Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter Three

32K 643 47
                                    

NAKATAYO SI NENA SA TAPAT NG MAIN ENTRANCE NG SALVADORES LAW FIRM. 6:30 PM pa lang ay nakarating na ang asawa ni Tanya. Nakasakay si Keith sa motor nito.

"Oh, nandito na ang mister ko," lingon sa kanya ng kaibigan. "Salamat ha, at sinasamahan mo ako maghintay sa kanya."

"Wala iyon," ngiti niya sa kaibigan habang tinutulak ito pataboy para sumampa na sa likuran ng motorsiklo. "Lumakad na kayo at ayokong maabutan na naman ng malakas na ulan at traffic!"

And she should really hurry. Kaninang umaga pa paulan-ulan at madilim ang langit. Ngayon, damang-dama na naman ni Nena ang lamig ng hangin na nagbabadyang malapit nang bumuhos na naman ang ulan. Handa siya at may dalang payong pero sigurado siyang pahirapan na naman nito sa pagko-commute.

Sumakay na si Tanya na kanina pa suot ang kapote nito. Sinuot nito ang helmet bago humawak sa baywang ng asawa. Her husband gave Nena a nod before they left.

"Okay," hakbang niya para maglakad papunta sa waiting shed nang makarinig ng pagbusina.

Hindi tinuloy ni Nena ang pagtawid dahil dadaan yata ang sasakyan. Umusad nga ito pero huminto sa kanyang tapat ang silver na Lexus ES. Bumukas ang bintana ng kotse at sumilip ang gwapong mukha ng binata.

Si Clint!

Humigpit ang kamay ni Nena sa shoulder bag.

"H-Hi, Attorney!" Naku naman, bakit nauutal na siya?

Ngumiti ang lalaki. "Hop on," at inabot nito ang pinto ng katabing seat para buksan iyon para sa kanya.

Nag-aalangan na tumingin si Nena sa paligid bago ito hinarap. "Bakit? Saan tayo pupunta?"

"You're asking me about The Org, right?"

Nanlaki ang mga mata niya. Oo nga pala! Kanina kasi biglang bumalik si Tanya sa receptionist desk kaya walang paalam niyang nababaan ng telepono ang lalaki. She was really feeling sorry and should apologize for it!

Pero heto siya at nagdadalawang-isip makisakay na naman sa sasakyan nito.

Aba, hindi naman sila ganoon ka-close para maging kampante sa pagsama-sama rito. Kaya lang sa tagal na rin naman niyang nakikita sa Salvadores Law Firm si Clint at minsana'y nakaka-kumustahan, wala namang takot si Nena sa lalaki.

Kinakabahan lang siguro siya dahil alam niya sa sarili niyang pananabik itong nagwawalang emosyon sa kanyang dibdib. Mas higit ang pananabik kaysa takot. She always had this urge to touch him when they get a little too close. At Diyos na mahabagin, hindi mawala-wala sa isip niya ang histura nito kagabi. Basang-basa ang lalaki ng ulan at parang gusto niyang hubaran ito para hindi mababad sa basang damit. At kung kailangan nito ng konting init...

Hay, ano ba itong naiisip niya!?

"Nena," tawag sa kanya ng lalaki kaya naputol ang pagbabalik-tanaw niya.

"S-Sorry, Attorney," madali niya sa pagsakay sa tabi nito sa kotse.

Pagkasara ni Nena ng pinto, pinaandar agad iyon ng lalaki. Kinandong niya ang bag at nilingon ito.

"Sorry pala, Attorney, binabaan kita ng phone kanina," paliwanag na niya. "Ayoko naman kasing marinig ni Tanya na kausap kita."

"Sneaking around," he grinned with eyes on the road. "Sounds fun, isn't it?"

"Ano'ng sneaking around?"

Sumulyap ito sa kanya. "Why ask me about The Org?"

THE GENTLEMAN'S SECRETWhere stories live. Discover now