si Sophia kesa sa kanya." pag-aalburoto ng kanyang kaibigan habang siya naman ay prenteng kumakain lamang.

"Gusto niya lang siguro ng lambing mo." pag-aalo niya sa kaibigan.

Mika scoffed. "Lambing? Ano siya bata?" tanong nito.

"Mika, every guy needs to spoil too. Naghahanap lang iyan ng lambing." malumanay na sabi nito.

"Oh? Ginawa mo din ba iyan kay Donny?" tanong ng kaibigan niya. She nodded her head.

"He always spoiling me. Hindi naman masama kung gawin ko din iyan sa kanya paminsan-minsan." nakangiti niyang saad. Mika shooked her head.

"Kaya pala mukhang baby damulag gumalaw yung asawa mo." asar nito sa kanya. Inismiran niya ito.

"Kaya pala masungit palagi yang asawa mo, kulang sa tamis. Palagi nalang bitter." asar niya pabalik.

"I hate him." sabi nito.

"Yet you love him." asar pa ulit niya sa kaibigan. She clasped her hands.

"Ang totoo niyan, galing na siya dito kanina. Nakipag-inuman kay Donato but something's came up. My husband left with him." sabi niya.

"Kaya pala umuwing lasing yung gago. Saan naman pumunta yung magaling mong asawa?" tanong ng kaibigan niya.

"Tumawag yung Dad niya. He needs him." sagot niya.

"Nang ganitong oras? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Business thing." tipid na sabi niya. She took a deep breath.
"The truth is...I'm bothered." dagdag pa niya.

"With what?" tanong ng kaibigan niya.

"With whom." pagtatama niya sa kaibigan. "Yung newly hired na architect niya. She always calls him kahit hating-gabi na tumatawag pa rin sa asawa ko kahit hindi na ito tungkol sa trabaho." she said.
Her friend tapped her back.

"You should have ask your husband." suhestyon ni Mika.

"I can't. Baka sabihin niya hindi ko siya pinagkakatiwalaan." sagot niya.

"Duh! There's nothing wrong when asking." sagot din ng kaibigan nito. She pouted her lips while the latter consoles her again.

It's almost midnight but her husband wasn't home yet. She worriedly dialed his number and for a fleeting seconds, he answered.

"Love! Ba't gising ka pa?" napakunot ang noo niya sa sobrang ingay ng nasa background.

"Where are you?" tanong niya sa asawa.

"Bar. I'm here to fetch someone. Uuwi din ako agad." sabi niya.

"At sino naman?" taas-kilay na tanong nito.

"Our Architect." ("Engineer! What took you so long? Come here!") halos mahulog ang cellphone na hawak niya sa kanyang narinig. Boses ng babae.

"I'm sorry, Love but I have to go. Don't wait for me and just sleep now, okay? I love you." bago pa siya makaangal ay namatay na agad ang tawag.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα