Wattpad độc quyền
Còn 4 chương miễn phí

Chapter Five

31.3K 601 11
                                    

DUMATING NA ANG BEER TOWER AT ANG MGA IN-ORDER NILA kaya tuloy-tuloy na ang naging selebrasyon para sa kaarawan ni Yves. Sinagot naman kanina ni Clint ang tanong ni Tanya. Nalaman lang daw nito kung saan siya nakatira nung hinatid siya nito sa bahay dahil maulan at wala siyang masakyan. He even gave Tanya a deadly gaze while telling that he already told her that story days ago.

In fairness kay Clint, napaka-kaswal nitong magpaliwanag. Hindi man lang nagkaroon ng malisya ang mga kasama niya sa paghatid nito sa kanya sa bahay noong inabot siya ng ulan...

Maingay na ang tatlong lalaki, nagkukwentuhan. Mas tahimik si Clint na paminsan-minsan ay abala sa cellphone nito. Pinaka-maingay si Yves dahil ito ang inusig nila Keith na magkwento kung kumusta ang buhay nito sa Japan kung saan ito nagta-trabaho ngayon. Pinuno ulit ni Nena ng beer ang baso niya nang maramdaman ang mabigat na titig sa kanya ni Clint. She lifted her eyes and the man was unashamed to catch her gaze. He lifted his glass to his lips and drank a bit. He finished drinking, pulled away the glass a little and gave her a smirk. Mabilis na umiwas si Nena ng tingin at umayos ng pagkakaupo. Biglang sumiksik sa kanya si Tanya.

"Hoy," bulong nito sa kanya, "kanina ka pa tingin nang tingin kay Attorney, baka mahalata ka."

Nagfi-feeling nga lang ba siya na ang lalaki ang tingin nang tingin sa kanya? Siya ba ang tingin nang tingin sa lalaki at napapansin nito kaya napapatingin sa kanya?

"Hindi 'no," lingon niya kay Tanya, magkalapit ang mga mukha nila para magkarinigan. "Lahat naman sila tinitingnan ko." At uminom na siya ng beer.

Keith began bobbing his head. Hinila nito sa kamay si Tanya kaya lumayo ito sa kanya.

"Gusto ko 'yong tugtog, sayaw muna tayo!" anyaya nito sa asawa.

Mabilis na binaba ni Tanya sa mesa ang baso habang nagpapaalam sa kanila si Keith na sosolohin muna saglit ang asawa.

"Siya, siya, siya!" taboy ni Yves sa mga ito. "Enjoy!"

Tumatawang umalis na ang dalawa. Now, it was more awkward. Siya na lang ang nag-iisang babaeng naiwan sa mesang iyon. Siguro kung silang dalawa lang ni Yves ang naroon, hindi nakakailang dahil bibiru-biruin lang niya ang lalaki. Pero dahil sa presensya ni Clint, hindi niya alam kung paano kikilos. Ayaw niyang makagawa ng kahit ano na pwedeng ika-turn off nito.

Sure, she said no when he asked her to be one of his fuck buddies. But that doesn't mean her crush for him was already dismissed. That she was less conscious now. Natataranta pa rin ang puso niya kapag nasa malapit lang si Clint. Kinikilig pa rin siya kapag napapagawi sa kanya ang mga mata nito.

"Ikaw," lingon ni Yves kay Clint, "baka gusto mo nang maghanap-hanap ng tsiks, ha, Attorney? Feel free!"

Mahina itong tumawa. "Bakit? Iiwanan niyo ba ako rito ni Nena?" saglit ng mga mata ng lalaki sa kanya.

Diyos ko naman, iwas na lang niya ng tingin at pasimpleng sumimsim ng alak.

Yves turned to her. "Gusto mo ba sumayaw?"

Binaba niya ang baso. "Hindi, 'no," alanganin niyang tawa. "CR lang ako," paalam niya sa dalawang lalaki.

Yves shrugged. "Sige, mag-iingat at baka may humarang sa iyo diyan. Mahirap na kapag may masalubong ka diyan na lasing."

Mahina siyang tumawa. "Kaya ko ang sarili ko, Yves baby!" pisil niya sa pisngi nito. She had to act how she naturally treats Yves. Kasama nila si Clint kaya lang hindi naman kaya ni Nena na magpanggap gaano man siya ka-conscious sa lalaki.

THE GENTLEMAN'S SECRETNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ