Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter Seven

30.8K 534 22
                                    

KOMPORTABLENG UMUPO SI CLINT sa bakal na upuan katapat ng swimming pool, pares ng jeans at fitting shirt na grey ang suot. Pinanood niya ang paglapit sa kanya ni Walter. Naka-maroon na roba lang ito. Bukas ang roba kaya makikitang nakasuot ito ng puting undershirt at boxer shorts. May dala itong envelope at inabot iyon sa kanya.

Nakasanayan na niyang tuwing araw ng Linggo pumapasyal siya sa bahay ng kaibigan kaya magkaharap sila ngayon. Tumaas ang isang kilay ni Clint nang tanggapin ang envelope. Kulay puti iyon na may kulay ginto na detalye. He opened it and pulled out a card.

It was an invitation for Walter and Beta's wedding.

Clint let out a groan, followed by a laughter. Inangat niya iyon at pinakita kay Walter na nakaupo na rin sa mesang iyon. There was disbelief in his eyes as he chuckled.

Mukhang nabasa ni Walter ang nasa isip niya at masayang tumango-tango.

"Congratulations, bro," lahad niya ng kamay para umapir dito.

Bahagyang napailing si Walter habang nakikipag-apir. Malapad ang pagkakangiti ng lalaki bago bumalik ng sandal sa kinauupuan nito. He placed his arms on the metal chair's armrest.

"Ikaw ang nilagay kong best man," nakangising turo sa kanya ng kaibigan. "Kaya hindi pwedeng hindi ka pupunta."

He shook his head. "Bro, alam mo namang hindi ko trip um-attend ng mga kasal-kasal na iyan."

"Come on. Kahit sa kasal ko man lang?"

Nagbuga siya ng hininga at sumandal. Inabot ang invitation at inangat iyon para pagmasdan habang pinag-iisipan kung ano ang isasagot sa kaibigan.

"Come on, bro," nasa boses nito ang pakikiusap.

Umiling siya at binalik sa mesa ang invitation. "Let me think about it."

"I'm your best friend!" he blurted, suppressing a laugh. "Don't tell me-"

Tumitig siya sa mga mata ng kaibigan. "I'm fine."

Alam na kasi ni Clint kung saan papatungo ang usapan, kaya pinangunahan na niya si Walter. Nakikita niya sa ekspresyon sa mukha ng lalaki na hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"What?" usig niya. Mas maganda kung ive-verbalize nito ang iniisip kaysa pinapahula siya.

"Medyo sumama lang ang loob ko," pagseseryoso nito, naniningkit ang mga mata sa kanya.

"Bro, lahat ng pag-intindi, ha, binigay ko sa iyo. So I hope you understand me on this one," pilit niyang ngiti para hindi isipin ni Walter na nagagalit siya.

"You said you're fine," tusong ngisi ng kaibigan. "That's why I don't understand why you don't want to attend. What other reasons do you have for not wanting to attend?" Nanunukat ang titig nito.

He sighed in surrender. Lalong lumapad ang ngisi ni Walter dahil halata nitong wala na siyang maipangontra pa sa kaibigan.

"I'm attending, alright!" he groaned, taking back the invitation. "But," he leaned forward and intently stared at Walter, "that is not what I am here for."

"I know," panlalaking de-kwatro nito habang inaayos ang pagkakasara ng robang suot. "So what is it?"

"Medyo kinakabahan kasi ako," patong niya ng mga braso sa mesa.

Walter remained relaxed. "Para saan?"

Paano ba niya sisimulan? Napabuntong-hininga muna siya nang malalim bago binalik ang tingin sa kaibigan.

THE GENTLEMAN'S SECRETWhere stories live. Discover now