chapter 2 we meet again

19 1 0
                                    

Riely's POV

Sunday..

Naglalakad ako sa super market ngayon at naghahanap ng mayonnaise habang tulak tulak ang cart ko. Ubos na kasi stock namin sa bahay kaya kailangan ko na bumili. Nang mahanap ko ito kumuha ako ng dalawa sabay naglakad ulit papuntang cashier.

Habang pumipila ako bigla na lamang nagsalita ang nasa likuran ko. Agad akong lumingon at nakita ang kuya ni shania.

"we meet again." nakangiting sabi niya.

"oh hello raver." maiksing sagot ko sabay naglakad ulit para magbayad sa pinamili ko.

"would you mind if i ask you to go out with me?" sabi niya bigla naman akong nagulat sa sinabi niya at naging dahilan para muntik na ako atakihin sa puso.

"h-ha?" parang nawindag ako sa sinabi niya.

"pfft gusto kita ayain lumabas." nabalik ako sa katinuan ng sabihin niya ulit iyo.

"n-ngayon?. " pagtatanong ko.

"oo sana tutal andito narin naman tayo sa mall." ng matapos ako magbayad ng pinamili ko nagbayad narin siya at tumungo kami sa isang chinese restaurant  na sa pagkakaalam ko mamahalin dito.

"let's sit here." inurong niya iyong upuan at inalalayan ako umupo "thank you. " sabi ko naman sakanya.

"what do you want to eat?" nakangiting tanong niya sabay tumingin sa menu.

"Anything  will do." sabay baling ng atensiyon ko sa mga taong kumakain dito sa restaurant. Kung tititigan ng mabuti maganda ang pagkakadesenyo ng restaurant na ito although puro red ang kulay kasi chinese restaurant nga may mga butterfly rin na mga nakasabit and some chinese stuff.

"here's your order ma'am and sir." pagsabi ng waiter sabay nilapag ang mga pagkain na inorder niya. One szechwan chilli chicken, two quick noodles and two stir fried tofu with rice and tieguanyin for drinks.

"eatwell rie." nagsimula naman kaming kumain at bigla naman niyang binasag ng katahimikan.

"Ahem.... So ilang taon kana pala?"

"20"

"birthday?"

"March 3, 1999"

"ahmm ako 22 years old my birthday was july 18,1997"

Tumango ako bilang sagot ano ba 'to getting-to-know-each-other???  Naku pero infairness he's  kind and charming.

"may boyfriend kana ba?" bigla akong nabilaukan sa tanong niyang iyon.

"Ay sorry ito tubig." kinuha ko agad 'yong tubig sabay ininom at biglang tumingin sakanya ano ba namang tanong iyan grabe walang preno siya ah!

"wala." tipid kong sagot at kumain na ulit.

"pwede akong manligaw?" halos magulantang ako sa sinabi niyang iyon ano?!

"Hahahaha just joking seryoso ka naman."sabi niya habang natatawa parin

"pangalawang meet pa lang natin 'to anong ligaw ang sinasabi mo?  Tsaka pwede ba huwag mo akong biruin we're not that close yet." maawtoridad kong sabi.

Natapos kaming kumain at nag thank you naman ako sakanya uuwi na sana ako pero he insist na ihatid ako. Umayaw ako sa sinabi niyang iyon pero sa huli nauwi parin akong nakasakay sa kotse niya.

"by the way...  Ano pala trabaho mo?" pambasag katahimikan ko.

"Well I'm a doctor, isang taon palang ako bilang doktor." sagot niya naman hindi ko na siya ulit kinausap at tumingin sa labas ng bintana.

Raver's POV

Nakatulog ata siya. Tinignan ko siya habang natutulog at ngayon ko lang napagtanto na ang haba pala ng pilik mata niya hindi maipagkakaila na maganda talaga siya. Ewan ko ba pero nung una ko siyang nakita parang biglang nahulog ang loob ko sakanya.

"hey riely wake up." tinatapik ko 'yong braso niya at dahan dahan naman siyang nagmulat.

"Ay andito na pala tayo sa labas ng subdivision  namin sorry nakatulog ako." sabi niya habang nagkukusot ng mata....aww cuteeee.

"pfft ayos lang so pa'no alis na ako."sabi ko tumango na lamang siya bilang sagot tinitignan ko siya ng bigla kong maalala na kunin number niya agad akong tumakbo papalapit sakanya.

"rie wait!"ng makalapit ako sakanya hinihingal pa ako at tsaka bago nilabas ang phone ko.

"bakit?" tanong niya.

"can i get your number?" medyo nahihiyang tanong ko.

"0950*******"

"thank you." sabi ko naman at tsaka pumuntang kotse at umuwi na.

Pagkarating ko ng bahay para akong kinikilig sa paglagay niya ng number niya sa phone ko sinearch ko pangalan niya sa facebook at kinuha mga picture niya don syempre inadd ko narin.  Ang ganda niya talaga kahit simple lang siya she always put a light make up pero daig niya pa sa ganda ang mga babaeng parang clown na sa sobrang kapal ng make up. Hindi nagtagal natulog narin ako.

A/N:hays shout po sa mga kaklase kong maingay, puro paganda at puro selfie diyan! Sa lunes magtutuos ulit tayo sa lava walk na iyan!  Hahahaha.

His mistakes Where stories live. Discover now